You are on page 1of 7

The Peninsula School, Inc.

PBR Housing Compound, Limay, Bataan

Jensen Myles M. Collas STEM-12

Gng. Medina A. Arellano Oktubre 21, 2019

Unang Paglalakbay sa Ibang Bansa

Marso 2015, huling buwan para sa aking pangatlong sa high school, ang huling araw ng

pasok namin sa eskuwelaha ay sa araw ng 17, kung kaya’t ang araw ng 18 ng Marso ang aming

petsa sa tiket para sa aming paglipad papuntang Dubai. Dubai na kung saan naghahanap buhay

ang aking ama. Ito ay ang araw na may mga dala kaming malaki at maliit na maleta sa unang

pagkakataon sa aking buhay. Ito rin ang araw ng unang pag akyat ko sa eroplano papuntang

ibang bansa. Kasama ang aking ina at ang aking kapatid. Wala naman tensyon sa panahon na

naglalayag ang aming eroplano habang nasa ere ito, ngunit ang paglanding nito ang

nagkaproblema, matagal bago ito makapalapag kaya mayroon kaunting epekto sa aming tainga

sa pananatili ng eroplano sa ere bago ito lumapag. Ganun pa man, matiwasay kaming nakalapag

sa aming paruruonan. Gabi na kami nakarating sa Dubai , 9 ng gabi, parehas ng araw ng Marso

18, 2015. Paurong ang oras gawan na nauuna ang oras sa Pinas ng apat na oras kumpara sa oras

sa dubai. Walong oras ang biyahe mula Maynila papuntang Dubai. Samakatuwid, mahigit 10
oras ang aming biyahe maliban pa sa paghihintay para sa pagboarding ng eroplano. Ganito pala

talaga kahirap ang maglayag at mahabang oras ang titiisin makarating lamang ng ibang bansa.

Paglayag palang ay sakripisyon na para sa mga OFW para lang kumita ng pera para sa

kinabukasan ng pamilyang naiwan sa lupang nakagisnan. Nabanggit ko ang OFW dahil

kapansin pansin ang aking kasabay sa eroplano, ito ay mga OFW para magtrabaho sa bansang

ito. Sa immigration sa Pinas at immigration sa Dubai ay mahaba din ang pila. Sa immigration

ay pinapakita namin ang aming passport at iniscan ang amin mata. Hindi pala madali ang

proseso bago ka makapasok sa ibang bansa.

Sinundo kami ng aking ama at nagtuloy kami sa tutuluyan na kuwarto na inirentahan lang

ng aking ama. Malamig ang kuwarto. Walang patayan ang aircon, marahil sa init ng klima ng

lugar na ito. Nandito kami para makapagpasiya sa amin at maranas daw naming ang makapag

abroad. Sa darating na sunod na araw ay matutunghayan namin ang ganda ng Dubai. Wala na

paglagyan ang kasiyahan ko ng makapunta ako dito. Isa pa kapiling ko ang aking mga magulang

at kapatid, at bukod pa duon magkakasama kami ng buong pamilya ko upang mamasyal sa ibat

ibang lugar ng Dubai.

Una sa lahat, ano nga ba ang Dubai? Ang Dubai ay ang pinakamataong lungsod sa United

Arab Emirates. Ang lungsod na ito ay mayaman sa langis na isa sa pangunahing kita ng lungsod

sunod na ang turismo, pinansiyal na serbisyo at mga property. Noong unang panahon, ang Dubai

ay isa lamang tahimik na lugar na ang pangingisda at ang pangunguha ng mga perlas ang

pangunahing pangitain kasama na ang pangangalakal, ito'y pinamumunuan ng mga Maktoum; na

hanggang ngayon ay namumuno. Pagkatapos ang pagkadiskubre ng langis, ang lungsod ay

umakit ng mga dayuhan, na naging rason sa pag-unlad ng lungsod.


Klima ng Dubai.

Sa panahon na ito, hindi naman gasino mainit sa umaga at sa hapon ay malamig pa rin

ang simuy ng hangin. Mahahalintulad ko ang klima na ito sa Pilipinas. Para kalang nasa Pinas

sa panahon na ito. Ngunit, ang sabi ng aking mga magulang pagdating ng Hunyo hanggang

Setyembre ay sobrang init daw sa lugar na ito. Kung kaya’t ang iba ay umuuwi sa dati nilang

lugar o nagbabakasyon sa nais nila puntahan. Ang buwan naman ng Oktubre hanggang Mayo,

malamig na papuntang painit na ang klima. Nakaranas din kami ng sand storm dito sa Dubai. Sa

pilipinas puro alikabok, dito sa dubai ay buhangin ng disyerto. Madilaw ang paligid at Malabo

ang iyung dadaanan.

Kasuotan na dapat suotin.

Normal lang naman ang dapat suotin habang mamasyal ngunit bawal ang ma-iigsing

short at mahalay na pang-itaas. Hindi naging problema sa aming ang aming kasuotan upang

sundin ang alintuntunin sa lugar na ito.

Mga pinagpapabawal.

Magtapon ng kalat na kung saan saan. Maayus ang kalsada dito kung kaya hindi

matraffic gasino at mahigpit sila sa mga nagviolate ng batas pang kalsada, may kaparusahan ng

kaukaulang halaga kung hindi ka makakasunod. Bawal ang magkuha ng litrato na ibang tao lalo

na kung walang pahintulot.

Mga lugar na aming napasyalan.


Dubai Mall. Ang Dubai Mall ay isa sa mga pinakamalaking mall sa buong mundo.

Kumpera sa mga mall sa Pinas ang Dubai mall ay kakaiba dahil puno ito ng repleksiyon ng

kultura ng Dubai. Sa estraktura palang ng pagkakagawa nito, sa mga desinyo sa loob nito, at sa

mga palamuti ng bawat stall. Nakaka aliw libutin ang buong mall dahil na nga sa mga makikita

sa loob ng mall at sa kagandahan ng mga desinyo nito.

Miracle Garden, pinalolooban ng magagandang bulaklak na ibat ibang ang disenyo.

Napakalawak na lugar kung kayat maganda magkuha ng litrato. Sari sari itsura o porma ang

makikita na pinalibutan ng bulaklak. Nakakamamangha at ibang ibang uri din ng bulaklak ang

iyong makikita.

Global Village, gabi ito nagbubukas. Global kung tawagin sa dahilan na ibat ibang lugar

ng bawat bansa ang iyung matutunghayan. Habang sa iyong pamamasyal sa lugar na ito na may

ibat ibang lugar, dito makikita kung anung kultura mayroon ang bawat bansa. Makikita mo sa

mga binibenta nila at mga dekorasyon ng bawat pavilion ng lugar ang kultura ng bawat lugar.

Malawak din ang lugar na ito kung kaya masisiyahan ka sa iyong mga makikita. Sulit ika nga

ang iyong binayad para makapasok ka sa lugar na ito at bago pa sumapit ang 12 ng hating gabi

ay masasaksihan mo ang fireworks bago ito magsara. May sari sari din performer na palak lakad

dito para makapag bigay kasiyahan sa mga namamamasyal dito.

Jumeirah beach residence, isa itong lugar na malapit sa dalampasigan. Kaharap ng

dalapasigan ang naglalakihang gusali na kung kayat lalong naikaganda ng tanawin. Sa

dalampasigan ay may makikita kang rentahan ng speed boat at kung ano ano pa. Mayroon ding

palaruan na libre sa harap ng dagat at ang iba naman ay may meditate exercise para sa mga may

edad. Ang iba naman ay nagjojogging o walking. At meron ding mga restaurant na nakapalibot
sa ilalim ng building para na rin sa pangangailan ng mga namamasyal. Napakagandang tanawin

ng dahil na rin sa dagat na napakalinis at maputing buhangin nito.

Burj Khalifa. Ang Burj Khalifa ay isang Gusaling tukud langit sa Dubai, mga pinag-

isang Arabong Emirado, at ang pinakamataas na istrukturang gawa ng tao, na may taas na 828 m

(2,717 ft). Nagsimula ang paggawa dito noong Setyembre 21, 2004, kung saan natapos ang

labas ng istruktura noong Oktubre 1, 2009 at opisyal na napasinayaan ang nasabing gusali noong

Enero 4, 2010. Nakakuha kami ng tiket online na kung saan 124 palapag ang aming aakyatin.

Hapon nang kami ay pumunta duon. Napakagandang pagmasdan mula sa taas ang ibaba ng

buong Dubai. Akala mo langgam lamang ang mga sasakyan na umaandar sa baba ng gusali. At

kagandang pagmasdan ang mga tanawin mula sa taas ng Burj Khalifa.

Burj Al Arab. Tanging sa malayo lamang naming ito nakita. Nagpapicture at ang

background ay ang Burj Al Arab. Isa itong skyscraper na sikat sa Dubai. Pinalolooban itong ng

mamamahalin na restaurant, venue sa kasal at hotel na mataas ang kabayaran. Ito na ata ang

pinakamamahaling hotel sa lugar ng Dubai. Isa ito sa ginaganapan ng fireworks tuwing bagong

taon bukod sa Burj Khalifa.

Desert Safari. Isang paglalakbay mula Dubai papuntang disyerto. Bus ang aming

sinakyan at pagkahinto ay mayroon isang jeep na pang disyerto kung saan pito ang puwedeng

sumakay. Dune kung tawagin ito. Napakasaya namin sa loob habang binabaybay namin ang

disyerto. Sa dune palang ay masaya na dahil para kang nasa roller coaster na kasama mo ang

magulang mo at ilan pang ibang lahi. Pagdating namin sa disyerto na may makinis na kulay

dilaw na buhangin, isa isa kaming nag punta sa maaari naming gawin tulad ng pagpapadulas sa

buhangin gamit ang isang board. Sumakay sa camel at nagpalitrato. Pagkatapos nun ay
nagtipon na kami sa isang lugar na maaari kaming umupo sa unan at maaari na kaming kumain.

At nag umpisa na ang entertainment na kung saan may mga sumasayaw na babae na may suot na

maraming palamuti, isang lalaki na ikot ng ikot na may damit na puro ilaw, isang lalaki na nag

bubuga ng apoy at iba pa. Hindi pala puro malalaking gusali ang mayroon sa Dubai, mayroon rin

silang mayaman na kalikasan, ang Desert Safari kung saan makikita mo ang repleksiyon ng

kanilang kultura at ang dating tanawin nila nuon.

Yas Island. Dinayo namin ang lugar na ito sa Abu Dhabi na isa sa mga maunlad na

lugar sa UAE. Sa lugar na ito ay maaari kang makaligo habang nakagpaenjoy ka sa mga rides na

nasa loob nito. Mula umaga hangaang hapon kaming nanatili at nagsaya dito. Isang karanasan

na nakakapaligaya sa amin na kasama ko ang aking pamilya.

Um Alquwai Beach. Isa itong sa hindi ko makakalimutan. Isang open beach na

mayroong malinis na buhangin at tubig dagat. May dala kaming tent, pagkain, gamit sa

pagluluto, pangkuha o pangtusok para sa paghuli ng isda o alimasag. Masaya ako dahil nakahuli

ako ng cuttle fish, pusit, pagi at alimasag sa pamamagitan lamang ng pangtusok na dala namin.

Kailangan din namin ng pang ilaw upang makita namin ang mga isda sa ilalim ng tubig ng dagat.

Nakakamangha dahil kahit sa mababaw na dagat ay nakakakuha kami ng ganitong uri ng hayop.

Nakakamangha rin ang kalinisan ng dagat at ng buhangin dito, wala kang makikitang kalat at ang

tubig dagat ay napakalinaw, makikita dito ang disiplina ng mga tao sa Dubai. Isang itong hindi

ordinaryo na karanasan para sa akin kaya isa ito sa aking hindi makakalimutan.

Pagsakay sa metro train. Isang beses lamang kami sumakay. Ginawa namin ito upang

maranasan lamang namin. Ganun pa man nakita namin ang ilang gusali mula sa aming lugar.

Malinis ang metro train ng Dubai ngunit sabi sa akin ng aking ina, pagdating sa umaga at hapon
ay siksikan ang metro gawa ng maraming sakay na mga nagtratrabaho. Hindi naming nasaksihan

ang siksikan sa metro train dahil tanghali ng kami ay sumakay noong araw na iyun.

One Direction Concert. Ang One Direction group ay isang grupo na mang aawit.

Nagkataon na nasa Dubai sila upang mag concert. Pinasyalan lamang namin ang lugar na kung

saan sila mag concert ngunit nuong nasa gate kami ay may nag-alok ng tiket sa aking ama.

Pinilit namin ang aming ama na bumili na hingil sa kanya ay mura na ang tiket na inaalok ng tao

na iyun. Dahil sa hiling namin ay nakapasok kami at nasaksihan naming ang kunsiyerto ng isang

naming iniidolo na mang aawait na one direction. Tanging kami lang ng aking ate ang nakapasok

at ang aking ama at ina ay naghintay lang sa labas ng pinagdausan.

Nakakamungkahi sa aking mambabasa na ang aking karanasan sa pagpunta sa Dubai ay

kagigiliwan ninyo. Tuluyang ang pupursigi ang gobyerno ng United Arabs Emirates ang

pagyamanin ang kanilang bansa sa pamamagitan ng magandang relasyon sa mga karatig bansa.

Sa karamihang atraksyon sa Dubai ang siyang naghihikayak sa mga turista upang maranasan nila

ang ganda ng lugar na ito. Maraming turista ang bumabalik upang makaranas muli ng naranasan

nila sa lugar na ito at isa ako sa babalik sa Duabi upang mabisita at muling magsaya kapiling ng

aking pamilya. At, sa pagkakataon ito ay tatahakin naming ang lugar ng ilan atraksyon sa ilan

lugar ng United Arab Emirates na hindi pa naming narating nuong unang pagbisita namin dito.

Nakaaasam para sa akin ang pagbalik dito at makaranas ng magandang karanasan sa iba pang

atraksyon sa pangalawang pagkakataon.

You might also like