You are on page 1of 2

Taong 2017, ako po ay natanggap na permanent teacher, nilapitan at kinausap po ako ni Mrs. Violeta B.

Saguiguit at nag alok sa akin na subukan kong mag loan sa PR Bank kung sakaling ako ay nangangailangan ng
pera. At dahil ako ay bagong pasok at marami akong mga kailangan para sa aking pagtuturo, ako ay kanyang
nahimok. Ang sabi ko, sige po maam, masubukan nga kung paano yang loan na sinasabi mo. Sabi po niya, may
mga loan forms po siya at tutulungan din po niya ako sa paglalakad nung loan para mabilis. Natutuwa pa ako
non dahil may isang katulad nya na napaka sigasig na alalayan ako sa kalakaran at pasikot sikot nung paglo
loan. Sa madaling salita, ako po ay na enganyo. Inabutan nya ako ng loan form at iyon naman ay aking finill
out, follow up sya ng follow up sa akin kung ito ba ay natapos ko na o hindi pa. Dahil sa baguhan pa lang po
ako, hindi kop o alam kung anu-ano ang mga ipaglalagay ko dun kaya masugid po niya akong inalalayan
hanggang sa matapos ko po. Habang ito ay aking ginagawa, kinakausap ako hanggang sa sabihin nya sa akin na
kung pupwede ay idagdag ko sana muna yung halaga na kailangan nya dahil sa di daw inaasahan kasi ay
nagkaroon ng problema, parang emergency ata sa kanila at yung inaantay na pera ay hindi pa napa process,
dahil nagkaroon ata ng konting problema dun sa magpapadala. Nakiusap na agad agad ay ibabalik din total pina
process naman na daw yung perang ipapadala sa kanya at saying naman daw yung interest o penalty dun sa
pagbabayaran kung maamitan sya ng due date. Dahil sa maayos naman syang nakiusap noon at hindi ko naman
inaasahan na ganito ang mangyayari, dahil sobrang napaka buti nya, wala akong makitang dahilan para sana
ako ay maloko dahil alam ko naging mabuti naman akong tao sa kanya, na kung tutuusin, tinuring ko pa syang
tunay kong kapatid. Kaya yung loan ko sana na 50k ay naging 150k, para sa kanya yung 100k. Nung matapos
ko na pong magawa yung form, ito ay aking binigay na sa kanya at ang sabi, tawagan na lang daw nya ako pag
dumating na yung pera. Pagkalipas ng 5 araw, tinawagan ako at sabi nya, puntahan ko daw sya sa school,
Sabado po noon iyon. Pagkarating ko po sa school, sabi nya andito na yung pera at kinuha ko na yung 100k.
Pagkatapos po non, dagdag nya, kelangan pa ba nating gumawa ng kasulatan? Total ibibigay ko lang din naman
agad ito, pagkadating na pagkadating nung inaantay ko na nagkataon na delay lang, dahil kung hindi sana na
delay hindi na sana ako nag favor sayo. At dahil ganon ang sabi po niya, na na delay lang, kaya sabi ko wag na
lang.
Lumipas ang isang buwan, dalawang buwan, tatlong buwan hanggang sa di ko na mabilang kung ilang buwan.
Ako ay nag aantay at nag aantay lang na kanyang ibalik ang kanyak nahiram, kaso wala na akong maantay at
dun na ako nagsimulang mayamot at sumakit ang ulo. Hindi ko na alam kung paano ko sabihin sa kanya
tungkol sa kanyang nahiram dahil parang nakalimutan na nya. Na ako pa baga ang parang nahihiyang masabi at
magpa alala kung paano na? kung ano na? Hanggang sa hindi na ako makatiis, ito ay aking naibahagi kay
Winnytess Torres at laking panlulumo naming dalawa dahil parehas pala kaming nahiraman nya. Sinubukan ko
syang sabihan sa messenger, naglakas loob na magsabi sa kanya. Pero kadalasan ang sabi, wala pa daw at agan
anus kan laeng ta uray ket bayadan na met. Mga ilang ulit na ganon, na laging wala, hanggang sa sabi ko
uutusan ko nanay ko na sya ang pupumta sa kanila. Sabi nya, ok wait. Nagbigay po sya ng 1k, kung minsan
500, kung minsan wala, as in wala talaga. Maganda naman ang mga pakiusap nya, laging nakikiusap at ako
naman madaling mapakiusapan. Hanggang sa dumating yung punto na talagang gipit na gipit kami sa bahay, na
nagagalit na sa akin ang Tatay at Nanay ko dahil wala man lang akong maiambag na maitulong kahit sa mga
pambayad man lang ng mga bills sa tubig at kuryente. Nasabi koi to kay maam Violy Saguiguit, sabi nya, kung
may pera lang daw sana sya, binigyan na nya ako, na nataon na naman daw kasing gipit na gipit din sila at
namumubrelma din kung saan sya kukuha ng pera. Sabay sabing, may alam daw syang solusyon at binabalak
na doon kukuha. Magloloan daw sa MTMAS, malayong mas mura ang interest at mas ok daw sa PR bank yun.
Sabi ko, paano naman ako makakapag loan doon eh hindi pa ako integrated, wala pa akong payslip. Sabi nya,
yung appointment ko daw, pwedeng pwedeng requirements iyon para makapasa ang loan ko sa MTMAS. So
ayun, dahil sa sobrang pangangailangan, na enganyo na naman ako. Gaya ng dati, sa kanya uli galing yung loan
form at may mga co-makers na ring naka pirma. Napaka dali dahil yung mga detalyes ko na lang ang kulang.
Nung natapos ko na, pumunta na kami sa Aparri na buong akala ko, pati sya ay maglo loan din, pero pagdating
namin doon, nalaman ko na ako lang pala, na sinamahan lang pala ako. Magkano ang ilo loan mo sabi nya, sabi
ko 50k. Pero eto na naman, nadala na naman ako ng magandang pakiusap, sabi nya naiwan nya kasi yung loan
form nya, pero next week babalik sya para ilakad din yung sa kanya, at kung maaari, ipasabay ko na lang daw
yung sa kanya dun sa loan ko total ibabalik din nya agad pati yung dati nyang nahiram. At dahil nga madali
naman akong kausap, at andun pa rin yung tiwala ko sa kanya, na malamang totoo ngang tutupad na sya sa
usapan, kaya napapayag ako. Doon sa 100k nan a loan sa MTMAS, binigay ko agad yung 50k, na kaya
nagkaroon sya ng kabuuang hiram sa akin na 150k. Pagkatapos non, eto na naman, yung pinaka katakot takot
ko, wala na akong maantay sa kanya na pakiramdam o kaya kung paano na dahil parang wala na lang sa kanya.
Nabalik lang uli sa gaya ng dati. Pag magsabi sa kanya, ang laging sagot, pagpasensyahan mo na, wala din ako
sa ngayon, minsan kung mapalad may 500, may 1k kung minsan wala, as in wala talaga. Mula 2017 hanggang
sa kasalukuyan, yung kabuuang hiram nya sa akin na 150k, isagad ko na lang ang kabuuang naibibigay nya sa
akin na 25k, kulang na kulang pa na interest kung tutuusin. Kaya po, ang gusto ko na lang na mangyari, dahil
alam kong suntok sa buwan ng ako ay mabayaran kasama ang interest. Total, matagal naman na iyon, sobrang
tagal na ng panahon. Nakikiusap po ako, na ibalik na lang yung kabuuang nahiram nya sa akin na 150k, di na
bale kung magkano ang naging interest non na binayaran ko, at yung kabuuang 25k na paunti unti nyang
naibigay, yun na lang po sana ang parang interest ng kabuuan. Ibalik na lang po nya ng buo yung 150k at yung
halaga na naibigay nya yun na lamang ang parang interest ng nahiram nya. Siguro naman, advantage na sa
kanya yan, kesa ipa compute ko pa talaga kung magkano yung totoong interest ng 150k. Pero dahil kahit
papaano, mabait pa rin ako, ibalik na lang nya ng buo yung 150k ko. Hindi ko na po hahabaan pa ito, dahil mas
masasaktan lang po ako, kung ikwento ko pa lahat ng mga sakit at sama ng loob ko kada maningil ako dahil
gipit na gipit kami at wala syang maibigay ni piso. Yung pakiramdam na walang wala ka, pero alam mong may
pautang ka, yung alam mong may pera sana kaso di mo maipagamot ang tatay mo dahil di mo naman hawak
ang pera na yan kundi nasa ibang tao. Ang masakit, namatay ang Tatay ko dahil sa cancer na hindi ko man lang
sya naipagamot kahit alam kong kaya ko naman sana kaso wala kang magagawa dahil nga nabaon ka na sa
loan. Nabaon sa utang na hindi naman ikaw ang totoong nakinabang. Ngayon ang isa sa pinakakatakot ko,
matanda na po ang Nanay ko, madami na syang nararamdamang mga sakit. Sana wag naman ng maulit yung
gaya sa Tatay ko non. Sana, ibalik nalang ni Mrs. Violeta B. Saguiguit yung hiram nya sa akin para may agad
na bubunutin kami pag sakaling may emergency kami sa Nanay kong matanda na. Dahil sobrang napakasakit
po talaga sa isang anak, na wala ka man lang magawa para sa mga magulang mo. Yung di mo man lang sila
mapa Consuelo sa mga sakripisyo nila sayo. Yung di mo man lang mapatikman ng maayos ayos at masarap
man lang na pagkain ang mga magulang mo, samantalang yung nakahiram sayo, nakikita mong, gala dito, gala
doon, ang sarap ng buhay.

Ito po ang aking affidavit at lahat po ng nakasaad sa aking salaysay ay totoo at nangyari.

RHIA P. TOLENTINO

You might also like