You are on page 1of 1

KUMUPAS NA PAGMAMAHALAN

Jeffrey F. Eguillon

Laging magkasama, laging masaya

Magkaramay sa lahat ng problema

Walang iwanan, walang laglagan

Buhay na diary, ‘yan ang aking kaibigan

Sa paglipas ng panahon hindi naming namalayan

Nararamdaman sa isa’t isa’y humigit sa pagkakaibigan

Nag-aminan, nagkahiyaan, naglambingan, nagkaibigan

Abot langit ang kasiyahan na tila ba’y walang katapusan

Ngunit ang relasyon ay sadyang hindi perpekto

Nagkaselosan, nagkatampuhan, nag-away, nagkagulo

Lahat ng pinagsamahan nasayang, naglaho

Ang malinaw na relasyon tuluyan nang lumabo

Bakit nga ba tayo humantong sa hangganan

Hindi na maibabalik ang masayang nasimulan

Sinira lang basta ng kumupas na pagmamahalan

Ngayon ko naisip, nanatili ka nalang sanang KAIBIGAN

You might also like