You are on page 1of 1

Distansya

Distansya Siyam na letra Na kumakatawan sa pandemya Sa biglaang pagbabago ng takbo ng


ating mundo Lahat tayo ay nahirapan mula sa kabataan hanggang sa may kaedaran Sa paglipas
ng dalawang taon Maraming nasayang na pagkakataon Pagkakataon na hanggang ngayon
Naipagkakait sa iba at may kaya lamang ang mayroon Naalala ko pa noon kung gaano pa tayo ka
saya dahil dalwang linggo ang pasok ay kinansela Masaya dahil magkakaroon ng pahinga mula
sa araw araw na pagpasok sa eskwela at pag gala kasama ang barkada Lumipas ang mga araw,
linggo, buwan, at taon ngunit bakit ganon? Ang dalwang linggo ay hindi pa rin natatapos
hanggang ngayon Sa pinabagong taon na binuksan upang mag aral sa kabila ng sitwasyon
mapalad ako dahil kabilang ako sa mga kabataang nabigyan ng pagkakataon Ngunit hindi lahat
ay may roon nito Ang iba ay tila ba hindi makasabay sa mga alon, hindi man lang makaahon sa
pagsubok na tinatangay ng buhay Hindi pa maibalik ang dating pag aaral na tila ba isnag librong
makulay Napalitan ito ng isang blankong papel na punong puno ng distansya ng mga letra mula
sa mga mag aaral at mga guro Ang pag aaral ngayon ay mahirap para sa lahat ngunit kailangang
manitili sa ating mga bahay Sa mga tahanan Na bawat estudyante ay may kanya kanyang
pinagdaanan Kanya kanyang istorya at tila ba para sa iba ay magulo at puno ng away Ang ating
mga nanay at tatay na ginagawa lahat ng paraan upang sa virtual tayo ay makasabay kung saan
Hindi lahat ay natututo, hindi alam kung sinong magtuturo di kayay ayaw na lamang makinig sa
guro, sa iba ito ay isang malaking laro, isang laro kung saan ang mga gawain ay tinatakbuhan
hindi na alam kung ano pang patutunguhan kaya ang iba ay matagal na itonv sinukuan Saludo
ako sa lahat ng mga guro na sa kabila ng pandemyang ito ay patuloy na nagtuturo kahit doble
pagod ang dala ng ay doble rin ang pagsisikap nila Mapalad ako, nandito ako, nag aaral ako
ngunit hindi pwedeng ganito Bawat kabataan sa bansang ito ay may karapatang matuto Kaya
patuloy tayong magdasal upang ang pandemyang ito ay mawakasan Kung nung tayo'y
pumapasok pa sa eskelahan hindi natin iti higit na pinahahalagahan ngunit ngayon ay wala na
akong iba pang hihilingin kundi makapasok muli sa silid aralan natin.

You might also like