You are on page 1of 5

IKA-10 PALATUNTUNANG PAGTATAPOS

Hulyo 10, 2023


TEMA: “Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon”

MABUHAY! Isang kaaya-aya at pinagpalang hapon po sa inyong lahat. S a h a p o n


p o n g i t o ’ y a t i n g m a s a s a k s i h a n a n g i k a - 1 0 n a t a u n a n g palatuntunan ng Pagtatapos ng
Paaralang Elementarya ng AKLIYANG, taong panuruan dalawang libot dalawampu’t dalawa
hanggang dalawang libot dalawampu’t tatlo

Ang tugtog na inyong naririnig ay hudyat ng pagpasok ng mga magsisipagtapos, mga


magulang, mga guro, ulongguro, at mga panauhin.

1. Saksihan natin ngayon ang pagpasok ng mga lalaking magsisipagtapos kasama ang kani-
kanilang magulang.
(banggitin ang pangalan ng bata isa isa)

1. BINITO, RENANTE I.
2. GANIT, ALEC, N.
3. NAAY, ILIAS, G.
4. OPIG, MARVIN, M.
5. SANYUAN, ALEXANDER, S.

2. Narito naman ang mga babaeng magsisipagtapos kasama ang kani-kanilang mga magulang.
(banggitin pangalan ng bata isa isa)

1. ADYA, SHAIRA, L.
2. GALINDEZ, JOLIE BEL, G.
3. INAN, PINA, B.
4. INHIG, LEA ALONA, A.
5. LAYON, DIMA, P.
6. LIGDAY, ROANNE, B.
7. MANGAGANG, AILYN, Y.
8. OBYAG, MARY JANE, U.
9. TARIIT, JOSEFA PAULA, S.

3. Saksihan naman natin ngayon ang pagpasok ng ating mga guro sa Paaralang Elementarya ng
AKLIYANG na pinangungunahan ng ating butihing Ulong- guro, G. JEJOMAR G. LOLONG

Saksihan din natin ang pagpasok ng ating Tagamasid Pampurok, DR. PATRICIO R. ANTHONY

Gayundin ang pagpasok ng ating panauhing tagapagsalita, Engr. Elmer L. Caring


At iba pang mga panauhin.

II. PAMBANSANG AWIT


Bilang pagbubukas ng palatuntunan, ang lahat ay inaanyayahang tumayo para sa pag-awit ng
Lupang Hinirang sa pagkumpas ni Bb. Jennifer F. Castillo, gurong tagapayo ng ikatlong baitang.

III. PANALANGIN
Susundan ito ng panalangin na pangungunahan ni Lea Alona A. Inhig, mag-aaral mula sa Ikaanim na
Baitang.
Maari nang maupo ang lahat. Muli, mapagpalang umaga sa inyong lahat. Masasaksihan po
natin ngayon ang ika-10 na taong pagtatapos sa Paaralang Elementarya ng AKLIYANG. Isang
pangkat na naman ng mga magsisipagtapos ang pagtitibayin sa araw na ito, sa kanilang pagtatapos
sa taong Panuruang dalawang libot dalawampu’t dalawa hanggang dalawang libot dalawampu’t tatlo
na may temang:
“Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon”

IV. PAMBUNGAD NA PANANALITA.


Ang pamunuan ng paaralan ay may pagbati rin sa ating lahat sa pamamagitan ng pambungad na
pananalita na ibibigay sa atin ng ating ulongguro, G. Jejomar G. Lolong

V. MENSAHE NG PAGTANGGAP.
Maririnig naman natin ngayon ang mensahe ng pagtanggap na magmumula sa isa sa mga
magsisipagtapos, Shaira L. Adya, May Karangalan.

VI. MENSAHE NG KALIHIM.


Ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si VP Sara Duterte-Carpio ay may mensahe ring nais
ipaabot sa mga magsisipagtapos sa araw na ito. Ito po ay ibabahagi sa atin ng ating dalubguro,
Gng. Marites M. Anulao.

VII. PAGSUSULIT NG MGA MAGSISIPAGTAPOS


Upang ipakilala ang mga batang magsisipagtapos sa taong panuruan 2022-2023 sa Paaralang
Elementarya ng Akliyang, tinatawagan ang gurong tagapayo ng ika-anim na baitang na si Bb. Daisy
Mae A.Paala

MAM DAISY
Magandang hapon po sa’ting lahat!

Sa ating Ulong Guro, Sir Jejomar G. Lolong, malugod ko pong isinusulit sa inyo ang labing-apat na
mga mag-aaral, limang lalaki na kinabibilangan nina:

1. BINITO, RENANTE I.
2. GANIT, ALEC, N.
3. NAAY, ILIAS, G.
4. OPIG, MARVIN, M.
5. SANYUAN, ALEXANDER, S.

at siyam na babae na kinabibilangan nina:

1. ADYA, SHAIRA, L.
2. GALINDEZ, JOLIE BEL, G.
3. INAN, PINA, B.
4. INHIG, LEA ALONA, A.
5. LAYON, DIMA, P.
6. LIGDAY, ROANNE, B.
7. MANGAGANG, AILYN, Y.
8. OBYAG, MARY JANE, U.
9. TARIIT, JOSEFA PAULA, S.
na mga kandidato para sa MAGSISIPAGTAPOS NG ELEMENTARYA sa Paaralang Elementarya
ng Akliyang para sa panuruang taon 2022-2023.

Sila ay kasiya-siyang nakatupad sa mga kinakailangan sa pagtatapos na itinakda ng Kagawaran ng


Edukasyon sa ilalim ng K to 12 Basic Education Program para sa antas ng Elementarya. Hinihiling
ko po sa ating ulongguro, G. Jejomar G. Lolong na tanggapin at pagtibayin ang pagiging karapat-
dapat nila para sa paglipat sa susunod na antas/baitang.

VIII. PAGTANGGAP AT PAGPAPATUNAY SA MGA MAGSISIPAGTAPOS


IX. PAGPAPATIBAY SA MGA MAGSISIPAGTAPOS

Susundan ito ng pagtanggap at pagpapatibay ng ating ulongguro, G. Jejomar G. Lolong.

SIR JAY

Bilang ulongguro, matapos ang masusing pagsusuri sa mga isinumiteng mga dokumento sa aking
tanggapan, ay napatunayan ko na kayo ay nakapasa sa lahat ng mga kinakailangang Gawain kaya
aking tinatanggap at pinatutunayan, na kayo ay maaari ng lumipat sa susunod na antas o baitang
ng pag-aaral matapos na matagumpay na maisakatuparan ang lahat ng mga gawaing itinakda para
sa antas Elementarya ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng K to 12 Basic Education Program.

Ganun din, sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin bilang ulongguro, matapos ang
pagsusulit ng gurong tagapayo at pagtanggap at pagpapatunay na ang limang lalaki at siyam na
babae na may kabuuang labing-apat na mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Akliyang ay
aking pinagtitibay na kayo ay nagsipagtapos na sa antas ng Elementarya para sa panuruang taon
2022-2023.

Binabati ko kayong lahat!

X. PAG-AABOT NG MGA KATIBAYAN NG PAGTATAPOS


Ngayon ay ang pagtanggap ng katibayan ng anim na taong nilunggati ng mga magulang at
nagsipagtapos. Ito ay ipamamahagi ng ating gurong tagapayo, Bb. Daisy Mae A. Paala, ulongguro,
G. Jejomar G. Lolong at ng ating panauhing tagapagsalita, Engr. Elmer L. Caring.

Babasahin ang nilalaman ng KATIBAYAN.


BABASAHIN ISA ISA ANG PANGALAN.
Ipakilala ang mga batang tatanggap ng katibayan.

1. BINITO, RENANTE I. 7. GALINDEZ, JOLIE BEL, G.


8. INAN, PINA, B.
2. GANIT, ALEC, N. 9. INHIG, LEA ALONA, A.
3. NAAY, ILIAS, G.
10. LAYON, DIMA, P.
4. OPIG, MARVIN, M.
11. LIGDAY, ROANNE, B.
5. SANYUAN, ALEXANDER, S. 12. MANGAGANG, AILYN, Y.
6. ADYA, SHAIRA, L. 13. OBYAG, MARY JANE, U.
14. TARIIT, JOSEFA PAULA, S.
XI. PAGTANGGAP NG MGA SERTIPIKO AT KARANGALAN
Matutunghayan natin ngayon ang paggagawad ng medalya ng karangalan sa mga batang nagsikap,
upang anihin ang bunga ng itinanim na talino at tiyaga.
Tinatawagan ang kanilang gurong tagapayo na si Bb. Daisy Mae A. Paala para ipakilala ang mga
batang nagkamit ng karangalan. Gayundin po ang mga magulang ng mga batang nagkamit ng
karangalan.
Inaanyayahan po nmin ang ating panauhing tagapagsalita, Engr. Elmer L. Caring at ating
Ulongguro, G. Jejomar G. Lolong.

XII. AWIT NG MGA NAGSIPAGTAPOS


Lubos ang kasiyahan ng bawat isa sa atin ngayon, dala sa puso ang panalangin na nawa ang bawat
nagsipagtapos ay patungo sa magandang bukas. Magkaisa tayong hingin sa Maykapal ang
katagumpayan ng mga pangarap ng bawat isa sa atin ngayon, na magiging pag-asa sila ng ating
bayang tinubuan.

Ngayon ay pakinggan natin ang mga nagsipagtapos para sa kanilang AWIT NG PAGTATAPOS na
pinamagatang “Malalampasan.”

XIII. PAGPAPAKILALA NG PANAUHING TAGAPAGSALITA


Ngayon naman ay pababaunan ang mga nagsipagtapos ng mahahalagang mensahe mula sa ating
panauhing tagapagsalita na ipakikilala akin ngayong ipapakilala.

Pangalan: ELMER L. CARING


Araw ng Kapanganakan: Ika-23 ng Marso 1988
Lugar ng Kapanganakan: Batangan, Bongabong, Oriental Mindoro
Pangalan ng mga Magulang:
1. Hagnay M. Caring
2. Nena L. Caring
Pangalan ng Asawa: Melonie L. Caring
Bilang ng Anak: Isa (1)
Mga Paaralang Pinagtapusan:
Elementarya: Batangan Elementary School
Sekondarya: Morente National High School
Kolehiyo: John Paul College:
Kurso: Civil Engineer
Kasalukuyang Trabaho o Posisyon: Project Manager/Supervisor
Kompanyang Pinagtratrabahuhan: AIDFELART Construction Corporation,
San Aquilino, Roxas, Oriental Mindoro

XIV. PANANALITA NG PANAUHING TAGAPAGSALITA


Maraming salamat po Engr. Elmer L. Caring sa iyong napakahalagang mensahe na ibinahagi sa mga
nagsipagtapos ngayong hapon. Natitiyak kong ang inyong mensahe ay magsisilbing inspirasyon at
gabay ng bawat isa sa pagtahak sa bagong landas ng pakikipagsapalaran tungo sa maunlad na
kinabukasan.

XV. PAGBIBIGAY NG SERTIPIKO AT TANDA NG PAGPAPAHALAGA SA PANAUHING


TAGAPAGSALITA
Inaanyayahan po sa unahan ang ating ulong guro, Sir Jejomar, gurong tagapayo ng ikaanim na
baitang, Mam Daisy upang ibigay ang sertipiko ng pagkilala at munting handog para sa ating
panauhing tagapagsalita, Engr. Elmer L. Caring. (Basahin ang nilalaman ng sertipiko)

XVI. PANUNUMPA
Hinihiling na magsitayo ang mga nagsipagtapos para sa kanilang Panunumpa ng Katapatan sa
pangunguna ni Mary Jane U. Obyag

XVII. PANANALITA NG PASASALAMAT


Ngayon naman ay maririnig natin ang mensahe ng pasasalamat na magmumula kay Jolie Bel G.
Galindez, may karangalan.

(Maraming salamat Jolie Bel, nawa’y inyong ihanay at isapuso ang kahulugan ng bawat salitang
inyong narinig upang maging sandigan tungo sa kapayapaan at kaunlaran)

XVIII. AWIT NG PASASALAMAT.


Ngayon naman ay maririnig natin ang AWIT NG PASASALAMAT ng mga nagsipagtapos para sa
kanilang mga magulang na may pamagat na “Sa Aming Awit”.

XIX. PAGTATAPOS NG PANANALITA


Ngayon naman po ay ating pakinggan ang pangwakas na pananalita, mga patalastas o anunsyo na
ibibigay satin ng ating pinagpipitagang ulongguro, G. JEJOMAR G. LOLONG

Sa ngalan po ng pamunuan ng aming paaralan sa pangunguna ng aming ULONG GURO G. JEJOMAR


G. LOLONG at mga guro, taos-pusong binabati namin ang mga nagsipagtapos, sa kanilang mga
magulang, mga gurong pumatnubay at lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong,
nagbigay ng mga medalya at gantimpala, sa mga panauhing nagsidalo at nakiisa, upang maging
matagumpay ang pagtatapos na ito.

Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Bilang pagtatapos ng ating programa ay inaanyayahan po ang mga nagsipagtapos, mga guro, ating
ulongguro at panauhin, Engr. Elmer na makapag-pictorial po dito sa ating entablado. Matapos po
nito ay ang mga Grade 6 po ay huwag munang aalis, dahil mayroon po silang refreshment o
meryenda.

Muli po maraming salamat po sa lahat.

You might also like