Professional Documents
Culture Documents
Sa ating mga guro, mga kaklase magandang hapon sa inyo. Nandito ako ngayon sa
inyong harapan upang maghatid ng isang mensahe na huwag niyo sanang kalimutan kapag
dumating na ang araw na tayong lahat ay lilisan na sa silid na ito at tutungo sa kolehiyo
upang pag-aralan ang pinapangarap nating kurso.
Hindi natin mapagkakaila na mabibilang na lamang sa ating mga daliri ang mga araw
na ilalagi natin sa paaralan na ito. Kay bilis nga lang naman ang pag-ikot ng panahon. Halos
dalawang taon na din ang lumipas simula nang napadpad ako rito. Hindi ko lubos maisip
kung saan bang banda ng hayskul ako naging masaya dahil masasabi ko talaga na kakaiba
ang buhay hayskul. Dito, makakatagpo tayo ng iba’t ibang tao na kung saan hindi natin
akalain na makakasundo natin sa lahat ng bagay. Dito natin natatagpuan ang mga itinuturing
nating matalik na kaibigan na kung saan mahirap man ang sitwasyon dahil sa mga pagsubok
na dumadating, lagi pa rin silang nandyan at di ka iniiwanan. Dito rin kadalasan nagkakaroon
ng hindi malilimutang gala ng barkada, asaran at kwentohan. Ang paaralan natin sa
sekondarya ay maituturing nating ikalawang tahanan na umaruga at humubog sa atin upang
harapin ang mga hamon sa buhay. Maraming masasayang ala-ala ang hatid sa atin ng taon
na ito. Mula sa pagbukas nito hanggang sa ito’y tuloyan ng magsara.
Ang buhay hayskul ng isang istudyante ay masasabing pinakamasaya sa lahat. Ito ang
pahina ng ating buhay na atin ng isasara upang makapagpatuloy sa mga natitira pang taon
ng pag-aaral na gugugolin natin sa kolehiyo. Nakakalungkot lang talagang isipin na
karamihan sa atin ay magkakahiwa-hiwalay na. Ang mga walang humpay na kulitan, asaran
at biruan na nagpapatawa sa lahat ay hindi na natin muling maririnig pa sa apat na sulok ng
silid na ito. Kahit pa ‘yong mga away at iyakan, lahat yun ay siguradong mamimiss ng lahat.