You are on page 1of 1

Reanice R.

Labadan
BSED FILIPINO III
FIL102 – Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan
Umang, Bakit andiyan ka?

Pansinin ang nangyayari sa paligid, gaya pa ba ng dati ang lahat? Ang kadagatan, may
sariwang tubig pa ba? May matitirhan pa ba ang mga isda at ibang nilalang sa karagatan? Anong
nangyari? Bakit nagkaganito ang ating kalikasan?
Kapansin-pansin na hindi na maayos, maganda, hindi na tulad ng dati ang lahat.
Maraming nagbago, maraming nasira. Kaya pa bang agapan at maibalik sa dating kaayusan at
kagandahan ang mga nasira o nawasak na parte ng kalikasan na ang Diyos na makapangyarihan
ang gumawa’t naglikha? Ang kadagatan na dapat ay tirahan ng mga isda at iba pang nilalang sa
dagat, naging madumi na’t hindi na ito angkop na tirahan nila, lumipat nang kong saan-saan ang
mga yaon. Kagaya nalang ng nakita kong litrato sa internet na kung saan ang isang umang ay
ginawang tirahan ang isang takip ng pabangong-victoria secret. Sumagip agad ang tanong na,
“Umang, Bakit andiyan ka?”. Sa litrato pa lamang ay naipapakita nang hindi na komportable ang
dalampasigan upang doon manirahan ang isang maliit na talangka o umang. Kung mabigyan ng
sapat na pagpapakahulugan o ang kaisipan sa litratong iyon masasabi na naging tirahan na iyon
ng umang at doon na siya nakahanap ng ligtas na lugar para manirahan.
Maraming sabi-sabi na dati’y malinis, may sariwang hangin ang kadagatan, maging ang
dalampasigan ay kay sarap laging pagmasdan, may mapuputing buhangin at may umang na
laging may dalang takip na patay na mga kabibi sa bandang likuran. Ngunit ngayo’y wala na
napalitan na ng itim na tubig ang asul na dagat, maraming isda ang nawalan ng maayos na
tirahan, maging ang ibang nilalang sa dagat. Nahinuha ko din at napagtanto kong kaya’t
nagkaganito ay dahil na din sa paglalapastangan nating mga taong naninirahan dito sa mundong
ibabaw, mundong ating kinagalawan.
Tayong mga tao ang may sala kaya’t nasira ang kagandahan ng ating kalikasan, kaya’t
tayo din ang dapat umaayos nito. Kumilos tayo, sagipin natin ang ating kapaligiran nang sa
gayon ay may magandang epekto din ito sa atin hindi lamang sa kapaligiran. Kailan tayo kikilos?
Simulan na natin ngayon upang ating masagip ang kadagatan, dalampasigan, kapaligiran maging
ang mga likas na yaman para hindi tuluyang masira’t at patuloy nating mapakinabangan.

You might also like