You are on page 1of 1

Kapaligiran, Ingatan

 ni Christine B. Erbite

Halina’t pagmasdan ang ating kapaligiran


Mayaman at sagana sa mga likas-yaman
Sa tubig-alat at tubig tabang man
Maraming pakinabang ang iyong makakamtan

Sa bukang-liwayway man o sa dapit-hapon


Basurang naipon sa lupa ay ibaon
Pagtatanim ng puno isip ay ituon
Diliging mabuti upang sila’y yumabong.

Ang tubig sa dagat at ilog na umaagos


Maraming mahuhuli biyayang lubos
Iwasang basura’y doon ay ihulog
Nang hindi malason ang mahal mong irog.

Kung ang lahat ng tao iisa ang layunin


Kapit-bisig, kalikasa’y ating kalingain
Walang magugutom, walang daraing
Pagkat likas-yaman iniingatan natin.

You might also like