You are on page 1of 2

Renee Mariae D.

Espaol

Ph 101 S

Setyembre 29, 2014

JEEP Individual Paper

Noong namimili ako kung saang Area ako pupunta, dalawa lamang ang tumugma
ayon sa aking kagustuhan. Isa na rito ang Blessings Copy Center and Bookbinding Services
sa UP Diliman. Dumating na ang araw ng sign-ups at nalagay ko ang aking pangalan sa tabi
ng Area na ito.
Nang pumunta ako sa UP Shopping Center upang Makita ang itsura ng Area,
nakakagaw-pansin ang mga taong nakasuot ng pang-itaas na kulay luntian. Sila pala ay mga
empleyado ng Blessings. Mahahanap ang karamihan ng Blessings sa loob ng UP Diliman lalo
na sa UP Shopping Center. Meron itong ibat ibang pangalan sa UP Shopping Center tulad ng
More Blessings at Jovits. Ito ay pagmamay-ari ni Bb. Imelda Imee Gines. Binuksan niya
ang kaunaunahang Blessings noong 1995. Sa kasalukuyan, hindi lamang pakopyahan ang
tindahan ni Maam Imee. Meron din siyang mga computer shop.
Naitalaga ako bilang kahera sa More Blessings. Madali naman ang trabaho ko ngunit
nakakapagod sapagkat maghapon akong nakatayo sa masikip at mainit na tindahan. Tinatala
ko lamang kung magkano ang pinagawa ng kustomer at kung anong kategorya nito (kung ito
bay sa short, long, o A4 na papel). Kasama rin sa trabaho ang pagtanggap ng bayad at
pagbigay ng resibo kung hihingin kaya naman kailangan kong maging alerto sa mga
pinagagawa ng mga customer. Kinalangan ko ring alamin ang presyo ng bawat serbisyo na
kanilang inihahandog. May kaunting hirap ito dahil marami silang serbisyo tulad ng
bookbinding, photocopying, at lamination. Sa bookbinding pa lamang, ilang presyo na ang
naroroon. Nakabatay kasi ang presyo sa kapal at klase ng bookbind (ring bind, wire bind, soft
bind, hard bind, clone na soft bind, at clone na hard bind). Kung minsan, pinapayagan akong
gamitin ang makinang pang-laminate, at ang photocopying machine. May mga pagkakataon
na sunud-sunod na dumating ang mga kustomer at maraming pinapagawa. Sa dami, minsan
hindi ko sigurado kung tama ang pagtala ko o kung naitala ko nga ba dahil nalilito ako.
Sa apat na oras na akoy naroroon bawat linggo, nakilala ko sina Ate Fatima, Ate
Aida, at Ate Carol. Meron din kaming nakasamang mga kuya, ngunit hindi ko sila lubusang
nakilala sapagkat nasa kabilang dulo sila ng tindahan at maraming ginagawa..
Si Ate Fatima ang reyna sa kantahan. Palagi namin siyang naririnig na kumakanta at
sumasabay sa mga tugtugin sa radio. Noong bata pa siya, lagi raw siyang sumasali sa mga
paligsahan. Ngunit hindi ito natupad dahil pinili niyang kumita na lamang ng salaping
pantustos kaysa makipagsapalaran sa larangang kanyang inaasam. Dumayo pa siya mula sa
kanilang probinsya upang makahanap ng mas magandang trabaho dito sa Maynila.
Si Ate Aida ang pinakamatagal nang nagtatrabaho sa More Blessings. Siya ang
tinuturing naming tagapangasiwa sa tindahan. Kapag nangangailangan ako ng tulong, siya
ang kadalasan kong nilalapitan.
Madalas kong kakuwentuhan si Ate Carol. Masayahin at palabiro siya. Meron siyang
tatlong anak. Hiwalay siya sa asawa, at sa kasalukuyan, may namumulaklak na bagong pagibig sa kanyang buhay.
Sa maikli naming pagsasama, may napansin lamang ako sa kanila. Sila ngay kapos sa
perang panggastos para sa pangaraw-araw, ngunit masaya pa rin sila dahil ginagawa nila iyon

upang maging maayos at masaya ang buhay ng kanilang pamilya. Dahil sa karanasan ko sa
JEEP, mas napapahalagahan ko ang trabahong kanilang ginagawa.
Kung pagmumunihan, makikita ang halaga ng JEEP sa pag-aaral ng Pilosopiya. Sa Ph
101, pinagaaralan ang mga teorya sa klase. Sa aking palagay, mas maiintindihan natin ang
kanilang sinasabi kung mararanasan ito. Sabi nga ni Padre Roque, ang pilosopiya ay
ginagawa. Hindi natin talaga malalaman ang talagang nangyayari at umiiral kung hindi natin
ito mararanasan. Ngunit kapag ginawa na natin ito, dapat nauunawaan natin kung bakit natin
ginawa ito kundi mawawalan ito ng saysay o silbi. Kaya naman upang maging isang
manipestasyon ng Magis, kailangan maintindihan muna ng bawat isang Atenista kung ano ba
ang talagang nangyayari sa ibat ibang sitwasyon ng buhay. Mula doon, tsaka lamang
matutupad nang lubusan ang pagiging men and women for others. Ito, sa tingin ko, ang
halaga ng JEEP sa Ateneo.
Nang binasa ko ang The Socius and the Neighbor ni Paul Ricoeur, nag-iba ang
pagkakaintindi ko sa salitang kapwa. Noon, ang pag-unawa ko sa kahulugan ng kapwa ay
yung ibang tao na hindi ko kapamilya o malapit na kaibigan. Ngunit sa babasahin na iyon,
napagtanto ko na hindi lang pala iyon ang ibig sabihin ng salitang iyon. Nangangahulugan
din pala na paggalaw ko sa ibat ibang sistema sa lipunan, nagkakaroon ako ng pagkakataon
na magkaroon ng personal na interaksyon sa hindi ko kakila pagkakataong maging kapwa.
Nakikita ko ito sa karanasan ko sa JEEP. Maaari naman kasing institusyonal lamang ang
relasyon ko sa mga Ate at Kuya sa Blessings, ngunit kinilala ko sila at kinilala nila ako. Sa
ganitong paraan, nagkaroon kami ng relasyon na higit pa sa pagiging magkatrabaho.
Bilang estudyante na maraming inaaral at ginagawa, mas nanaisin kong gamitin ang
oras na nakalaan sa JEEP upang gawin ang mga kinakailangang gawin. Ngunit, sa simula
lamang iyon. Nang nakasama ko na at nakilala ang mga kasamahan ko sa Blessings,
ikinigalak ko na kahit mahirap ang trabaho, masaya ang naging karanasan ko sa JEEP. Hindi
lamang pala ito ginawa upang maging parte ng kurikulum na walang rason. Inilagay siya para
hubugin kaming mga estudyante ng Ateneo patungo sa direksyon ng Magis. Ito ang magiging
daan naming upang maging mulat at handa sa pagharap sa mundo sa labas ng eskwelahan,
upang maganap tungkulin naming bilang Atenista, bilang tao.

You might also like