You are on page 1of 2

ROAD TRIP

Wala pa akong napupuntahang ibang bansa, ngunit marami rami naman ang mga lugar
na aking napuntahan dito sa aking bayan. At masasabi kong isa sa mga pinaka
masayang naganap na paglalakbay kasama ang pamilya ay ang aming pag ro-road trip
sa iba’t-ibang lugar dito sa bayan.

Pagkatapos mag empake ng damit, unang araw, sa Isabela an gaming punta,


aming dinagsa and Magat dam na isa sa mga pinaka magandang tanawin, sapagkat
iyong makikita ang malawak ng dam ng tubig. Dinadagsa ng ilang manlalakbay dahil
sa ganda ng simoy ng hangin at dahil maganda itong pag bisekletahan at pag jo jogging
sa umaga.

Ang Magat dam ay natapos noong 1982, at hanggang ngayon, ito ang
nagsisilbing kuhanan ng pamumuhay ng ilang mangingisda.

Ito rin ang nagsisilbing daluyan ng kuryenteng dumadalot sa bawat tahanan sa


Isabela.

Sunod na araw, aming kinamusta naman ang Kiangan Shrine sa kiangan.


Malimit lamang ang mga taong dumadagsa ngunit maraming mga taga roon ang
bumibisata at tumatambay doon.

Ta tuktok ng isang building, nakikita ang buong tanawin at ganda ng


kapaligiran. Dito din inaresto si Yamashita isang heneral ng Japan noong 1945.

Parte ng shrine, ang museum kung saan, naglalaman ng maraming artifacts at


kayamang galing sa mga ninuno ng Ifugao.
Nakasaad rito ang buong angkan ng mga Ifugao mula sa pinakaninuno,
hanggang sa mga naging parte ng malaking pamilya.

Sa ikatlong araw, at huling araw, aming binista naming ang Banaue rice
terraces, isa sa mga pinaka sikat na destinasyon dito sa Pilipinas.
Pagsasaka ang karaniwang hanap buhay doon, kung kaya’t masisigla din ang
tubo ng mga palay dahil masagana ang tubig at wala gaanong polusyon.
Sa lahat ng napuntahan, ako at ng pamilya ko ay nagsaya, umuwi bitbit ang
mga memorya ng pagsasama.

You might also like