You are on page 1of 2

Pagbabyahe kasama ang aking pamilya

Noong buwan ng Abril taong 2012, ako'y kasama sa paglalakbay ng aking pamilya palabas ng
bansa patungong Singapore na matatagpuan sa timog kanluran ng Pilipinas na kung saan dito
makikita ang pinaka kilalang 'landmark' na tinatawag na "Merlion". Maraming pwedeng
puntahan dito dahil ito rin ay isa sa pinaka mayamang bansa sa Asya.

4:00 ng hapon kami ay umalis ng bahay upang hindi kami ma late sa paglipad ng eroplano. 7:00
ng gabi kami ay
nakarating na ng paliparan (NAIA 3) at kami ay kumain muna ng hapunan, at naghihintay ng
oras ng paglipad ng eroplano. Kaming mag-pipinsan ay naglalaro upang hindi kami ma inip sa
kaka hintay ng oras ng paglipad ng eroplano. 9:00 ng gabi ang iskedyul ng paglipad ng aming
eroplano, at ang oras naman ng pagdating namin ng Singapore ay 12:00 ng umaga. Kami ay
natulog sa hotel upang makapag pahinga para sa araw ng aming paglakbay papuntang Universal
Studios. Oras ng pag alis naming ng hotel ay 8:00 ng umaga pero parang sumisikat palang ang
araw. Pumunta kami sa Singapore Cable Car upang makapunta kami ng Sentosa. Maraming
turista kaya kami ay nag hintay ng matagal, pagdating naming ng Sentosa kami muna ay nag
picture picture para may souvenir. Kami ay sumakay ng tren papunta ng Universal Studios, kami
ay naka pasok ng 10 ng umaga at nag simula kami ng paglalakbay, at nilibang naming ang sarili
sa loob nito. Sa sumunod na araw kami ay pumunta sa pinaka magandang tanawin ng Singapore
na ang Merlion at makikita dito ang isa sa pinakamagandang hotel na ang Marina Bay Sands, ito
ay may 3 gusali.
Malayo man ang lugar na pupuntahan ang mahalaga makasama mo ang iyong pamilya.
Nakapunta sa isang lugar na mga bago sa aking paningin at natuto ako sa mga iba’t ibang bagay
tungkol sa kulutra nila at sa kanilang lugar. Kahit nakakapagod dahil maraming pinuntahan sulit
naman dahil enjoy na enjoy kaming lahat.

Sean Kieffer O. Ros


G12 - MAGNIFICENCE

You might also like