You are on page 1of 2

Introduction:

Isang magandang araw sa inyong lahat, sa mga masisipag at masisigasig na kapwa ko mga guro, mga
mapagmahal na magulang, mga mag aaral at sa ating mga bisita, isang mapagpalang araw sa ating lahat!

Sa araw pong ito ay atin pong masasaksihan ang palatuntunan sa araw ng pagkilala sa paaralang elementarya
ng Maulawin taong pampaaralan sa ika-dalawang libo't dalawampu't dalawa at dalawang libo't dalawang tatlo na
may temang"
Ang tema ay katumbas din para sa mga pararangalan mula sa unang baitang hanggang sa ikalimang
Baiting.

Ang araw ng pagkilala ay para sa mga mag-aaral na nagpamalas ng kanilang kahusayan sa ibat-ibang larangan
pagdating sa pag-aaral. Nariyan ang pagmamalas nila sa kanilang angking talino, talento at maging ang pagdadala
nila ng mga katangian katulad ng pagdidisiplina bilang isang totoo at mabuting mag-aaral.

Lupang Hinirang:
Upang pormal na simulan ang ating palatuntunan, tayo pong lahat ay magbigay galang para sa ating
pambansang awit, na pangungunahan ni Ma'am Cindy V. Maray, guro mula sa pangalawang baitang.
Maraming salamat po ma'am cindy

Panalangin:
Para naman sa ating panalangin, tinatawagan natin si. Maraming salamat …

Pambungad na Pananalita:
Sa pagkakataon pong ito, inaanyayahan po natin ang ating butihing ulong guro Sir Almir F. Enriquez upang
magbigay ng pambungan na pananalita.
-Maraming salamat po sir Almir sa isang napakagandang mensahe na inyong ibinahagi sa ating mga mahal na
mag-aaral.

Pampasiglang sayaw:
Ngayon naman po ay bago tayo tuluyang magsimula sa paggawad ng akademikong parangal sa bawat baitang,
saksihan natin ang pampasiglang sayaw na inihanda ng mga magagaling at talentadong mga mag-aaral mula sa
baitang apat-hanggang anim.

-Ang pamagat po ng kanilang sayaw ay ever after


- ( Tinatawagan na po namin ang mga mag-aaral na pumunta na dito sa stage)
-Maraming salamat grades 4-6 sa napakagandang sayaw na ipinakita niyo sa amin.
- Palakpakan po natin sila.

Paggawad ng medalya
At ngayon po para sa ating pinakamahalaga at pinakahihintay na bahagi ng ating palatuntunan atin pong tunghayan
ang mga mag-aaral na gagawaran ng pang akademikong parangal mula sa bawat baitang.
Ang academic awards ay iginagawad sa mga mag-aaral na nagpamalas ng galing at husay na nagmula sa ibat-ibat
pangkat at nakakuha ng mataas na grado. Ito ay nahahati sa tatlong kategorya
1. Ang mag-aaral na nakakuha ng average na % siya po ay with honors
2. Ang mag-aaral na nakakuha ng average na % siya po ay with high honor
3. Ang mag-aaral na nakakuha ng average na % siya po ay with highest honors.

Paggawad ng Medalya grade 1:


Tayo po ay magsisimula sa pinakamababang baitang, ang baitang I,
-Tinatawagan po natin si Ma'am Emari Dalangin

Meritorous Awards:

Para naman sa ating Meriterous Awards may mga mag-aaral ding nagpamalas ng kanilang mga katangian...

Pampasiglang sayaw Grades 5-6 girls


Ngayon, bago tayo dumako sa pangalawang baitang ay saksihan natin ang inihandang sayaw ng mga
kababaihan sa baitang 5-6. Ang pamagat po ng kanilang sayaw ay Iko-iko

-------

Upang magbigay po ng munting paalala, tinatawagan po natin ang ating ulong-guro Sir almir f Enriquez.
Maraming salamt po sir sa iyong napakabuting paalala

You might also like