Professional Documents
Culture Documents
Grad Message Tagalog
Grad Message Tagalog
Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
PALOMPON NORTH DISTRICT
Palompon, Leyte
GRADUATION MESSAGE
Ang akademikong taong ito ay isang hamon, at inyong pinatunayan na kayang-kaya nating
harapin at lampasan ang anumang pagsubok. Kayo ang mga bayani ng edukasyon, at panibagong
produkto ng K to 12 na henerasyon. Ipinagmamalaki namin ang inyong tagumpay at pagiging
bahagi ng mga nag-iisang bayani ng ating edukasyon. Ito ay pagpapatunay sa tema na “Gradweyt
ng K to 12: Hinubog ng Matatag na Edukassyon”.
Ang inyong tagumpay ay hindi lamang para sa inyong mga sarili, kundi para rin sa inyong mga
magulang, guro, at lahat ng mga taong naging bahagi ng inyong paglalakbay. Nagbibigay kayo ng
inspirasyon sa iba na magpatuloy sa pag-aaral at para sa mga bumubuo ng sektor ng edukasyon
na patuloy na paunlarin ang ating sistema ng edukasyon.
Sa gitna ng mga pagbabago at mga hamon, kayo ay patuloy na lumalaban. Hangad namin na
patuloy kayong maging matalino, responsable, at maka-Diyos na mga mamamayan. Ang inyong
pinagdaanan ay hindi lamang tungkol sa marka sa papel, kundi tungkol sa paghubog ng inyong
mga puso at isipan.
Ngayon, nasa harap na natin ang isang mundo ng mga oportunidad at mga hamon. Magpatuloy
kayong mangarap, magtrabaho nang may determinasyon, at patuloy na manalig sa inyong sarili.
Huwag kayong matakot sa mga pagbabago, subalit huwag rin sanang kalimutan ang ating mga
pinagmulan, ang ating mga tunay na halaga at kultura.