You are on page 1of 2

“AKO AT ANG KINABUKASAN 2023”

Ako bilang isang ako noong 2022 ay isang istudyanteng halos lahat ng oras ay nakatuon
na sa pag gawa ng mga kinakailangang ipasa sa paaralan upang maka pasa at makatungtung sa
susunod na hakbang sa aking pag aaral hanggang sa makapag tapos. Maraming mga pangyayari
ang naganap, mga pagsubok na sinubok tayo ng husto at dumaan pa sa punto na gusto na nating
bumitaw at tapusin ang ating buhay ang nakikita nating solusyon para matapos ang paghihirap.
Syempre hindi din mawawala ang mga pagpapala na aking natanggap kahit papaano ako’y
naging masaya. Pero eto ako ngayon sinalubong ang bagong taon na determinado at puno ng
inspirasyon at ipinagmamalaki ko na sabihin na kinaya ko noong 2022 mas kakayanin ko
ngayong bagong taon kasi alam ko na itong taon na ito ay magiging taon ko.

Bilang isang mag aaral ay parang isang OFW hindi man tayo malayo sa ating mga
magulang o mahal sa buhay pero ako bilang isang mag aaral ng kolehiyo nararamdaman ko na
parang ang layo layo ko sa kanila sa kadahilanang hindi ko sila madalas nakakausap o
nakakasalo sa hapagkainan dahil sa matinding pagsasakripisyo ng oras para sa pag aaral. Meron
naman yung oras na nakakasama ko sila, nakakausap, at nakakasalo sa hapagkainan pero hindi
ganon ka dalang kasi mas pinipili ko laging mapag isa kasi doon mas kumportable ako at
masaya. Kaya hangang hanga ako sa aking sarili dahil kinakaya kong mapag isa, hindi naman sa
lahat ng bagay kasi kasalukuyan palang ako na nag aaral at hindi ko pa kaya sustentuhan ang
aking sarili kaya kinakailangan ko pa ang suporta at tulong ng aking ma mga magulang.
Maraming salamat sa sarili ko dahil naging matapang ako at hindi ako sumuko sa mga pagsubok
dala ng 2022, at syempre sa tulong ng aking mga magulang lalong lalo na ang aking itay na
gagawin ang lahat makapag tapos lang ako, at sa Panginoon na ginabayan ako sa aking
paglalakbay noong nakalipas na taon at patuloy na gagabay sakin habang buhay.

Alam ko kung gaano kahirap ang buhay kaya’t mananatili akong mangangarap ngayong
taon dahil alam ko sa sarili ko na lahat ng mga sakripisiyo at paghihirap ko na ito ay
magbubunga din kinabukasan. Sasalubongin at papasukin ko itong taon na puno ng ulit ng
pangarap para sa kinabuhasan upang sa hinaharap ay may maipagmalaki. Kaya’t eto ako handing
lumaban ulit 2023, at ipinag mamalaking sabihin na itong taon na ito ay magiging taon ko.

You might also like