You are on page 1of 3

I.

UNANG BAHAGI

Prosesyonal- Magandang umaga po sa inyong lahat. Ito po ang pinakahihintay nating


lahat kung saan ay ating masasaksihan ang ikatlong taunang pagtatapos sa ating paaralan
na may temang “Saktong Buhay-pi”.

Ngayon po bilang pasimula ay masasaksihan po natin ang pagpasok ng mga


batang magsisipagtapos, mga magulang, mga guro, punong-guro at mga panauhin.

Kasama po natin ngayon upang saksihan ang pagtatapos ng mga bata an gating
pampurok na tagamasis, Dr. Remedios M. Razon, (at iba pa).

II. At ngayon naman po ay dumako tayo sa ikalawang bahagi n gating palatuntunan.


Ang lahat po ay inaanyayahang tumayo para sa pag-awit n gating pambansang
awit na kukumpasan ni Bb. Sherly C. Holgado, gurong tagapayo ng baiting Tatlo
na susundan ng pambungad na panalangin mula kay Babylyn Atienza, Unang
karangalang banggit, na sususndan ng pag-awit ng CALABARZON, Himno ng
Batangan at Himno ng Lemery na kukumpasan pa rin ni Bb. Sherly C. Holgado.
III. Maaari nap o tayong magsiupo. At ngayon naman po ay ating tawagin ang
masipag, mabait at iginagalang na ina n gating paaralan, walang iba kundi si Gng.
Irmina E. Endaya para sa kanyang pambungad na pananalita.
IV. Marami pong salamat Gng. Irmina E. Endaya sa inyong napakagandang
pananalita. Ngayon naman po ay ating saksihan ang pambungad na awit mula sa
mga batang magsisipagtapos. Bigyan po natin sila ng malakas at masigabong
palakpakan..

(AWIT- “KANLUNGAN”

Maraming salamat sa inyong napakagandang awitin.

V. Ngayon naman po ay ating tawagin si Gng. Ires C. Gutierez, gurong tagapayo ng


Baitang-anim para sa pagsusulit ng mga batang magsisipagtapos at susundan ng
pagpapatunay na gagampanan ni Gng. Irmina E. Endaya, Teacher-in- Charge, na
pagtitibayin n gating pampurok na Tagamasid na si Dr. Remedios M. Razon.
VI. Inaanyayahan po si Gng. Irmina E. Endaya, Dr. Remedios M. Razon para sa
paggagawad ng katibayan ng pagtatapos.

(Magsasalita si Dr. Razon after ng paggagawad ng katibayan)

VII. Bawat paghihirap at pagsisikap ay may kapalit na tagumpay. Kaya ang mga mag-
aaral ang katibayan ng inyong natanggap ay ang bunga ng inyong pagpupunyagi at
pagsusunog ng kilay sa loob ng anim na taon. At ngayon po ay dadako tayo sa
paggagawad ng medalya sa batang nagkamit ng karangalan.

Inaanyayahan po sina Dr. Remedios M. Razon, Gng. Irmina E. Endaya at Kgg. Tirso
Endaya para sa paggagawad ng medalya.

VIII. Bawat simula ay may wakas, subalit tandaan po natin na ang pagtatapos ng mga
mag-aaral na ito ay hindi ang wakas ngunit itoy bagong simula. Atin pong
pakinggan ang pinakamahusay na mag-aaral na si Leomar De Villa para sa
kanyang talumpati.
IX. Maraming salamat Leomar De Villa para sa inyong makabuluhang talumpati.
Ngayon naman po ay naririto si Bb. Sherly C. Holgado para sa pagpapakilala n
gating pangunahing tagapagsalita.

(Pampasiglang Pananalita) Jheric Endaya

X. Bilang pagkilala sa ating pangunahing pandangal, iginagawad po ang Sertipiko ng


Pagkilala sa panauhing tagapagsalita.

(Babasahin ang Certificate) Inaanyayahan po si Gng. Irmina E. Endaya para sa


paggagawad ng sertipiko.

XI. Ngayon naman po ay ating tunghayan ang panunumpa ng katapatan ng mga


batang nagtapos sa pangunguna ni Raymundo Endaya, Salutatoryan.
XII. Ngayon naman po ay naririto ang masigasig na Pangulo ng samahan ng mga guro
at magulang n gating paaralan, walang iba kundi si Gng. Janette Huertas para sa
pangwakas na pananalita.
XIII. Bilang pagtatapos ay atin pong pakinggan ang pangwakas na awit ng mga batang
nagtapos. Atin po silang salubungin ng masigabong palakpakan.

END….

You might also like