You are on page 1of 1

Isang masayang araw ng pagtatapos!

Ang inyong lingkod ay labis na nagagalak na kabilang kayo sa mga magsisipagtapos ngayong taong 2019.
Kung kaya’t nais kong ibahagi sa inyo na edukasyon ang pinakamabisang sandata laban sa kahirapan, tulad
ninyo ang inyong lingkod ay nagpursige upang makatapos ng pag-aaral at ngayon ay isa na sa mga lingkod
bayan na patuloy na naghahanap at gumagawa ng mga batas at programang makatutulong upang lalo pang
mapagbuti ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.

Ang araw na ito ay isa sa pinakamakabuluhang araw sa inyong buhay. Ang pagtatapos sa mababang paaralan
ay panimula pa lamang ng mga bagay na inyong mararanasan sa buhay. Lagi ninyong tatandaan na kahit
anumang pagsubok, kami ng inyong mga magulang at guro ay lagi
lamang nakaalalay sa inyo. Wala kaming ibang hangad kundi ang
inyong tagumpay.

Sa paglisan ninyo sa inyong mahal na paaralan, nawa ay baunin ninyo


ang mahahalagang aral na ibinahagi ng inyong mga kapita-pitagang
guro. Sa inyong pagpasok sa mataas na paaralan, huwag matakot sa
pagbabago dahil kayo ay makasisiguro na ang inyong lingkod at ang
mga lingkod bayan ng Lungsod Valenzuela ay nakahandang gabayan
kayo upang makamit ang inyong mga pangarap.

Muli, isang masaya at makabuluhang pagtatapos sa inyong lahat.

WIN ang edukasyon!

Senator Win Gatchalian

You might also like