Kalikasan, napakasarap pagmasdan lalo na pag may mga paru parong
nagsisilaparan sa daan at may mga batang naglalaro ng habul habulan, tagu-taguan. Kalikasang kailangan ng bayan. Proteksyon ng sanlibutan sa mga sakuna at kalupitan ng kapalaran. Gigisingin ang ating pagiging maka-kalikasan na pilit iniiwasan ng kanyang mamamayan. Tila ngaba’y pagmasdan ang mga bulaklak at mga mabangung hangin sa daan, mga dagat na kulay asul at napakadaming isdang lumalangoy pero nagbago ang lahat. Nakikita niyo ba ang bukas na maari nating masilayan ang dilim na babalot sa ating kapaligiran. Kapaligiran na hindi natin iniingatan. Hindi man lang natin alam na sinisira natin ang sanlibutan, Winawasak ang sarili nating tahanan dahil sa unti unting ating pagpatay sa ating kalikasan. Kinakalbo ang mga kagubatan, inaabuso ang karagatan. Apo’y lumiliyab, mga puno’y sumisiklab, mga hayop ay nagtatakbuhan naghahanap ng matataguan. Sa pera tao’y nasilaw, kagandahan ng kalikasa’y inagaw, di marunong mag ingat sa yaman, KATAPUSAN NA NG KALIKASAN. Ilang dekada na ang nagdaan, hindi parin naibalik ang gandang kalikasan ng nakaraan. Magandang regalo na biyayayng maykapal na sinisira nating tuluyan. Nasaan na? Nasaan na? Ang dating noon, di ko na masilayan. Nasaan na? Wala na. Ako ay pumikit ng isang saglit. Mga ala ala ng nakaraan ay muling bumalik. Naalala ko pa, kung paano humuni ang mga ibon na, nagdadala ng ligaya sa ating mga puso. Na- aalala ko pa ang mga asul na dagat, maraming isda ang masayang nagsisipaglanguyan. Na-aalala ko pa ang preskong hanging nagbibigay linaw sa ating isipan. Nakikita niyo ba? Kung anong nangyari sa ating kalikasan? Minsan ba naiisip natin kung ano ang gustong sabihin ng ating kalikasan? Kung nakakapagsalita lang ito malamang minumura na tayo, galit at poot ang nararamdaman niya sa mga panahon na binabalewala natin siya. Kanino nga ba dapat umasa ang inang kalikasan? Animoy hindi na siya alintana ng taong matagal na niyang prinoprotektahan. Lilimutin na lamang ba natin ang kanyang kabutihan? At ibabaling sa iba ang antensyong dapat sa kanya, wari’y pikit mata mong tinatalikuran ang tulad niya. Kailan ka mag uumpisa? Kapag ba ang mga katubiga’y tuyot na? O lung ang mga natitirang kabunduka’y kalbo na? Anyong lupa, Anyong tubig, at mga hayop na namamatay na dahil sa kapabayaan ng dapat nanganglaga sa kanila. Sinong mag uumpisa? Sino ang gagawa ng mga bagay na tutulong sa kanya? Upang mailigtas siya sa mga kamatayang tayo mismo ang gumagawa. Huwag sana nating hayaan na maging larawan na lamang ang mga katagang “KALIKASAN”