You are on page 1of 26

K

Kindergarten
Ikalawang Markahan – Modyul 8.1
Gusto at Hindi Gustong Pagkain, Alagang Hayop at
Laro o Isports
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8.1 Gusto at Hindi Gustong Pagkain, Alagang Hayop at Laro o Isports
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
OIC-Regional Director: Nicolas T. Capulong, PhD CESO V
OIC-Assist. Regional Director: Rhoda T. Razon, EdD, CESO V

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Hiyas V. Ramos, Clarence M. Bergantinos
Editor: Sheralyn M. Allas, RGC,PhD, Catherine P. Laureta, Clarence M. Bergantinos
Tagasuri: Rosauro Perez, Ma. Editha R. Caparas,EdD, Rosalinda S. Ibarra, PhD, Mark G. Asuncion
Tagaguhit: Clarence M. Bergantinos
Tagalapat: Hiyas V. Ramos, Clarence M. Bergantinos
Tagapamahala: Johanna N. Gervacio, PhD, CESO IV
Raul M. Marin, PhD, CESE
Librada M. Rubio, PhD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ma. Editha R. Caparas,EdD
Nestor Nuesca, EdD
Veronica B. Paraguison,PhD
Sheralyn M. Allas, RGC,PhD
Sierma R. Corpuz

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Rehiyon III

Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
K
Kindergarten
Ikalawang Markahan - Modyul 8.1
Gusto at Hindi Gustong Pagkain, Alagang Hayop at
Laro o Isports
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Kindergarten ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Gusto at Hindi Gustong Pagkain, Alagang Hayop at
Laro o Isports!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

i
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Kindergarten ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Gusto at Hindi Gustong Pagkain, Alagang Hayop at Laro o Isports!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha
Subukin
mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
Suriin
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

iii
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay
at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Pagyamanin
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
Isaisip
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na situwasyon o realidad ng
buhay.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin
Magandang araw! Ngayon ay aalamin natin ang iba’t-ibang araling nakapaloob sa
modyul na ito na dinisenyo para sa mag-aaral ng Kindergarten kagaya mo.
Sa modyul na ito ay kikilalanin mong mabuti ang gusto at hindi gustong pagkain,
alagang hayop at laro o isports. Isapuso at gawin nang buong husay ang mga
nakapaloob na gawain na huhubog sa iyong kakayahan.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong (3) aralin:


Aralin 1 Mga Masustansiyang Pagkain
Aralin 2 Mga Hayop na Gusto kong Alagaan
Aralin 3 Iba’t ibang Laro o Isports
Matapos ang aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
Natutukoy ang letrang G at letrang U (LLKAK-Ih-3)
Nasasabi ang gusto at hindi gusto (pagkain, alagang hayop, uri ng laro o isports)
LLKOL-IC-15)

1
Subukin
Isang magandang araw sa iyo aking masipag na mag-aaral. Ngayong araw na ito
ay ating susubukang alamin kung ano ang iyong gusto at hindi gusto.

Panuto: Bilugan ang iyong gusto sa bawat bilang. Gawin ito sa kalakip na sagutang
papel.

1. Pagkain 4. Laruan

2. Alagang hayop 5. Kaibigan

3. Laro

2
Aralin
Mga Masustansiyang Pagkain
1
Tuklasin
Sa araling ito ay pag-uusapan natin ang mga masustansiyang pagkain. Pakinggan
ang tula sa tulong ng iyong tagapagdaloy.
Tatlong Pangkat ng Pagkain
ni Clarence M. Bergantinos

Go foods na nagbibigay lakas sa atin,


tinapay, kamote, mais at kanin.

Grow foods na tumutulong sa paglaki natin


karne, isda, hipon at itlog din.

Glow foods na mayaman sa vitamin,


repolyo, talong, pinya at saging ay ating kainin.
3
Suriin
May mga pagkaing gusto mong kainin at mayroon ding pagkaing hindi mo gusto
tulad ng tinapay, litsong manok, pinya, mais at ampalaya. Mahalaga na ugaliing kumain
ng mga pagkaing masustansiya upang lumakas ang iyong katawan at resistensiya.

tinapay litsong manok pinya

mais ampalaya
4
Pagyamanin
Panuto: Lagyan ng tsek ang pagkain na gusto mong kainin at ekis naman
ang hindi gusto. Gawin ito sa kalakip na sagutang papel.

1. saging 4. kalabasa

2. keso 5. tinapay

3. isda

5
Isaisip

Ugaliing kumain ng mga masustansiyang pagkain upang lumakas ang iyong katawan
at resistensiya.

Isagawa
Panuto: Bilugan ang mga larawang nag-uumpisa sa letrang g at letrang u. Gawin ito
sa kalakip na sagutang papel.

gatas upo kamatis guyabano ubas

6
Aralin
Mga Hayop na Gusto kong
2 Alagaan

Tuklasin
Sa araling ito ay pag-uusapan natin ang mga alagang hayop. Pakinggan ang tula
na babasahin ng iyong tagapagdaloy.

Mga Hayop sa Kapaligiran


ni Clarence M. Bergantinos

Mga hayop sa kapaligiran, ano ang gusto mong alagaan?


Nagsisilbing bantay sa tahanan, aso ang dapat diyan
Humuhuli ng daga sa tahanan, pusa ang iyong alagaan
Nagbibigay ng gatas, kalabaw at baka ay nariyan
Masustansiyang mga itlog, manok ang kailangan
Mga hayop sa kapaligiran, tiyak na kapakipakinabang!

7
Suriin

May mga hayop na gusto mong alagaan at may mga hayop na hindi mo gusto
tulad ng aso, baboy, ibon, pusa at kalabaw. Pahalagahang mabuti ang mga alagang
hayop dahil malaki ang naitutulong nila sa iyo.

aso baboy ibon

pusa kalabaw

8
Pagyamanin
Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa mga hayop na gusto mong
alagaan at malungkot na mukha sa hayop hindi mo gusto. Gawin ito sa
kalakip na sagutang papel.

1. manok 4. aso

2. kuneho 5. kabayo

3. baka

9
Isaisip

Pahalagahang mabuti ang mga alagang hayop dahil malaki ang kanilang
naitutulong.

Isagawa

Panuto: Ikahon ang mga hayop na nag-uumpisa sa letrang g at letrang u. Gawin ito
sa kalakip na sagutang papel.

gagamba unggoy usa pagong gansa

10
Aralin
Iba’t ibang Laro o Isports
3
Tuklasin
Sa araling ito ay pag-uusapan natin ang mga laro o isports. Tara ating aralin sa
tulong ng iyong tagapagdaloy.
Panuto: Bakatin ang mga ngalan ng iba’t ibang laro gamit ang lapis. Gawin ito sa
kalakip na sagutang papel.

luksong lubid piko taguan


11
Suriin
May mga laro o isports na gusto mo at hindi gusto tulad ng volleyball, basketball,
badminton, swimming, at tennis. Kapag ikaw ay naglalaro, kailangan mong magkaroon
ng pagpapahalaga sa maayos na pakikipaglaro tulad ng pagiging mahinahon,
pagsang-ayon sa pasiya ng nakararami at reperi, pagtanggap ng pagkatalo nang
maluwag sa kalooban at pagtanggap ng pagkapanalo nang may kababaang loob.

volleyball basketball badminton

swimming tennis
12
Pagyamanin

Panuto: Lagyan ng tsek ang gusto mong laro o isports at ekis ang hindi mo gusto.
Gawin ito sa kalakip na sagutang papel.

1. long jump 4. track and field

2. snakes and ladders 5. baseball

3. hula hoop

13
Isaisip
Mahalaga ang pagpapakita ng positibong pag-uugali sa harap ng hindi
inaasahang pangyayari tulad ng pagkatalo sa laro.

Isagawa

Panuto: Bilugan ang mga laro o isports na nag-uumpisa sa letrang g. Gawin ito sa
kalakip na sagutang papel.

golf soccer gymnastics cycling table tennis

14
15
Subukin Aralin 2 Aralin 3
Tama ang lahat ng sagot
Suriin Suriin
ng bata. Matapos siyang
mamili tanungin ang Tama ang lahat ng sagot Tama ang lahat ng sagot
mag-aaral kung bakit ito ng bata. Matapos siyang ng bata. Matapos siyang
ang kanyang gusto. mamili tanungin ang mamili tanungin ang
Aralin 1 mag-aaral kung bakit ito mag-aaral kung bakit ito
Suriin ang kanyang gusto o ang kanyang gusto o
Tama ang lahat ng sagot hindi gustong alagang hindi gusting laro/isport.
ng bata. Matapos siyang hayop.
mamili tanungin ang Pagyamanin
mag-aaral kung bakit ito Pagyamanin
Tama ang lahat ng sagot
ang kanyang gusto o Tama ang lahat ng sagot ng bata. Matapos siyang
hindi gustong pagkain. ng bata. Matapos siyang mamili tanungin ang
Pagyamanin mamili tanungin ang mag-aaral kung bakit ito
Tama ang lahat ng sagot mag-aaral kung bakit ito ang kanyang gusto o
ng bata. Matapos siyang ang kanyang gusto o hindi gusting laro/isport.
mamili tanungin ang hindi gusting alagang
mag-aaral kung bakit ito Isagawa
hayop.
ang kanyang gusto o
hindi gustong pagkain. Isagawa
Isagawa
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Kindergarten Teachers’ Guide (2017). Department of Education – Bureau of Learning
Resources (DepEd – BLR), Ground Floor, Bonifacio Building, DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Materials, Teaching, Reading Articles, and Be Contributor. “ Most Essential Learning


Competencies (MELC) KG To Grade 12 SY 2020-2021.” Deped Click, 2020.
https://www.deped-click.com/2020/05/most-essential-learning-
competencies.html.

Mga Kasanayan para sa Kahandaan sa Pagkatuto ( Readiness Skills workbook ) Revised


Edition 2010. Curriculum development Division Bureau of Elementary Education R.
M 204 Bonifacio Building, depEd Complex Meralco Avenue , Pasig City,
Philippines 1600

16
Preschool Education Handbook for Teachers (2003), Revised Edition. Department of
Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR), Ground Floor,
Bonifacio Building, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Standards and Competencies for Five-Year Old Filipino Children (2009). Department of
Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR), Ground Floor, Bonifacio
Building, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Standards and Competencies for Five-Year Old Filipino Children (2011). Department of
Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR), Ground Floor,
Bonifacio Building, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of San Jose City Nueva Ecija

San Jose-Lupao Road, Sto Niño 1st, San Jose City Nueva Ecija

Telefax: (044) 8940-9740

Email Address: sanjose.city@deped.gov.ph

18

You might also like