You are on page 1of 4

Araw ng Pagkilala

I. Sa ating masipag at matalinong punong guro apat Ma’am Marilu A.


Federi, Sa ating mababait at naggagandahang ulong guro mam Eden P.
Vasquez, Mam Nancy M. Valdez, Ma’am Milagros G. Mamungay, Mam
Veronica G. Luis, Mam Rose Lily P. Dela Cruz, Mam Marissa S. Martin,
sa aking kapwa guro, at mga kawani ng paaralan gayundin sa masipag at
maasahang punong barangay ng Murtha, kagalang galang Edgardo I.
Sanggalang Jr., mga panauhin at higit sa inyo mga magulang at mga
mag-aaral na pararangalan sa hapong ito, Isa pong kaaya-aya at
pinagpalang hapon sa ating lahat. Sa pagkakataon pong ito ay ating
masasaksihan ang palatuntunan sa ARAW NG PAGKILALA sa
Paraalan ng San Jose National Agricultural and Industrial High School
taong pampaaralan dalawang libo dalawamput dalawa-dalawang libo
dalawamput tatlo.

II. Upang pormal na simulan ang ating palatuntunan, inaanyayahan po ang


lahat na tumayo upang awitin ang Lupang Hinirang na kukumpasan ni
binibining Ara Jane G. Gabriel, Guro III, susundan naman ito ng
panalangin na pangungunahan ni Ginang Shiela Marie S. Roda, guro III.

III. Manatili po tayong nakatayo para sa pag-awit ng MIMAROPA March at


Occidental Mindoro March na kukumpasan pa rin ni binibining Ara Jane
G. Gabriel.

IV. Sa punto pong ito ay maari napo kayong maupo at maging kumportable
sa inyong mga upuan.

V. Muli isang maaliwalas na hapon sa ating lahat! Ang araw ng pagkilala ay


isa sa pinakamasayang yugto sa buhay ng mga mag-aaral dahil ito ay
ang araw kung saan aanihin na ang bunga ng kanilang pagsusumikap at
pagtyatyaga. Ang araw ding ito ay tanda ng hindi pagsuko ng mga mag-
aaral upang magtamo ng karunungan. Ngunit hindi maisasakatuparan
ang lahat ng ito kung wala ang pagsuporta, at pagpatnubay ng ating
minamahal na mga magulang, pagtyatyaga at paggabay ng mga guro at
punong guro, at higit sa lahat ang determinasyon ninyong mga mag-
aaral kayat bigyan natin ng masigabong palakpakan ang bawat isa.

VI. Ngayon naman po upang magbigay ng mensahe ng pagbati at pagtanggap


isang pribilehiyo na ipakilala sa inyo ang isa sa walang patid na
sumusuporta sa lahat ng gawain ng ating paaralan walang iba kundi ang
masigasig at makisig na ama ng barangay Murtha, Kapitan Edgardo I.
Sangalang Sr. Salubungin po natin sya ng palapakpakan.

VII. Maraming salamat kap sa iyong tuloy tuloy na pagsuporta sa paaralan ng


SJNAIHS.

VIII. Isa po muling mensahe ng pagbati at pagtanggap ang magmumula sa


magaling at maasahang pangulo ng ating PTA DR. MARIO B.
MARIGMEN.

IX. Salamat po Dr. Mario sa napakagandang mensahe na iniwan nyo sa


hapong ito alam ko na marami pong natutunan ang mga bata dito.

X. Sa dakong ito naman ng ating programa ay ating tunghayan ang


inihandang presentansyon ng mga mag-aaral na may karangalan.

XI. Maraming salamat mga mag-aaral tunay ngang hindi lang kayo
nabiyayan ng talino gayundin ng talento pag-awit at pagsayaw talaga nga
naming SJNAIHS ay…….(dbest), The best….(SJNAIHS).

XII. Tutungo naman po tayo ngayon sa pambungad na pananalita na ibibigay


sa atin ng isa sa mga maituturing ng haligi at matagumpay na produkto
ng ating inang paaralan walang iba kundi si Mam Eden P. Vasquez ulong
guro.

XIII. Sa punto pong ito pakinggan po natin ang isang mensahe na magmumula
sa mahusay at dedicated na leader ng SJNAIHS, Isa pong karangalan na
ipakilala sa inyo si Ma’am Marilu A. Federi punong guro apat.

XIV. Marami pong salamat mam Malu sa napakamakabuluhang mensahe.


XV. Tayo po ngayon ay tutungo na sa pinakahihintay nating parte ng pograma
ang pagagawad ng Medalya at sertipiko ng pagkilala sa mga mag-aaral.
Ngunit bago po ang lahat ay hayaan nyo po muna akong basahin ang
nilalaman ng sertipiko.

XVI. Inaanyayahan ko dn po ang ating punong guro mam Marilu Federi,


Kapitan Edgardo Sanggalang at ang ating mga ulong guro para
pangunahan ang pagbibigay ng medalya at sertipiko.

XVII. At upang ipakilala ang mga batang nagkamit ng karangalan sa ikapitong


baiting tinatawagan ko po ang kanilang chairman Ma’am SHIELA
MARIE S. RODA, Guro III.

XVIII. Para ipakikila ang mga batang pararangalan sa ikawalong baiting


tinatawagan ko po ang kanilang chairman man Ma’am Jenny G.
Gamarcha, guro III.

XIX. Ngayon naman po ay aking inaanyayahan sa entablado ang chairman ng


Ikasiyam na baiting Sir Kris Rowel F. Gregorio, guro III upang ipakilala
ang mga batang pararangalan sa Ika-siyam na baiting.

XX. Upang ipakilala ang mga batang pararangalan sa Ikalabing isang baiting
at Alternative Learning System inaanyayahan ko po ang kanilang
chairman, Mam Laila V. Sualog guro III.

XXI. Inaanyayahan ko po dita sa entablado si Mam Riza M. Bautista upang


ipakilala ang mga bata pararangalan mula sa Naibuan Extension.

XXII. Upang ipakilala ang mga batang pararangalan mula sa San Isidro
Extension ibinibigay ko po sa inyo si Mam Marife Casidsid guro II.

XXIII. Isa pong mainit na pagbati sa mga magulang at sa inyo mga


minamahal naming mag-aaral na nagkamit ng parangal. Nais ko rin pong
samantalahin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang mga komite at
tao na syang naging susi upang maisakatuparan ang Araw ng Pagkilala.
Program and Invitation Committee, Lights and Sounds Committee,
Physical Arrangement Committee, Stage and Decoration Committee,
Production and Awards Committee, Refreshment Committee,
Registration and Accommodation Committee and Documentation
Committee.
isang taos pusong pasasalamat po para sa inyong oras at di matatawarang
dedikasyon.

XXIV. Para sa pampinid na pananalita, akin pong inaanyayahan ang isa pa


ring masipag at kahanga hangang guro ng SJNAIHS Ma’am Nancy M.
Valdez ulong guro V.

XXV. Maraming salamat po Ma’am Nancy. Dyan po nagtatapos ang ating


palatuntunan sa hapong ito, Muli isang pagpupugay at mainit na pagbati
sa mga mag-aaral at magulang. Ako po si ANA JEANE R. NAVIA-
MARCOS ang guro ng palatuntunan.

You might also like