You are on page 1of 1

Fraulein Odile M.

Caballero Photo Essay ABM 11- Accountancy

Unibersidad ng Pilipinas

Lahat tayo ay mayroong pangarap kahit bata pa lamang tayo. Isa sa mga pangarap
ko ay makapag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi ko lamang ito pangarap, kundi
pangarap din ng magulang ko na makapag-aral at makapagtapos dito ang isa sa aming
magkakapatid. Ikaw ano ang pangarap mo para sa iyong sarili?

Noong Mayo 13, 2023 ako ay nagpunta sa UP Diliman kasama ang aking mga
kaibigan para kuhain ang test permit namin sa gaganaping UPCAT 2024. Bilang
estudyante na may mahihpit na magulang at ngayon pa lang nakaranas byumahe kasama
ang mga kaibigan masaya ang naging karanasan ko rito. Gumising kami nang maaga para
sumakay ng bus papuntang Philcoa. Tulog lamang ang aming ginawa buong byahe, dahil
nagiipon kami ng lakas para sa paglibot sa unibersidad. Pagbaba namin sumakay kami ng
jeep papuntang UP Diliman. Nung una ayaw pa namin bumaba kasi akala namin hindi pa
iyon ang bababaan namin, ngunit napansin namin ang sign na nasa “Office of
Admission” na pala kami kaya pagbaba namin tawa kami nang tawa. Pagdating namin
pumila kami sa entrance para tignan ang School ID at Email. Mabilis lang ang proseso
dahil Sabado iyon at wala masyadong tao. Pagkatapos namin makuha ang test permit,
naglibot na kami sa unibersidad. Namangha kami dahil sa sobrang lawak nito, sobrang
tahimik ng paligid at ang sarap titigan dahil sa mga puno. Habang nililibot namin ito
dumaan ang nagbebenta ng ice cream dahil sa pagod napabili kami, masarap ito dahil
totoong prutas ang ginamit makikita mo na may buo-buo pa na avocado, mango, at
strawberry. Pumunta namn kami sa oblation dahil ito ang statue na sumisimbolo sa
Unibersidad ng Pilipinas. Sobrang tuwa ang naramdaman ko nung nakita ko ito, dahil ito
pa lamang ang unang beses na nakapunta ako sa UP Diliman. Pagod at gutom na ang
naramdaman naming lahat kaya napag-isipan namin na umuwi na.

Walang salita ang makakapaglarawan ng saya na naramdaman ko. Sana ay mapasa


ko ang UPCAT at makapag-aral sa aking dream school. Gusto kong makapagtapos ng
pag-aaral dito, at matupad ang iba kong pangarap. Ako sana ang magpapatuloy sa yapak
ng aking tatay dahil hindi niya natapos ang pag-aaral nya rito sa UP Diliman. Gagawin ko
ang lahat para makapasok sa paaralan na ito, at ang motto ko ay “it’s UP or never”.

You might also like