You are on page 1of 3

Pangalan: Petsa: 9/3/2020

Baitang at Strand: 12

TEKSTONG DESKRIPTIBO
Gawain C
Panuto: Suriin ang mga mahahalagang pangyayari sa iyong buhay mag-aaral bilang high school.
Ilarawan ang mga timeline na ibinigay sa ibaba upang mabuo ang paglalarawang sanaysay. Huwag
kalimutang ikonsidera ang mga natutunan mula sa leksiyon sa pagsulat ng tekstong deskriptibo. Bigyan
ang iyong sanaysay ng sariling pamagat.

1. Ang unang araw ng pagpasok sa highschool.


2. Ang unang nakilalang kaibigan
3. Ang unang pagkakataon na maging lider
4. Ang unang taong hinangaan
5. Ang unang pagkakataong dumalo ng JS Prom
6. Ang pagtatapos ng junior high school

Highschool

Magsisimula na ang klase patungo sa mas mataas na uri ng


pag-aaral. Unang araw ng pasukan ang lahat ng estudyante ay
mukang kinakabahan sa bagong kapaligiran na napapaligiran ng
madaming halaman at napapalibutan ng mga matataas na gusali. Sa
pagpasok sa eskwelahan maraming mga estudyante ang
nagkakatuwaan at nagkakamustahan. Marami rin namang mga
kinakabahan at tinutuon nalang sa selpon ang kanilang mga sarili. Sa
aking paglalakad patungo sa pikamataas na palapag ng gusali marami
akong nakita sa aking kaliwa na mga tanawin mula sa labas ng aming
eskwelahan. Naroon ang mabahong palengke na pinapaligiran ng
namapakadaming tao na maiingay. Sa pinakamalayong bahagi naman
ay ang bundok na napakaganda na kahit nasa malayo ay matatanaw
mo na ang kagandahan. Sa aking pagpasok sa klasrum nakita ko
agad ang iba’t ibang mukha ng aking magiging mga kaklase. May
maputi may maitim at mayroon din namang normal ang kulay. Sa
aking pagpasok, ang kanilang mga mata ay nakatuon sa akin sa
kadahilanang huli na ako sa klase. Isa isa na silang nag pakilala. Sa
aking pag upo napansin ko na sila ay magkakakilala na. Sa aking
paglingon ay nakita ko ang isang napakaputi na babae na mayroong
kulot na buhok. Agad ko syang binati at kami ay nagpakilala sa isa’t
isa.

Sa pagdaan ng panahon marami ng aktibidad ang ibinigay o


pinagawa sa amin ng aming guro. Isa na dito ang paggawa ng isang
interpretative dance tungkol sa pagmamahal sa wika. Ang
responsibilidad na ito ay mabigat para sa akin dahil ito ang unang
beses kong maging isang lider. Ang mga miyembro sa aking grupo ay
puto lalaki at iilang mga babae. Nang matapos ang maayos at
nakakapagod na presentasyon kami ay ginawaran bilang pangalawa
sa magandang presentasyon.

Sa pag gagawa ng ng presentasyon merong isang taong lubusan


akong tinulungan. At yun ang taong unang hinangaan ko. Siya ay
matangkad, moreno at payat. Napakabait nya at sya rin at mabango.

Sa aming pampublikong paaralan hindi namin naranasan ang JS


prom sa kadahilanang hindi pumayag ang ibang magulang. Ngunit
nagkaroon naman kami ng acquaintance. Ang aming acquaintance ay
naganap sa sports complex. Sa aking pagpasok napakadaming tao
ang naroon. Sila ay may kanya kanyang porma. Ang tema ng
kaganapang ito ay denim kaya naman ibat’ ibang uri ng denim ang
iyong makikita. May mga naka maong na short at palda. Silang lahat
ay magaganda sa kanilang suot na makeup. Masaya at maingay ang
lugar. Maraming nakabalot na pagkain ang nakahain. Ang mga
estudyante na naroon ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan.
May mga kumukuha ng litrato, nagtatawanan, at nasayaw. Ang
ganapan na iyon ay nakakapagod at napakasaya para sa akin dahil
marami akong nakilala na estudyante.

Sa pagtatapos ko sa hayskul, inaalala ko ang aking mga


naransan sa loob ng apat na taon. Ang huling araw ko na
makakasama ko ng buo ang aking mga kaklase. Ang araw ng
pagtatapos ay masasabi kong pinaka emosyonal na mangyayari sa
amin. Dahil kami ay mag hihiwa hiwalay na ng landas. Ang ganapang
pagtatapos ay nangyari sa sports complex. Napuno ng napakaraming
estudyante at magulang ang napakalaking sports complex. May mga
estudyanteng nag iiyakan, meron di namang mga estudyante na
sinusulit nalang ang huling pagka kasama sama. Natapos ang
ganapan ng puno ng lungkot at saya.

You might also like