You are on page 1of 4

AMBISYON 2040

by: Shara Mae D. Valleser

Naalala ko pa noong bata ako


Gusto gusto kong maging isang superhero
Na katulad ni Darna na kayang iligtas ang buong mundo
Marahil ikaw din siguro…
Lahat naman yata tayo…

Pero sa puntong ito


Napaisip ako
Superhero pala tayo
Oo, superhero tayo
At alam mo?
Pambihira ang kapangyarihang taglay mo
Ipapakita ko sayo
Dadalhin kita sa taong dalawang libo at apatnapu
At may misyon ako
Gusto ko samahan mo ako

Sa loob ng dalawang dekada o mas maaga


Ang ambisyon natin ay baguhin ang buong bansa
Pero saan, kalian paano magsisimula

Ito na nga
Sisimulan ko na nga
Sisimulan ko sa kwento
Isasalaysay ko ang kwento ng buhay mo
Oo, kwento mo
Kwento ng buhay mo
Ikaw nga
Oo ikaw

Nagsimula ang lahat nang maisipang mag asawa ng nanay at tatay mo


Hanggang sa nagkaanak sila, dalawa, at ikaw nga yung isa
Ang tatay mo ang naghahanap buhay
At nanay mo naman ang bantay sa bahay
Hanggang sa lumalaki na kayo ng kapatid mo
Palaki din ng palaki ang gastos nila sa inyo
Kaya ang nanay mo, no choice kundi humanap na rin ng trabaho

Nagtatrabaho na ang iyong ama at ina


Ang lunes at linggo walang pinagkaiba
Halos sa opisina na nga nakatira
Hanggang sa bahay trabaho ay dala
Paggising sa umaga mga nagmamadali kayong pumasok sa eskwela at sila
naman opisina
Pagsapit ng gabi, uuwi, matutulog, swerte kung makakausap mo pa
Kaya kayong dalawa, hindi na nasubaybayang magbinata at magdalaga
Kaya itong anak na babae, niloko ng jowa wala silang ideya
Itong anak na lalaki naman nabuyo ng barkada, puro sinko ang marka
Ang tatay mo ayun nakahanap ng aliw sa kanlungan sekretarya
Ang nanay mo naman pustoryosang pustoryosa parang bumalik sa
pagkadalaga
Para na kayong hindi magkakakilala
Pero ano? Ang mahalaga hindi kayo nagugutom diba?
Hahahahaha

Masisisi mo ba sila?
Na ginagawa lang naman lahat para tustusan kayong dalawa
Pero nakakalungkot lang diba
Madami ngang pera, wasak naman ang pamilya

Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan


Lahat naman siguro tayo may pamilyang kinabibilangan
Ikaw na bida sa aking istorya at ang iyong pamilya
Ang representasyon ng ordinaryong pamilyang Pilipino

Sino ba namang may gusto ng ganito?


Wala naman siguro...
Kaya lahat tayo
Sigurado ako
Gusto ng pagbabago
Paano?
Nasa mga kamay mo
Ikaw na superhero
Paano?
Sa darating na ika-labing tatlo ng Mayo
Gamitin mo ang kapangyarihang taglay mo
Iboto mo kung sino ang karapatdapat at totoo
At isa pa
Gamitin mo ang kapangyarahin mo na impluwensyahan ang mga tao
Na gawin ang tama at maging matalino sa pagboto

Malaki ang papel ng gobyerno


Kaya’t pillin mong mabuti kung sino ang karapat dapat na iupo
Madami tayo na naghahangad ng buhay na maginhawa
Walang naghihirap, nagugutom at namamalimos sa kalsada
Lahat tayo nangangarap ng matatag na pamilya
May oras sa isa’t isa, masayang magkakasama
At walang papantay sa panatag na buhay
Na may siguradong bukas na sayo ay naghihintay
Tahimik, payapa, matiwasay ang buhay
At ang susi… nasa iyong mga kamay…

You might also like