You are on page 1of 1

Ang Panahon

ni Leslie V. Torreliza

Oras-oras, araw-araw, panahon ay nag-iiba.


Minsan ay maaraw at nakapagsasaya.
Nakakapamasyal at may piknikan pa.
Isama pa natin ang swimming sa isla.

May panahon namang di ka makalabas,


Sa kadahilanang ulan ay malakas.
Sa sakuna’t sakit ika’y umiiwas,
Kaya’t sa tahanan, siguradong ligtas.

Kung minsan nama’y maulap ang langit,


Kulimlim ang paligid at hindi mainit.
Mga batang paslit ay nagkakandirit,
Sa pagkakataong ayaw na mawaglit.

Sa panahon namang ang hangin ay malakas,


Mga kabataan, ay agad lalabas.
Upang paliparin nang napakataaas.
Saranggola nila na ubod ng tikas.

May pagkakataon ding panaho’y masungit,


Malakas ang kulog, madilim ang langit.
Matalim ang kidlat, hangi’y alumpihit,
Pag di ka nag-ingat, pihong mahahagip.

Sa bawat panahon, may gawaing angkop,


Maaaring ito’y masaya’t malungkot.
Kaya’t pag-iingat di dapat malimot,
At pakaiwasang ikaw ay mayamot.

You might also like