You are on page 1of 3

Raven M.

Eliponga
Feature Article

Ang Tatlong na P sa buhay ni Sir Alvin


(An inspiring story of Mr. Alvin J. Sabido, SIINHS’ new principal)

New Normal, New Principal.

Sa pagpasok ng panibagong taong panuruan na napuno ng mga pagbabago sa sistema


ng edukasyon, nagkaroon din ng bagong punungguro ang mga Isidorians. Matagumpay na sa
mga mata ng marami subalit sa likod ng respeto at dangal na natatanggap niya sa kasalukuyan
ay ang paghihirap niya sa nakaraan sa paghahangad na ang mga pangarap niya ay makamtan.
Halina at ating tunghayan kung paanong nabuo ang tatlong P sa buhay ng ating bagong puno.

PANGARAP

Si Gng. Alvin de Jesus Sabido ay ipinanganak noong Enero 13, 1976 sa Calapan City,
Oriental Mindoro. Ang kaniyang mga magulang ay sina Amado David Sabido at Maria Corazon
Solon De Jesus. Kasalukuyan siyang nakatira sa Bon Giorno Homes Muntingpulo kasama ang
kaniyang maybahay na si Mrs. Carolina M. Sabido na isa ring guro sa Lipa City National High
School at tatlong mga anak.

Ang unang paaralang humubog sa kanya patungo sa kung sino at ano siya ngayon ay ang
Padre Valerio Memorial Elementary School. Samantala, nagtapos siya ng sekundarya sa The
Mabini Academy. Pagtuntong ng kolehiyo, nag-aral siya sa Batangas State University ng Bachelor of
Science in Education Major in Industrial Education. Para sa karagdagang karunungan, kumuha siya ng
Master of Arts in Education Major in Educational Management sa Tanauan Institute, Tanauan Batangas.
Hindi pa rito natapos sapagkat itinuloy niya ito sa Doctor of Education Major in Educational
Management sa Batangas State University. Ilan lamang ang mga lugar na ito sa mga tumulong
sa kanya upang unti-unting matupad ang kanyang mga hangarin na noon ay tanging pangarap
lamang.

Estudyante pa lamang siya ay puno na siya ng pangarap na nilapatan niya ng


dedikasyon, sipag, at tiyaga. Sa kabila nga ng mga pagsubok, nakita niya ang mga mag-aaral na
nangangailangan ng tulong. Naging inspirasyon at motibasyon niya ito upang mas hangarin at
mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon na makakatulong sa kinabukasan ng mga mag-aaral.
PAGSISIKAP

Isang paniniwala na mayroong inspirational backstories ang mga itinuturing na


matatagumpay na tao. Sa buhay ni Sir Alvin, nagkaroon din ng mga pagsubok at mga
pagkakataong nakakapanghina. Sa katunayan, kasabay ng pag-aaral niya sa kolehiyo noon ay
ang pagtatrabaho niya bilang isang Jollibee Service Crew. Naging working student siya sa buong
college life niya na nakatulong sa kaniya upang makatapos ng pag-aaral at isa ito sa kaniyang
ipinagmamalaki.

“I believe that poverty is not a hindrance to achieve one’s dream as long as you have the
dedication inside you,” saad niya.

Nag-umpisa siya ng pagtuturo sa Total Child School sa Tanauan City. Technology and
Livelihood Education (TLE) at ibang mga Elementary Subjects tulad ng Science ang kaniyang
itinuturo noon. Ang unang pampublikong paaralang pinagturuan niya ay ang Lipa City National
High School. Nagturo siya rito sa loob ng 20 taon. Naging Department Head of TLE din siya nang
tatlong taon. Sa Rizal National High School siya unang naging punungguro na tumagal nang
dalawang taon at ngayon nga ay kasalukuyang nasa San Isidro Integrated National High School.

Bilang isang leader, mas nais niya ang democratic type of leadership kung saan lahat ng
ideya ay napapakingan at ang ang mga opinyon ay nabibigyang atensyon na may malaking
bahagi sa pagkakaroon ng kolaborasyon.

PRINSIPYO

Para sa San Isidro Integrated National High School, pangarap niyang maging isa ito sa
mga top performing schools sa Division of Lipa sa paglinang ng mga estudyante sa lahat ng
aspeto tungo sa pagiging mabubuti at produktibong mamamayan ng lungsod at ng bansa. “To
uplift the quality of education and standard of teaching and its continuous rich community
partnership to better serve all its learners” – ito ang naisin niyang maabot pa nang may
pagsusumikap at pagkakaisa.

“To all students and educators, your present situation is not your destination. Try to
strive harder to achieve one step at a time. Don’t be frustrated when you failed because there
will be a perfect timing for you,” makahulugang saad ni Sir Alvin sa isang panayam.

Magpasahanggang ngayon ay kakikitaan pa rin siya ng pagsusumikap para sa mga


pangarap at hangarin para sa kapakanan ng iba. Buhat sa mga pinagdaanan niya para maabot
ang kaniyang mga pangarap, nagkaroon siya ng mga prinsipyong pinanghahawakan na
hanggang ngayon ay bumubuo sa kaniyang pagkatao. Bukod dito, puno pa rin siya ng pag-asa at
positibong mentalidad at nagiging inspirasyon siya para sa iba. Ayon nga sa kanya, “Di forever
andiyan ka sa level na yaan, dasal lang at tiwala sa sarili, you can make it.”

You might also like