You are on page 1of 2

MADALI

-by MJLBAF-

Simula pagkabata, alam ko kanyang ginagawa


Sa gabi’y LP kanyang tinatala,
Paggising sa umaga, siya na’y aligaga,
Maliligo, magluluto, sarili ay ihahanda,

Pagsapit ng alas-siyete, dapat nasa loob na ng gate


Kundi siya ay matatarahan ng late,
At kung hindi makapasok ng dahil sa sakit,
Siguradong siya’y magpapasa ng Form Six.

Pagdating sa paaralan, kuwarentang bata ang aalagaan


Mabait, makulit, lahat ng ugali’y nandiriyan,
‘Kung hindi mahaba ang kanyang pasensya,
Baka siya ay malagutan ang hininga.

Ngunit ugali ng mag-aaral sa kanya’y hindi hadlang


Upang trabahong mahal kanyang magampanan,
At ang sabi pa niya “madali lang naman”
Kaya’t ako’y nagdesisyon,kanyang yapak ay sundan.

Nang aking mapasukan naturang larangan


Dito napatunayan wikang kanyang pinakawalan,
‘Pagkat habang panahon ay lumilipas
Kanyang mga labi iba na ang binibigkas.

Anak ako’y tulungan mo


Gumawa ng ganoon at ganito,
Ipapasa nang mayroong matanggap na bonus
Na ‘pag dumating sa utang mauubos.

Speaking of bonus, bakit kaya ganoon


Nakakuha na ang lahat habang ako’y walang mapindot
Sagot sakin ng DO wala daw ako sa payroll,
Paano nangyari, ang gayong tatlong taon na sa serbisyo?

Sabi niya sa akin, “Anak, hintayin mo lang


at dadating din iyan,
Isang buwan ang lumipas ng aking paghihintay
Bakit kaya hindi pa rin ibinibigay?

Nasan na ang kahulugan ng sinabi niyang “madali”,?


Bakit hindi ko yata makita’t mawari
Magbabakasyon na lamang, hindi pa mapakali
Sandamakmak na forms at report gagawa pa kami.

Mga nasa taas kaya ay natutuwa?


Nakikita nila kami’y nagkakandarapa,
Natatakot at sobrang nababahala
Na kung hindi gagawa ay walang mapapala.

Yaring tulang aking ginagawa


Naisip ko ngayon ay wakasan na,
Dahil baka ako ay kondenahin na
Sa katapangang ipinapakita.

Ngunit bago iyon, nais ko lang hilingin


Kahulugan ng salitang “madali” ay iparanas muli,
Bago magretiro ang mahal kong ina
Nawa’y umalwan muli gawain sa ekswela,
Kahit para lamang po sa matatanda nang katulad niya.

Sinulat ni:

MARY JOYCEE LYN A. FESALBON


Teacher I
Casoy Elementary School

You might also like