You are on page 1of 3

PEREZ, GABRIELLE MARI G.

GRADE 10 – NEWTON

KURYOSIDAD NG ISANG BATA

Araw ng Linggo, kagagaling lamang


ng mag-Lola na sina Lola Myrna at
Elisabeth sa simbahan. Agad na
binaha ng bata ng tanong ang Lola
tungkol sa homiliya ng pari.

Dinala siya ni Lola


Dinala naman ni Lola Myrna si
Myrna sa labas at
ipinakita ang iba’t Elisabeth sa lugar na maraming puno THE END.
ibang uri ng tao at at ipinaliwanag ang sitwasyon ng
para na rin mga ito.
maunawaan ni
Elisabeth ang
sinasabi nito.
Pagkatapos basahin ang comic strip, sagutin ang mga sumusunod
na tanong.
1. Ayon sa comic strip, bakit maraming tanong ang batang si
Elisabeth?
2. Sa iyong palagay, naipaunawa kaya ni Lola Myrna ang nais
malaman ni Elisabeth? Bakit/bakit hindi?
3. Bilang isang mag-aaral, paano ka gumagawa ng mga
desisyon?
4. Paano tayo naging kawangis ng Panginoon?
5. Ang tao ang may hawak ng mga desisyon kung ano ang
kahihitnan niya. Sa iyong palagay, ano ang mga
kinakailangang isaalang-alang upang maging maganda ang
kalalabasan ng iyong mga desisyon?

Mga Kasagutan:
1. Bilang mga bata, palaging mayroong kumakalabit sa
kanilang kuryosidad na nagiging sanhi upang magtanong
sila. Marami pa silang bagay na hindi alam at marami pang
bagay ang kailangan pa nilang maunawaan.
2. Sa aking pananaw ay oo, naipaliwanag ni Lola Myrna ito
nang mahusay. Bukod sa naintindihan ito ni Elisabeth,
ginawa ni Lola Myrna ang kaniyang paliwanag sa paraang
mauunawaan ng bata. Gumamit din noong una si Elisabeth
ng mababaw na sitwasyon upang maipakita na nauunawaan
niya ang paliwanag ng kaniyang Lola.
3. Bilang isang mag-aaral, ako ay gumagawa ng mga desisyon
na hindi basta-basta. Ito ay aking pinag-iisipan muna,
at isinasaalang-alang ko ang mga maaaring mangyari kung
aking gagawin ang desisyong ito. Ito rin ay inaayon ko
sa ikabubuti ng aking sarili, mga tao sa paligid ko, at
sa kagustuhan ng Panginoon.
4. Tayo ay kawangis ng Panginoon sa paraang binigyan Niya
tayo ng kakayahang mag-isip at umunawa, at ang kaalaman
sa kung alin ang tama at alin ang mali. Ito ay kakayahang
wala ang ibang nilalang na kaniyang nilikha.
5. Sa aking palagay, dapat gumawa tayo ng desisyong pinag-
iisipan. Hindi maganda ang katangiang padalos-dalos sa
lahat ng mga gagawing desisyon. Madalas ay hindi maganda
ang kinalalabasan nito. Ang pagpapadedesisyon ay hindi
lamang dapat ginagawa kara-kara. Nangangailangan ito ng
sapat na oras at panahon. Dapat din hindi lamang natin
iniisip ang ating mga sarili, ngunit iniisip din dapat
natin ang ikabubuti ng karamihan.

You might also like