You are on page 1of 1

Isang Sulyap sa Kapaligiran

Ni Grace F. Facun

Masdan ang paligid na dati nga ay luntian


Ano ang nangyari at ito ay naparam?
Sa paglipas ng panahon nasaan na ito kaibigan?
Wala na nga, wala! Ano ang dahilan?

Ang asul na dagat ngayon ay kay itim


Mga isda’t perlas wala na sa ‘king paningin
Ano ang dahilan sabihin mo sa ‘kin.
Sino ang may sala sa paligid na nagdilim?

Ang mga puno’t halaman, ang mga ibon sa parang


Unti-unting nawawala ano nga ba ang dahilan?
Ang aking nakikita’y tao ang may dahilan
Ating pinabayaan malinis na kapaligiran

Maaliwalas na kalawakan dahil sa mapuputing ulap


Bakit sa pagdungaw sa bintana hindi ko na maapuhap
Maiitim na usok ang sa akin ay bumungad
Sa paglabas ng tahanan ito pa ba ang iyong hangad?

Mga basura natin tapon doon, tapon dito.


Wala ng disiplina sa lipunan mga tao.
Kaya nang dumating sa atin ang delubyo
Sino ang may sala, di ba’t ikaw nga at ako?

Kaibigan muling sulyapan ang paligid na marumi


Iisiping palagi pagsisisi’y nasa huli.
Hihintayin pa ba nating maraming buhay ang masawi
Bago nating masabing, ”Sana paligid ko’y ‘di dumumi”.

You might also like