You are on page 1of 2

Shaina Mae R.

Fortuno

12 ABM – 5

Piling Larangan

Lakbay Sanaysay (Immersion)

Sa Mayo tatlo dalawang libo dalawang put tatlo, naumpisahan ang aming lakbay na
pagtatrabaho upang kami ay maging pamilyar sa trabaho at magkaroon ng karanasan o
kaalaman. Noong una ay kinakabahan ako sapagkat ako ay mahiyain at hindi ako marunong
makipag salamuha sa ibang tao, ngunit sa nag daan mga ilang araw ay natutunan ko na
mahalaga na makipag usap ka sa ibang tao, dapat may kakayahan ka makipag sabayan,
walang kompetisyon dapat sa trabaho, maging mapagkumbaba at dapat komportable ang iyong
papasukan na trabaho. Ang mga nasa kumpanya ay mabait, matulungin, mapag-biro, at madali
silang lapitan kaya masaya mag trabaho sa Petron. Bukod don, napagtanto ko na sila pala ang
tagatustos ng Petron sa Laguna at Quezon, kaya ako’y humahanga sa Kimgoldwin Trading
Corporation na aming kumpanya na pinpaasukan.

Kami ay tumungo sa calauan noong Mayo 15, sa kanilang lungsod ay mayroong piyesta at eto
ay ang piyesta ng pinya. Masaya sa pakiramdam sapagkat eto ang unang pagkakataon na
maka punta ako sa ibang lugar at maki piyesta kahit kami ay mag benta ng langis na petron.
Dahil sa aming diskarte ng pag-alok ng produkto na langis, marami kami nabenta at natuwa ang
si Ma’am Madel at ang ibang empleyado sa amin. Unang beses din naming naranasan ang
piyesta na maka abot ng hating gabi sa kadahilanan na ang aming mga magulang ay strikto,
pero nauunawaan namin sila kung bakit sila ganoon sa amin at bukod rito ay nagpa- alam kami
sa work immersion na aming guro na kami ay maaabutan ng hating gabi. Bago mag simula ang
mga kaganapan ay umikot muna kami nila Marjorie at Jessica para makapag- pasyal, sa
pasyalan na aming nakita ay napansin kong madaming bahay kubo ang naka display na meron
ibat ibang uri ng disenyo. Sa gitnang bahagi naman ay mga paninda na puwede pag bilhan,
kaso ang mga presyo ay mataas at tunay na masakit ito sa bulsa.

Ang piyesta ng pinya ay magsimula ng hapon at madami pupunta na mga tao pag gabi. Kaya
maaga kami pumunta upang makapag handa sa aming gagawin at maasikaso ang mga
kagamitan. Pagkatapos naming mag asikaso, tumambay kami malapit sa puno na may upuan
dahil napaka init ng singaw sa mismong loob ng tent at pawis na pawis kami. Mapresko ang
aming pakiramdam pag kami ay nasa lilom ng puno, kaya napag pasyahan namin na duon na
lamang tumambay. Madaming ang naganap at aking naranasan sa piyesta ng pinya. Natutunan
ko kung gaano kahirap ang mag benta lalo na kung madami ka kompetensya, ngunit madami
man sila ay naka benta parin kami ng madami at masaya ako sa nagging resulta ng aming
pinag paguran. Si Marjorie at Jessica ay model at ako naman ay taga picture lamang, ngunit
kahit ganun ay nag enjoy ako lalo na madaming pagkain. Natutunan ko na ang lahat ng pinag
paguran ay mag bubunga ito ng saya. Kapag kumikita ka ng pera galing sa pinag paguran,
bukod sa masarap sa pakiramdam ay magiging sulit ang lahat nang pinag paguran mo.
Natutunan ko din na pag trabaho ay bawal mahiyain, kapag mahiyain mahihirapan mag hanap
ng trabaho at makipag komunikasyon sa iba. Kaya magandang pagkakataon ang aking mga
naranasan sa araw na iyon.

You might also like