You are on page 1of 3

James Carlo Anonuevo

My
TimeLine
April 11, 2002 - Taon ng Kapanganakan.
June, 2007 - Taon nagsimula ang Elementarya.
Iba't-Ibang tao ang aking nakasalamuha at
naoakaraming patimpalak ang aking sinalihan.
Dito nahubog ang aking kaalaman patungkol sa
mga bagay-bagay sa paligid.
April, 2013 - Taon ng Pagtatapos sa Elementarya.
April, 2014- 2018 - Nagkahiwa-hiwalay na kami
ng dati kong mga kaibigan at kaklase.
Gayunpaman, nakakilala naman ako ng mga bago
kong nakasama sa bago kong Paraalan na
pinasukan.
Sa Sekondarya ko nalaman na hindi sa lahat ng
pagkakataon ay magiging tama at maayos ako.
Dadaan ang mga araw na kailangan kong
tanggapin na nagiging mali rin ako lalo na sa
mga desisyon ko sa buhay.
Dito nabuksan ang aking isipan patungkol sa mga
bagay sa aking paligid.
Malayo layo rin ang aking narating dahil sa kahusayan
ko sa pagsulat. Isa akong Campus Journalist ng aming
paaralan at nakarating ako ng Regional Level.
Masasabi kong isa ito sa memorable achievement ng
buhay ko.

Sa pagkakataong ito nalaman ko rin na iba ako sa


ibang tao. Iba ako sa gusto ng mga magulang ko para
sa akin.
Nagtapos ako ng may karangalan at kitang-kita ko
ang bakas ng kasiyahan sa mukha ng aking mga
magulang noong oras na iyon.
June, 2018 - 2020 -GAS ang aking napiling kunin na
strand dahil noong panahon na iyon ay hindi ko la lubos
matukoy kung anong gusto kong kuning kurso
pagdating sa kolehiyo.
Ipinagpatuloy ko ang aking pagsulat ng mga artikulo
at naparangalan ako bilang isang mahusay na
manunulat ng aming mahal na paaralan.
Noong SHS napagdesisyunan kong kuhanin ang
kurso ng pagiging guro dahil sa inspirasyon na hatid
ng aking mga masisipag at mahuhusay na guro.
Nagtapos ako ng may mataas na karangalan hindi
man tumuntong sa entablado pero sama-sama namin
iyong inabangan sa pamamagitan ng telebisyon.
August, 2020 - Unang Taon sa Kolehiyo, Bagong Pagkilala sa
mga Bagong kaklase, at Bagong Taon ng aking buhay bilang
Ako.
July, 2021 - Nasabi ko na sa aking pamilya na isa akong
Bisexual. Hindi 'man agad ako natanggap pero kalaunan ay
natanggap at minahal nila ako sa kung sino talaga ako.
Masasabi kong ang buwan at taon na ito ay isang
memorableng buwan at taon
para sa tulad kong naiiba at
espesyal.
Magmula noon ay malaya ko nang nasasabi at naiisakilos
ang totoong ako.
April, 2022- Nag out of town kami ng aking mga kaibigan na
sina Argie at Myrell. Nagpunta kami sa Tingloy para sa post-
celebration ng aking kaarawan.
Sobrang saya ko dito dahil marami kaming napuntahan na
lugar.
Napaka-maalaga ng mga magulang ni Argie simula noong
pagdating namin hanggang sa araw ng aming paglisan.
August, 2022 - Naisagawa na nga ang matagal na naming
minimithi na pumasok sa eskwelahan. Sobrang saya ko na
makita ang aking mga kaklase na noon ay sa screen lang ng
laptop ko nasisilayan.
Harapan ko nang nakikita ang kanilang mga tawa at ngiti,
at kung paano sila kabahan sa bawat recitation at suprise
quiz.
Patuloy kong tutuklasin ang hiwaga sa mundo ng aking
mga kaklase habang sabay-sabag naming binabagtas ang
aming mga pangarap.

You might also like