You are on page 1of 3

Jhanielle Faye B.

Juliano
280 Purok 2 Barangay Maliagaya,
Science City of Munoz, Nueva Ecija
juliano.jhanielle@clsu2.edu.ph
0926 624 9261

Janet O. Saturno, Director UGADO


Central Luzon State University
Science City of Munoz, Nueva Ecija

Dear Ms. Janet O. Saturno;

Ako po si Jhanielle Faye B. Juliano. Sinasalamin ko po ang iba’t ibang uri ng pagkatao
kasama ang pagiging disiplinado, masipag at determinado sa bagay na nais kong
maisakatuparan. Ako po ay isang full-time student nag sisikap upang maging isa sa mga
matatagumpay na tao balang araw. Kasalukuyan ko po’ng tinatapos ang kursong Bachelor of
Science in Agriculture sa Central Luzon State University. Ako po ay sumusulat upang ipahayag
ang aking intensyon sa pag apply sa GAD Financial Program 1st Semester, S.Y 2022-2023
Ako po ay responsable at masipag mag aral, lagi ko po tinatapos ang aking mga task ng
maaga sa abot ng aking makakaya. Ako po ay mag pagkahilig sa larangan ng sining. Marunong
po ako mag pinta at guhit ng obra. Ang interes ko po na ito ay palaging nanatili sa aking puso at
tanging ito po ang aking pagalpas sa aking mga problema. Ako rin po ay isang PWD, mayroon
po akong scoliosis disorder kung saan naapektuhan po ang aking pag hinga, ang aking isipan, at
ang aking pisikal na anyo. Simula bata po ako ay nadiskubre na ng aking pamilya ang sakit ko na
ito ngunit dahil sa kawalan ng kakayanan makapag pagamot, ako po ngayon ay higit limang taon
na ng huling makapag tingin sa doctor kaya naman po masasabi ko na ang kundisyon ko ngayon
ay hindi ko na po gaanong makontrol. Umabot na po sa 50 degrees ang aking scoliosis.
Naapektuhan na po nito ang aking pisikal na anyo dahil ako po ay mas lumiliit at bumabaluktot
na. Sa ganitong kundisyon po ay apektado na din po ang aking paghinga dahil sa pagkaka-
baluktot ng aking spine. Para pong naiipit na ang aking puso dahilan upang mas mabilis po agad
akong mapagod. Apektado din po ang aking isipan marahil na rin po na kapag ako ay pagod,
mabilis na din po mapagod ang aking isip na nagiging sanhi ng hindi ko pag-kontrol na sa aking
emosyon. Ngunit kahit papano ay natutuwa pa din ako dahil ako ay nakakapag aral pa at masikap
na hinaharap ang mga pinagdadaanan sa edukasyon kahit na ako ay may ganitong kundisyon at
karamdaman. Mahirap man saaking umupo ng matagal, tumayo ng matagal, kumilos ng madami,
ako ay mag tsatsaga pa din na makapag tapos sa ngalan ng edukasyon na tanging magiging sagot
saaming kahirapan.
Ang aking mga magulang po ay masisipag na tao. Sila po ay matsagang nag tatrabaho
para aming pamilya at para po makapag tapos kaming dalawa ng aking nakakatandang kapatid.
Ang tatay ko po ay isang jeepney driver. Mahirap man po ang kanyang trabaho ngunit masikap
po syang nakikipag sapalaran sa daan para lang po may pangkain po kami sa araw araw. Mula
umaga po ay masipag na umaalis na ng bahay ang aking tatay at uuwi na ng disoras ng gabi.
Nakakalungkot man pong marinig sakanya minsan kapag sinasabi nya na “mahina ang kita ko
ngayon” ngunit wala po akong magawa dahil ramdam ko po ang hirap at pagod nya sa araw araw
idagdag pa po ang napaka mahal na diesel sa panahon ngayon. Ang aking nanay naman po ay
kasalukuyang nakikipag sapalaran din sa riyadh. Sya po ay isang domestic helper at nag simula
po syang mag trabaho doon ng ako po ay makatungtong na sa kolehiyo. Ako po ay
nakakaramdam ng pagka-guilty sa aking nanay na kaylangan nya pa pong mahiwalay saamin sa
pilipinas para lang maigapang at mapagtapos nya kami ng kolehiyo ng aking nakatatandang
kapatid. Ang aking nanay po ang nagsisilbing dahilan para kami ay may pang financial na
suporta sa pag-aaral.
Ako po ay sobrang interesado sa benepisyo ng programang iyong inaalok na aking nakita
saaking facebook. Malaki po ang maitutulong ng scholarship na ito saaking pag-aaral at gayon
na din po sa aking mga magulang upang mabawasan po ang kanilang pangangamba. Matagal na
po talaga akong nag hahanap ng paga-applyan para sa scholarship. Ito nalang po ang tangi kong
nakikita na makakatulong saakin. Sana po ako ay inyong maikonsidera bilang silang scholar nyo.
Aking pong pag bubutihan pa ang aking pag-aaral para sa aking mga magulang. Maraming
salamat po at sana po ay makatanggap po ako sainyo ng mensahe. Aking pong isasama ang aking
PWD id, X-ray at medical abstract sa liham na ito upang maging patunay patungkol sa aking
kundisyon. Maraming salamat po ulit.
Lubos na gumagalang,
Jhanielle Faye B. Juliano

You might also like