You are on page 1of 4

Lord Denzell G.

De Lara

12 – Pythagoras

Filipino sa Piling Larangan

May 20, 2021

Isang hindi malimut-limutang gabi: lakbay patungo sa mas malakas na

pakikipagkaibigan

Taong 2018 nang nagsimula akong mag-isip sa kung saan ako mag-aaral para

sa senior high school sa sumunod na mga taon ng aking pag-aaral. Napag-isipan kong

ipagpatuloy na lamang ang naiilang taon ko sa paaralan ng Aurora National Science

High School, o pumili ng ibang daan na tatahakin at pagdesisyonan kung may interes

ba ko sa iba pang akademyang hibla (academic strand)—kasi ako ay nasa ika-10

baitang pa lamang noon, at medyo naguguluhan pa sa aking kagustuhan na itatahak na

larangan—dahil dito, sinubukan kong maglakbay sa larangan ng medical technology,

kung saan ang isa sa mga pamimilian ko na paaralan na papasukan ay ang aking

kasalukuyan na paaralan—Aurora National Science High School—at ang isa sa mga

nirekomenda na paaralan saakin ng mga kaibigan ko: ang Pamantasan ng Santo

Tomas (University of Santo Tomas). Ngunit, upang makapasok sa paaralang ito,

kinakailangan muna kumuha ng isang admission test, kung saan, base rito sa

pagsusulit na ito, malalaman kung maari ka bang makapasok sa USTSHS o hindi. Kaya

naman, napag-isipan naming magkakaklase na pumunta sa Quezon City, at subukin

ang sinasabing pagsusulit; kami ay sama-samang pumunta roon sa pamamagitan ng


pagkomyut at makituloy sa tuluyan ng isa sa aking mga kaibigan na kasama sa aming

lakbay.

Maaga kaming gumayak upang kami ay handa para sa napakatagal na lakbayin

mula Aurora hanggang Quezon City, Metro Manila; kami ay nagpulong sa iisang

puntahan upang sabay-sabay makaalis nang nasa oras. Umabot ng halos 6 hanggang

sa 8 oras ang aming byahe—kasama na rito ang mga hinintuang gas station at mga

kainan sa nagging lakbay. Ang unang kainan na aming binabaan ay sa Chowking sa;

ang tanda ko na inorder ko roon ay isang Chowfan—isang pagkain kung saan

karamihan ng sangkap nito ay fried rice at may karagdagang pagkain pa sa itaas na

base sa iyong kagustuhan. Pagkatapos noon ay nagpatuloy na kami sa aming

paglalakbay, ngayon naman ay diretso na sa paaralan ng Santo tomas, upang lakbayin

ng campus ng nasabing paaralan, at maging pamilyar sa kung saan kami nakadestino

sa kukuhaning pagsusulit. Ang paaralan ay malawak kumpara sa iba pang mga

paaralan na napuntahan ko; maaliwalas dito kasi masagana ang paaralan na ito sa

mga matataas at madadahong mga puno. Mahaba-haba ang aming nilakbay, kaya

naman kami ay nakaramdam na ng gutom at napagdesisyonan na bumili muna ng

meryenda malapit sa paaralan. Kami ay pumunta sa isa bubble tea house; ako ay

umorder ng isang large milk tea at nakipagbahagi ng isang large fries sa isa sa mga

kaibigan ko. Pagkatapos nito ay dumiretso muna kami sa aming tinuluyan, upang

magbaba ng aming mga gamit at maiayos na ang mga tutulugan.


Malapit na mag gabi nang napagdesisyonan naming na maglibot sa SM Super

Market noon; kami ay naglibot at nagsaya sa mga laruan at kumain sa isa pa ulit na

kainan kung saan ito naman ay sa KFC; ako ay umorder noon ng isang fried chicken.

Magsasara na ang SM noon nang napag-isipan naman namin na maglibot pa muli sa

labas ng Manila; kami ay pumunta sa Star City at naglakbay sa Manila Bay. Pagdating

naming sa Star City kami ay nagsaya sa mga rides dito kung saan ito pinakakilala.

Natagalan kami rito ngunit masaya naman siya at ang ganda lamang talaga ng Manila

sa gabi; sa dami ng mga ilaw, mga tanawin, at mga tao. Upang lasapin ang ganda ng

gabi—at dahil pagod na rin kami—kami ay umupo muna sa tabi ng Manila Bay, malapit

sa isang kainan, kung saan kami ay umorde naman ng isang malaking order ng crispy

potato mojos at umupo na lang muna sa tabing dagat, nilalasap ang

malamig na hangin. Matapos nito, kaming lahat ay pagod na at may mahalagang

pagsusulit pa sa susunod na araw—kaya naman napagdesisyonan naming na umuwi

na lang muna sa aming tinutuluyan at magpahinga na lamang muna. Kinabukasan,

bago magsimula ang aming pagsusulit, kami ay nagluto ng masarap na umagahan para

kami ay may gana sa pagkuha ng pagsusulit, at enerhiya para sa buong araw. Nagluto

kami ng maliliit na hotdogs, piniritong itlog, maliliit na mga isda, at fried rice. Busog

kaming pumunta sa paaralan ng Santo Tomas, kaya naman dali-dali kaming bumaba at

nagsitungo sa aming naka destinong pagkukuhanan ng pagsusulit. Sa loob ng aking

pinagkuhanan ng pagsusulit, may kasama akong isang kakilalang kaibigan—na hindi

namin kasama sa aming paglalakbay—at marami pang mga estudyante na galing sa

iba’t ibang paaralan. Malamig sa loob ng pasilidad—buti na lamang nagdala ako ng

sweater jacket upang komportable ako sa pagkuha ng pagsusulit. Medyo nahirapan ako
sa mismong pagsusulit, ngunit, masaya naman itong sagutan. Pagkatapos ng

pagsusulit ay tanghalian na ang nakalipas, kaya naman kami ay gutom na gutom na;

kumain muna kami sa labas bago kami bumalik sa aming tunutuluyan. Natapos na ang

lahat ng ito, kami ay naggagayak na ng aming mga gamit bago kami umuwi. Huli na ng

hapon nang kami ay nakapag gayak upang umuwi at kami ay natulog na lamang sa

sobrang pagod, pauwi sa aming mga tahanan. Gabi na nang ako ay nakauwi—kumain

na lang lamang ako at natulog na ulit.

Sa pangkalahatan, naging masaya ang aming lakbay; nakabuo ako ng mas

malakas na bigkis sa aming pagkakaibigan, at naging bagong karanasan ito para

saakin. Naging sulit naman ang aming lakbay; dahil, sa kabila ng kahirapan ng

pagsusulit, nakapasa naman ang karamihan sa amin—kasama na ako—ngunit

napagtanto ko na mas gugustuhin ko na lang kumuha ng track na STEM at ipagpatuloy

na lamang ang naiilang taon dito sa ANSci. Ngunit, sa kabuuan, masasabi ko na isa ito

sa mga hindi ko makakalimutang karanasan, at masaya ako na sinubukan ko ito. Lalo

nitong napatibay ang aking pakikisama sa mga kaibigan ko, nakaranas ako ng iba’t

ibang kultura, bagong karanasan, at nakakuha rin ako ng mga bagong kaalaman.

You might also like