You are on page 1of 5

Class History 2016-2020

First Year:

​Unang araw ng high school super awkward may mga taong bago sa
aming paningin, mga bagay na bago at pati mga guro na mukang
nakakatakot. Nandun na naman kami sa part na “Introduce yourself”
nakakahiya na masaya dahil may mga bagong tao na naman kami
makikilala at makakasama. May ginawa kami sa time ni Sir Bruce na
gumawa kami sa isang papel kung sino sa tingin namin ang makulit, ang
maganda, ang maingay super saya nung araw na yun. Few weeks has
past maraming bagay ng nangyari, sa room ng 7-Ruby ang may pinaka
maingay at pinaka magulo sa buong junior year, unti unti ng nagiging close
ang lahat sa isa’t isa may nabubuo ng grupo na kasama tuwing recess
hanggang uwian. Dumating ang nomination of officers naging president
namin si Raymond Mendoza at ang vice naman naming ay si Hershey
Arellano. Iba’t iba ang barangay ang nasa room naming merong San
Antonio, Muzon, Calumpang East, Calumpang West, Manggahan, Tungal,
San Jose at Taliba, iba’t ibang barangay at iba iba ang mga ugali.
Dumating ang araw ng Welcome Party para samin masaya naman ang
naging araw na yun. May time na napaguusapan na kami sa office kasi nga
super gulo at ingay namin. Marami mang mga salita ang nakasakit samin
eto pa rin kami maingay at magulo. Umalis sa SLA ang kauna unahan
naming adviser na si Ma’am Lenie at pumalit naman ang magandang si
Ma’am Airene Banta. Si Ma’am Airene ang naging bago naming ina sa loob
ng aming silid. Marami na kaming nabuong memories sa loob ng 7-Ruby
may mga away mang naganap, kami ay naging isa bsa maiituring na
totoong pamilya.

Second Year:

Grade 8-Silver, nahiwalay man ang iba samin may bago namang
dumating. Umalis man si Nashty, Merrick, Ghelo, Rocky at si Punla
dumagdag naman samin si Red, Russelle, Lelen, Gerlyn, Danica at si
Rafael. Maraming ganap nung kami ay grade 8 pa may activity day, may
field demo, nutrition day at may bigsaywit pa. Di man kami nananalo atleast
nagperform kami. Ang pinaka masaya ay nung activity day dahil laban
laban lahat ng mga team color pati narin section by section. May mga
performance rin kaming ginawa sa time ng MAPEH tulad ng pagsayaw ng
kpop pati na rin ang paggawa ng silhouette. Nagkaroon uli ng nomination
of officers at nagkaroon kami ng bagong President na si Jayne Kristel Roa
at ang Vice naman ay si Denzel Carandang. at ang Naging adviser namin
nung grade 8 ay si Mam Kristine Amurao na hindi pa kasal noon. Marami
ding mga pagkakataon na ang mga magkakatropa ay nagkakaaway-away
pero nagkakaayos din naman. Laging usap-usapan kami sa faculty dahil sa
hinde na daw kaya ng mga teacher ang kalikutan naming magkakaklase.
Pero kahit na ganun hindi parin nila kami pinapabayaan sa mga pagaaral
namin at sa mga Gawain. Nagkaroon kami ng field demo may mga alitan
man sa mga oras ng pagpaparatice pero di ito naging hadlang para
makapagpresent kami ng maayos sa harap ng ibang mga estudyante, at
dahil naden sa tulong ng aming adviser napaganda pa namin ang aming
sayaw. Nagkaroon din kami ng Foundation Day na naging sobrang saya
dahil marami sa amin ang nakilahok at nakakuha ng ilang mga parangal.
Ang mga sayang ito ay hindi makakalimutan.

Third Year:

Sa pagpasok namin ng Grade 9 ang teacher namin sana ay si ma’am


Kim pero ito ay nabago at pinalitan siya ni ma’am Joy dahil daw makukulit
kami.Natakot at kinabahan kami dahil sa mga napapakinggan namin
tungkol kay ma’am Joy na siya daw ay napaka strikto lalo na pagdating sa
mga lalake. Sabi nila 3​rd​ year daw ang ang pinaka mahirap sa buong junior
year kaya syempre may mga kinabahan samin. May mga kaklase na
naman kaming nawala tulad ni MJ, Carlo at si Red pero dumagdag naman
samin si Alaiza Jonson. Nagkaroon ulit ng nomination of officers, naging
President ulit si Jayne Kristel Roa at ang Vice naman ay si hershey rica
arellano . Nag perform kami ng Phantom of the Opera sa time ng MAPEH
super hirap kapag di ka talaga maalam kumanta. Ang pinaka maganda ay
nagkaroon kami ng Theater Night sa pamumuno ni Sir Bruce Bugtong. May
dumating rin na bagong mga teacher sina Sir Kimvelle Cubelo, Mam
Kimberly De Castro at si Sir Gabriel Sy. Nagkaroon ng Bigsaywit at ng
Nutrition Day. Hindi kami nagkaroon ng Christmas party ng grade nato kasi
nagpaplano kame na sumama kami sa Field Trip, pero sa huli maunti rin sa
aming mga magkakaklase ang sumama sa field trip, nag-enjoy kami ng
sobra sa Star City, may mga umiyak na babae dahil sa takot sa roller
coaster tulad ni @Mizzi Tiu at lalong lalo na si @Jayne Kristel na sumingit
pa sa ilalim ng isang stall para umiyak . Kaso sa iba naming mga
pinuntahang lugar ay hindi kami masyadong nagsaya dahil ang iba doon
hindi naming type puntahan. Ang mga memories naming ito ay
hinding-hindi naming makakalimutan.

Fourth Year

Huling taon na namin sa SLA, nakakalungkot kasi yung iba samin ay


lilipat na ng school para doon mag senior high. Maraming memories na ang
nagawa naming sama sama, marami ng celebration ang naganap sa loob
ng aming room. Kasama naming si Ma’am Joy sa lahat ng kalokohan at
lahat ng celebration tulad ng Teacher’s Day, birthday ni Ma’am Joy at
Christmas Party. bigsaywit, Nutrition Month, Field Trip at JS Prom. Masaya
kami kasi mas lalo naming nakilala ang isat isa, ngunit may kasamang
lungkot dahil kung kelang sanay na at magkakasundo na kami ay sya ring
pagbilis ng oras para tuluyan na kaming magkahiwa hiwalay. pero kahit
ganon ay hinding hindi namin ito malilimutan lalo na ang mga kulitang
ginawa namin sa loob man o labas ng aming classroom. tulad nalang ng
pagbabasaan ng tubig sa loob ng room kung saan ay papasok na si maam
joy.bago paman ito makapasok ay naibuhos nani rafael marasigan ang
tubig sa sahig. hindi agad naagapan ng buong klase ang pagpupunas nito.
kaya sa pagpasok ni maam joy ayy sermon agad ang aming
matanggap.ngunit hindi lang yan ang nakakatuwang pangyayari na talaga
namng di mo malilimutan, tulad nalang ng pagtatago ng mga bag ng aming
mga kaklase. umagang umaga palang ayy walang makakaligtas sa grupo
ng mag kakaibigan nina jayne kristel dahil kung lalabas ka at maiiwan mo
ang iyong bag sa loob ng classroom ayy wala kanang babalikan. marami
mang beses may umiyak dahil sa pagkawala ng kanilang bag ay matatawa
ka parin pagkatapos. dahil walang normal sa loob ng classroom ng 10 gold.
hindi nanamin itatanggi iyon dahil talaga namng may sarisariling trip ang
bawat tao sa loob ng 10 gold.ngunit sa lahat man ng mga pangyayaring ito
lahat man ng kabutihan o kabnormalan ayy talgang malulungkot ka pag
naisip mong magkakahiwahiwalay rin kayo.lalo na ngaun hindi natau mag
kakasama sama dahil sa paglipat ng iba sa ibang school.ngunit kahit
ganon sana walng kalimutan ng friendship sa nabuo sa apat na taon nating
mag kakasama sa loob at labas ng ating school.

You might also like