You are on page 1of 8

ANG PAGBABALIK NG PRINSESA

NG BANYERA
BY MARY GRACE M . PANGANIBAN

Group 4
Afable, Marleo

Ambay, Fatima Mae

Formento, Maria Teresa

Ilumin, Jerome

Pedragoza, Nicole

Racelis, Kriza Belle

Rosales, Gilbret

Touchette, Hannah Angeli


Sinopsis

Bago pa man kayo mahumaling sa panghapong telenobela ni Kristine Hermosa, isa na akong prinsesa ng
banyera. Ipinangalan at itinatak ang aking pangalan sa lahat ng ipinagiiladuhan ng isdang hinango at
itinitinda ng aking pamilya. Nagpasya akong lisanin ang syudad at manahan sa probinsya. Pagkatapos ng
walong taon pagaaral at pagtatrabaho sa Ateneo, nagpasya akong magbitiw sa pagtuturo para sa
panibagong kabanata ng aking buhay ang pagpapamilya. Unang naging masaya ang aming mga
magulang sa aming desisyon para makatulong sa makatulong sa kabuhayan. Ako ay isang COO sa
Central Business District nangangahulugang "child of owner" sa aming barangay. Ang Panasahan ang
sentro ng kalakalang pandagat sa Lungsod ng malolos. Sari-saring tao ang bumubuo sa lipunan ng
punduhan. Alas onse y medya ng gabi hanggang alas siyete ng umaga ang pasok ko sa konsignasyon.
Pagpatak ng alas dose, nabuhay ang buong paligid dahil simula na ng bilihan ng isda sa talipapa. Inilagay
ako ng aking ina sa kaha. Bagung-bago ang lahat sa aking pandama. Bukod sa magturo at magsulat
nanibago ako sa kaha at sa paghawak ng pera. Namangha ako sa husay sa matematika ng mga taga-
palengke. Ako ay tumatanggap ng bayad ng mga tindera at isulat ang mga ito sa record book. Sa
punduhan kami namulat sa pagnenegosyo ng aking asawa kaya rito namin piniling buksan ang aming
unang pakikipagsapalaran tulad ng pagbili sa katabi ng aming pwesto. Hindi karaniwan ang tindahan
namin dahil kami lang ang may panindang panay imported sa talipapa. Noon ko nalaman na hindi lang
halata sa bihis at porma pero may pambili ang mga tindera. Hindi namin pinalampas pati pagtitinda ng
kape, tinapay, mami at samalamig. Minsan, napapaisip kami kung ano kaya ang sasabihin ng mga
kaibigan at kakilala namin kung makita nila kami sa punduhan. Natuto akong sumali sa ipunan sa
punduhan. Sa panahong tumataas ang posisyon ng mga kaklase ko sa kolehiyo sa mga multinasyonal na
korporasyon, pirmi akong nakaupo sa matigas na bangkong kahoy sa talipapa. Natuklasan kong wala rito
ang elegansya pero narito ang grasya. Hindi lang ako ang tapos sa pag-aaral sa talipapa. Mayroong mga
guro, inhinyero, nars, arkitekto, medical technician, computer programmer at doktor sa malansang lugar
na ito. Kung sinasabi ng mga may junk shop na may pera sa basura, sasabihin kong may pera sa lansa.
Iniirap-irapan ang malalansang tindera sa pampublikong sasakyan, tinitingnan mula ulo hanggang paa ng
mga teller sa bangko, pero kaiinggitan ng marami dahil sa naipundar nila sa kanilang pagsisikap sa pag-
iisda. Bukod sa paglikha ng trabaho para sa maraming mamamayan, nagsasampa rin ng malaking halaga
sa kaban ng bayan. Nakatulong ang mga natutunan ko para magsulong ng ilang mahahalagang
pagbabago sa sistema ng pamamalakad ng aming negosyo. Una na rito ang pagbibigay ng benepisyo sa
aming mga tauhan. Pinayayaman nila ang kanilang dayuhang amo, samantalang nabibigyan ko ng
pagkakakitaan ang kababayan ko. Marami ring mapagsamantalang tao sa larangang ito tulad ng
pagnakaw sa aming tatlong milyon kita. Sa dami ng problema ng mga konsignasyon sa punduhan, hindi
ka mauubusan ng kaso kaya naisip kong mag aral ng abogasya dahil sa kagustuhan ng aking ina.
Ginagawa ko ito para mapangalagaan ang kabuhayang nagtaguyod sa akin at siya ring ipanunustos ko sa
mga pangangailangan ng aking pamilya. Mag-aaral ako para tiyaking hindi mamatay ang aming
konsignasyon para sa aking pagbabalik, nakaukit pa rin ang pangalan ko sa daan-daang berdeng
banyerang nagkalat sa madulas at malansang sahig ng talipapa.
Theme: Lahat ng bagay ay may dahilan

Lahat ng bagay ay may dahilan.

Masasabi namin na ito ang naging tema ng buong istorya sapagkat umikot ang buong istorya patungkol
sa naging biglaang pamumuhay ng bida sa kanilang konsignasyon. Hindi sumagi sa isip ng bida na siya
ang mamahala sa kanilang negosyo sapagkat nagtapos siya sa isang mataas na paraalan, isa siyang
graduate ng Ateneo at sa maynila ay mayroon na siyang trabaho at pamilya. Ngunit dahil sa isang
desisyon doon nagbago ang inaakala niyang buhay. Sa kaniyang pagbabalik sa kanilang probinsya
naatasan siya na mamahala sa negosyo ng kanilang pamilya. Sa simula ay hindi niya ito lubos na
nagugustuhan, lagi niyang sambit na graduate siya ng Ateneo at higit pa sa pamamahala sa
konsignasyon ang nararapat na trabaho sa kaniya. Pero ang kagandahan sa trabahong natanggap niya sa
konsignasyon ay kahit papaano nagagamit niya ang kaniyang mga natutunan noong siya ay nasa Ateneo.
Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagustuhan ng bida ang kaniyang bagong hindi inaasahang trabaho.
Sa kagustuhan niyang mas makatulong pa sa kanilang negosyo napagdesisyonan niyang muling bumalik
sa pag-aaral at kumuha ng abogasya. Ang lahat ng nangyari sa buhay ng bida, mula sa muling pagbabalik
sa kanilang probinsya ay may magandang dahilan. Marahil ang muli niyang pagbabalik ay isang
magandang paraan upang magamit ang kaniyang mga natutunan at muling bumalik sa pag-aaral para
mas lubos pang madagdagan ang kaniyang kaalaman na siyang magagamit niya sa kaniyang minahal na
negosyo.

Subject matter: buhay ng prinsesa ng banyera sa konsignasyon

Subject matter:explanation

Umiikot ang buong istorya sa pagbabalik ng prinsesa ng banyera at kung ano ang kanyang naging buhay
bilang kahera o COO(Child of the owner) sa konsignasyon.

ANALYSIS:

1) Ang isa sa mga sosyal isyu na makukuha mula sa pagbabasa ng Ang Pagbabalik ng Prinsesa ng Banyera
ay ang pagkakaroon ng mataas na bilihin at gastusin dito sa Pilipinas ngunit napakaliit lamang ng
sinasahod ng mga mga nagtatrabaho o manggagawa upang ipangtustos sa lahat ng mga kailangang
pagkagastusan. Makikita naman natin sa sanaysay ni Mary Grace kung paano nya ilarawan ang
pamumuhay ng mga nasabing karakter dati sa Maynila. Sinabi nya sa kanyang sanaysay na halos wala ng
natitira sa kanilang sahod dahil sa pagbabayad nila ng upa, kuryente, telepono at credit card.

PPT: Hindi sapat na sweldo para sa lahat ng gastusin.

ANALYSIS

2) Isa pang sosyal isyu ay ang DISKRIMINASYON, kung saan laganap pa rin ito sa ating bansa ngayon. Kitang
kita sa storya ang pagkakaroon ng mga Filipino ng klase na kaisipan na ang mga "propesyunal lamang ang
mga matatagumpay", at ang mga taong wala sa mga naglalakihang establisyemento ang bigo sa mga
pangarap nila sa buhay. Ngunit paminsan ang riyalidad ay kabaligtaran ng mga kaisipan natin - kung sino ang
mga nasa di kanais-nais na lugar ang mas matagumpay pa sa buhay.

PPT: Diskriminasyon

3) Pangatlo ay ang MABIGAT NA TRAPIKO SA KAMAYNILAAN. Nabanggit sa kwento na ang isa sa mga dahilan
kung bakit napagpasiyahan ng pangunahing tauhan at ng kaniyang asawa na lumipat muli sa probinsya ay
dahil sa pabigat na pabigat na trapiko sa ka-maynilaan, na pangunahing problema pa rin hanggang sa ngayon
sa bansa. Isa itong kanser sa lipunan na unti-unting kinakain ang oras at panahon ng tao, kung saan imbis na
nagagamit ng wais at wasto ang oras sa pamilya o mahal sa buhay, nasasayang lamang ito sa pagaantay sa
pagusad ng trapiko.

PPT: Mabigat na trapiko sa ka-Maynilaan

ANALYSIS:

4) Isa pang sosyal isyu na mababasa sa sanaysay ay ang pagkakaroon ng sinasabing "Social Class" kung saan
makikita ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga mayayaman at mahirap base sa edukasyon na nakamit
nila. Gayun din sa kanilang katayuan sa buhay. Ang mga tindera sa palengke na kumikita ng sapat,
natutustusan ang pangangailangan at nakakabili ng mga bagay na gusto nila ay mananatiling tindera para sa
mga taong nakapag-aral at ang mga taong nakapag-aral sa malalaking unibersidad na naghihirap sa gastusin
ay mananatiling mas mataas.

PPT: Social Class


BACKGROUND OF THE AUTHOR

MARY GRACE "JING" PANGANIBAN - MENDOZA

- ay isang babaeng makata at naging guro sa Unibersidad ng Ateneo de Manila.

- isang makata sa larangan ng Sanaysay at Tula and nanalo sa iba't ibang dibisyon sa "Essay and Poetry
Divisions of the Carlos Palanca Memorial Awards since 2001."

- Siya ay kasalukuyang isang Legal Consultant sa Office of the Undersecretary for Legal Affairs Department
of Agrarian Reform

EXPERIENCE

•Legal Consultant

Department of Agrarian Reform

Feb. 2011 - Present

•College Lecturer

Ateneo De Manila University

June 2012 - Present

•Speech Writer/Execom Member

Team Grace Poe

November 12 - Present

•Consultant
Komisyo sa Wikang Filipino

February 2013 - Present

•Assistant Instructor/College Lecturer

November 2000 - March 2004

EDUCATIONAL BACKGROUND

•University of the Philippines

Juris Doctor, Law

2006 - 2010

•Ateneo De Manila University

Master's Degree, Literature in Filipino

2000 -2004

•Ateneo De Manila University

Bachelor's Degree, Interdisciplinary Studies. (Psychology and Creative Writing)

1996 - 2000

AWARDS

•2001 Carlos Palanca Awardee

3rd Prize: Sari - Saring Paninda by Jing Castro Panganiban

•2003 Carlos Palanca Awardee

3rd Prize: Ilang Pagsasanay sa Pangungulila


•2008 Carlos Palanca Awardee

1st Prize: Ang Pagbabalik ng Prinsesa ng Banyera

•2009 Carlos Palanca Awardee

2nd Prize: Kumander

•2012 Carlos Palanca Awardee

3rd Prize: Redempsiyon

ANALYSIS

(Relate the different social situations in the essay to understand Filipino values and self-worth)

Pagmamahal sa Pamilya

Isa ito sa karakteristik na nakita namin sa pangunahing tauhan sa sanaysay na masasabing natural na sa ating
mga Filipino. Ang kanyang pagmamahal sa kaniyang unang pamilya at bubuuin na pamilya ang nag-udyok
sakanya upang lisanin ang magarang buhay sa Maynila at balikan ang unang nakasanayang pamumuhay sa
probinsya.

Pagpapahalaga sa Edukasyon

Edukasyon ang isa sa pinapaka-pinapahalagahan nating mga Filipino. Sinasabing ito lamang ang
pinakamagandang pamana na maibibigay ng isang tao sa kaniyang bayan, maging sa kanyang magiging
pamilya. Sa sanaysay, nakita namin kung paanong hindi nilimitahan ng pangunahing tauhan ang kaniyang
kaalaman at piniling mag-aral muli sa kabila ng tagumpay na kaniyang natamo na.

Makatarungang Pagpapakatao
Nabanggit sa sanaysay na isa sa susi ng tagumpay ng konsignasyon ng pangunahing tauhan ay ang pantay-
pantay at makatarungang pagtrato ng kaniyang mga magulang sa kanilang mga empleyado, kung saan
naglaan sila ng mga benepisyo para sa mga ito.

You might also like