You are on page 1of 2

Dating “Palaboy”, May-ari na ng 3 Eskwelahan

Kuwento ng pag-asa at pagpupunyagi ang ipinamalas at gusto ngayong


ibahagi ni Armando De Guzman, dating palaboy na ngayon ay may-ari na ng
ilang eskwelahan.

Walang kinagisnang ama at bunso sa 10 magkakapatid si De Guzman.


Pitong taong gulang lang din siya nang iwanan sa iba’t ibang bahay-ampunan
ng inang may “cancer”.

“There were times na nasa infirmary ako lagi, lagi akong may sakit
kasi…tapos ‘pag nagigising ka, nagagalit ka bakit ka pa nagising, nakuha mo
‘yon? Salaysay ni De Guzman.

Anim na taong tiniis ni De Guzman ang kanyang sitwasyon, hanggang


sa nagpasya na lang siyang tumakas sa edad na 13 anyos.

Naging palaboy man, hindi pa rin nawala ang kanyang pangarap kaya’t
pinilit niyang magtapos ng pag-aaral sa tulong ng mga taong patuloy na
naniniwala sa kanyang kakayahan.

Bilang sukli sa mga natanggap na biyaya, nag-ipon siya ng sapat na


halaga para magpatayo ng eskwelahan na nag-umpisa sa isang silid-aralan.
Layon nitong tumulong sa mga batang kapos sa buhay na nais mag-aral.

“Ang ginawa ko una kailangang makaipon ako ng enough fund to start


this. Siguro ‘yung pinagsama-sama kong trabaho ‘yun nga pati paglalako ng
mangga, pagtuturo ng swimming, pagtitinda, after 3 months nakaipon ako
around ₱600,000 so sabi ko, “Uy, it’s time for me to start the school!” So nag-
rent ako dyan ng isang maliit na classroom, doon nagsimula”, kwento ni De
Guzman.

“I started with preschoolers so with 15 students ako lahat


nagtatrabaho…hindi lang ako nagtuturo”’ dagdag pa niya.

Ngayon, tatlong eskwelahan na ang naipatayo ni De Guzman at patuloy


siya sa kanyang misyon na maimpluwensiyahan ang marami pang kabataan.
Aral sa Umaga, Pasada sa Gabi: Tsuper Student’ Magtatapos ng
Kolehiyo

MAYNILA – kung karamihan ng mga estudyante ay naghihintay ng


jeep pauwi tuwing hapon, pasahero naman ang hinihintay ng college student
at tsuper na si Gary Roque.
Sa ikatlong taon sa Bulacan State University, kinailangan ni Roque,
22, na magbanat ng buto para makagaan sa gastusin sa bahay, kaya pinili
niyang pasukin ang trabaho ng ama na jeepney driver.
“May nangyari na dalawang araw akong nilagnat pagkagaling ng
biyahe”, kuwento sa ABS-CBN News ni Roque na biyaheng Malolos-Malinta
mula hapon hanggang medaling araw.
Bunso sa tatlong magkakapatid, iginapang ni Roque ang kanyang
sarili sa eskwela. Magtatapos na siya sa kursong Industrial Technology major
in Computer Technology sa Hunyo 19.
Sa pamamasada kumuha ng panahon at pambayad sa tuition si Roque.
Kapag maganda ang kita, nasa ₱500 ang iniuuwi niya sa isang biyahe pero
kapag mahina aabot lamang sa ₱200 ang kita.
Pagkatapos ng klase, nagbibihis lang si Roque sa bahay at didiretso na
sa biyahe para makaabot sa rush hour o sa dagsa ng pasahero. Uuwi siya
bandang alas-dos (2:00) ng madaling araw.
“Pag-uwi sa amin pagtapos ng biyahe, hawak ko ‘yung libro o
notebook. Magrerebyu ako. Kinabukasan habang nasa biyahe papasok ng
iskul, hawak ko pa rin ‘yun”, aniya.
Bukod sa sakit ng katawan, kinakailangan din ni Roque na sumabay
sa mga beterano sa kalye, pati na rin sa mga aniya’y “buwaya” o mga tsuper
na nang-aagaw ng pasahero.
May araw din aniyang natiketan siya ng enforcer na nagsasakay sa
lugar na bawal. Aminado ang estudyanteng naghahabol siya ng kita noon
para sa bayarin sa thesis kaya siya doon nagsakay.
“Nakiusap ako sa enforcer. Boss, baka puwedeng pagbigyan n’yo na
kumukuha lang ako ng pambaon”. Hindi siya naniniwala. Hindi ko po siya
masisisi kasi ginagawa ang trabaho niya”, aniya.
Ang message ko lang po sa kanya: good job, ser! Ginawa n’yo lang
‘yung tama”, dagdag pa ni Roque na saludo sa enforcer na naniket, imbes na
humingi ng kotong, sa kanya.

You might also like