You are on page 1of 4

Gawaing bilang: 2

Pamagat ng Gawain: Maisalaysay na muli ang kwento ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.

Layunin: Naisasalaysay na muli ang kwento ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.

Konsepto: Isang uri ng babasahin na maaaring naglalarawan ng mga pangyayari, naglalahad ng


mga ideya, nagbibigay ng direksiyon/panuto, o naglalarawan ng isang proseso/gawain.

Teksto:

Elain ang pangalan ko. Nag-iisa lang akong anak nina Daddy at Mommy. Ikasiyam na
kaarawan ko na noon kinaumagahan. “Excited” na ako kung saan ito gaganapin. Taun-taon kasi
ay sinosorpresa ako nina Daddy at Mommy. Bago ang araw ng aking kaarawan ay nagpunta
muna kami ni Mommy sa isang Mall. Ang dami naming pinamiling laruan at damit na pambata.
Hindi ko alam kung para kanino ang mga iyon. Basta natitiyak kong hindi para sakin dahil
maliliit. Pagkatapos naming mamili ay napadaan kami sa isang tindahan ng mga manyika. Total
kaarawan ko na naman bukas, kaya sinubukan kong lambingin si Mommy sa pamamagitan ng
pagpili ng isang napakagandang manyikang nakatawag sa akin ng pansin. Pero hindi iyon binili
ni Mommy, kulang na raw ang perangdala niya. Wala na rin akong nagawa. Kaya lang nalungkot
ako. Buti pa iyong mga pagbibigyan ni Mommy ng mga pinamili niya, naibili niya. Hanggang sa
pag-uwi naming, medyo nakasimangot pa ri ako. Pagdating sa bahay ay naupo muna ako saglit .
nag-iisip sa mangyayaring kaarawan ko bukas. Ilang sandali pa ay tumunog ang telepono. Dahil
malapit na ako rito ako na ang sumagot. Si Daddy pala! Ipinasapasabi niya kay Mommy na mag-
ayos na raw sa dadalhin kinaumagahan. Sa Tagaytay pala gaganapin ang aking kaarawan. Sa
isang bahay-ampunan. Mukhang kakaiba ito para sa akin. Ipinasabi rin ni Daddy nab aka gabihin
na siya sa pag-uwi. Sinubok kong lambingin si Daddy, tutal kaarawan ko naman kinabukasan.
Nagpabili ako ng pasalubong. Hinintay ko siya sa kanyang pag-uwi. Pagkamano ko’y hinanap ko
sa kanya ang pasalubong na pinabili. Wala siyang dala. Sarado na daw nang mapadaan siya.
Nalungkot na naman ako. “Napakamalas ko naman,” sabi ko sa sarili. Kinabukasan, kaarawan ko
na. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyaring kamalasan kahapon. Ablang-abala ang lahat sa
pag-aayos ng mga gamit sa sasakyan. Ilang sandali pa ay umalis na kami. Ikasampu na ng umaga
nang kami ay makarating sa lugar na pagdiriwangan ng aking kaarawan. Missionaries of Charity
ang pangalan ng bahay-ampunan. Pagdating dito ay nagulat ako sa aking nasaksihan. Mga
batang animo ay noon lang nakakita ng ibang tao. Maya-maya pa agad kaming niyakap ng mga
ito habang sila’y nagsisiiyakan. Sabik na sabik pala silang makakita ng ibang tao. Buong hapon
naming silng nakasama. Kumain kami ng mga handa para sa kaarawan. Nakita ko kung gaano
nila nagustuhan ang mga inihanda ko. Hinandugan ko rin sila ng mga regalo. ‘Yong mga binili
namin sa mall. Para sa kanila pala iyon. Tuwang-tuwa sila sa kanilang mga natanggap. Bakas na
sa kanilang mukaha ang ligayang naramdaman. Noong araw na iyon, nalaman kong isa pala sa
kanila’y sanggol pa lang nang iwan ng mga magulang. May iba rin sa kanila na maagang naulila
sa magulang kaya doon na lang pinatira. Gabi na nang matapos ang pagdiriwang. Ilang saglit
pa’y kinailangan na naming silang iwan upang umuwi na. Habang kami ay nagpapaalam ay agad
nila kaming niyakap na waring nangungusapna ‘wag na naming silang iwan. Napaiyak ako sa
kanilang ginawa. Ayoko na ring umalis nang mga sandaling iyon ngunit kailangan na. Tuluyan na
nga akong sumakay sa aming sasakyan habang sila’y pinagmamasdang nagpapaalam. Habang
sila’y umiiyak. Napaiyak na rin ako tuloy. Maya-maya pa sa may sasakyan ay agad akong
niyakap nina Daddy at Mommy. Napakaswerte kop ala dahil kasama ko sila. Sabay abot sa akin
ni Mommy ng isang regalo. Pagkabukas ko ay nakita ko na lang ang laman pala ay ang
manyikang gusting-gusto ko. Niyakap ko sila nang mahigpit. Sa isip ko sapat na ang kasama ko
sila, sapat na ang nasabi ko sa sarili ko na “Mapalad ako!”

Mga tanong:

Isulat ang bilang 1-10 sa upang mapagsunud-sunod ang mga pangyayaring hango
sa kwento.

Kinabukasan, kaarawan ko na. Di ko pa rin makalimutan ang nangyaring


kamalasan kahapon.

Bago ang araw ng aking kaarawan ay nagpunta muna kami ni Mommy sa isang
mall.

Gabi na nang matapos ang pagdiriwang. Ilang saglit pa’y kailangan na naming
silang iwan upang umuwi.

Ikasampu na ng umaga nang kami ay nakarating sa lugar na pagdiriwangan ng


aking kaarawan sa Missionaries of Charity.

Niyakap ako nina Mommy at Daddy sabay abot sa akin ni Moomy ng isang
regalo.
Pagdating sa bahay ay naupo ako saglit. Nag-isip sa mangyayaring kaaraawan ko
kinabukasan.

Elaine nga pala ang pangalan ko. Nag-iisa lang akong anak nina Daddy at
Mommy.

Buong hapon naming nakasama ang mga bata sa bahay ampunan. Kumain kami
ng mga hinanda para sa aking kaarawan. Hinandugan ko rin sila ng mga regalo.

Noong araw na iyon, nalaman kong ang iba pala sa kanila’y sanggol pa lang nang
iwan ng kakanilang mga magulang.

Niyakap ko ng mahigpit ang Daddy at Mommy ko. Sa isip ko sapat na ang


kasama ko sila, sapat na ang masabi ko sa sarili na, “Mapalad ako!”

Mga sagot:

1. 4

2. 2

3. 8

4. 5

5. 9

6. 3

7. 1

8. 6

9. 7

10. 10
Sanggunian:

Daluyan 4 Letecia B. Batac et.al pahina 27 – 38

You might also like