You are on page 1of 8

Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan

(Ikatlong Baitang)

I. Layunin:
Pagkatapos ng itinakdang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala ang magagandang tanawin at pook pasyalan sa Surigao Del Sur;
b. Naipagmamalaki ang kagandahang dulot ng mga magagandang tanawin;
c. Masigasig na nakikisali sa talakayan.

II. Nilalaman:
Paksang Aralin : “Mga Magagandang Tanawin sa Surigao Del Sur”
Kagamitan : Mga Larawan at tsart
Sanggunian : Araling Panlipunan (Ikatlong Baitang)
Pagpapahalaga : Pagmamalaki sa mga magagandang tanawin.
Stratehiya : Pamamaraang Talakayan/ Cooperative Learning

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawaing ng Mag-aaral

A. Paimulang Gawain

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin.

(Lahat ay nanalangin)
2. Pagtsek ng Atendans
Magandang umaga mga bata?
Magandang Umaga po
titser!
Sino-sino ang lumiban sa umaga
na ito?
Wala po titser!
Magaling!

3. Balik-aral
Ano ang napag aralan natin noong Tungkol po sa mga
nakaraang tagpo mga bata? hanapbuhay na nag
bibigay serbisyo.
Mag bigay ng halimbawa ng
hanapbuhay na nagbibigay
serbisyo? Doctor titser!

Magaling! Ano pa? Pulis teacher at Guro!

Magaling!

4. Pagganyak
Sa umagang ito mga bata ay mayroon
Tayong pakikinggan na isang awitin.
Ang pamagat nito ay “Piliin mo ang
Pilipinas” Pamilyar ba kayo sa kantang
Ito mga bata? Opo titser!

(Pagpapatugtog ng Kanta)

Nagustuhan nyo ba ang awitin mga bata?


Opo titser!
Sa inyong palagay ano kaya ang ipinapahiwatig
Sa awitin mga bata?
Tungkol po sa
Kagandandan ng
Pilipinas titser!
Magaling!

5. Paglalahad
Sa umagang ito mga bata ang ating tatalakayin
Ay tungkol sa magagandang tanawin ng
Pilipinas sa lalawigan ng “Surigao Del Sur”

6. Pamantayan
Ngunit bago ang lahat ano ang gagawin ng
Isang mabuting bata pag nagtuturo ang inyong
Guro? Makinig ng mabuti
At magpaka bait po!
Magaling!

B. Pagtatalakay
Ngayon mga bata mayroon akong
Ipapakitang video sa inyo.
Obserbahan ng mabuti ang papanoorin
Ninyong video. Dahil magka tapos ay may
Mga katanungan si titser sa inyo . Maliwanag
Ba mga bata?
Opo titser!
(https://youtu.be/XIy-cuov-2Q)

Mga bata naranasan niyo na bang maglibot


Sa mga lugar na makikita sa Surigao Del Sur?
Opo titser!
Magaling! Saan naman kayo nagpunta? Sa Enchanted River po!

Saan pa? Cagwait po titser!


Magaling! Ngayon mga bata sisimulan
Na natin ang pagtatalakay sa mga
Magagandang tanawin na makikita natin
Sa Surigao del sur mga bata.

Uunahin natin ang Enchated River:


Ito ay makikita sa Hinatuan Surigao Del Sur,
Ang mahiwagang ilog sa Pilipinas dahil
Kakaiba ang kagandahan ng ilog na kulay
Asul.

Tinuy-an Falls na makikita natin sa Bislig


City, Surigao Del Sur.
Isa rin ito sa pinaka magandang talon sa
Ating pilipinas at pinakamalawak na talon.

Britania Group of Island na makikita sa


San Agustin Surigao Del Sur.
Ang pinakamahusay na pinananatiling lihim
na paraiso makakarating tayo dito sa isla
na ito sa pamamagitan ng pagsakay ng Bangka.

Cagwait White Beach na makikita natin sa


Cagwait, Surigao del Sur. Tinatawag rin itong
“The Little Boracay of Caraga” Dahil sa
Angking kagandahan ng karagatan at mga
Mapuputing buhangin nito na para mga pulbos.

Surfing Ground Beach makikita sa Lanuza Surigao


Del Sur. Maganda ang lugar na ito lalo na sa
Mga taong mahiling sa surfing dahil sa mga
Malalaking alon nito.

Laswitan Fall na makikita sa


Cortes Surigao Del Sur. Magandang lugar din
Itong pasyalan dahil ito ay may malaki at malakas
na alon mula sa karagatan ng pasipiko na bumagsak
sa mga bato.

Bogac Cold Spring na makikita sa Barobo,


Surigao Del Sur. Ang tubig dito ay napaka
Lamig at napaka malinaw din. Dinadagsa
Ito ng maraming mga tao lalo na sa panahon
Ng tag-init.

Alameda Farm na makikita rin sa San Agustin


Surigao Del Sur. Napaka ganda rin itong pasyalan
dahil marami kang makikitang magagandang
Tanawin dito. Masarap din mag relax sa lugar na ito dahil
Sa preskong hangin.

C. Pagwawakas ng Gawain
1. Paglalahat
Naintindihan niyo ba mga bata ang tinalakay natin
Sa umagang ito?
Oo titser
Anong mga tanawin sa Surigao Del Sur ang mga
nabanggit kanina?
(Iba’t iba ang mga sagot)
Magaling mga bata!
Saan nga ulit makikita ang enchanted river?
Sa Hinatuan surigao
del sur po!
Magaling! Ang tinuy-an falls naman?
Sa bislig city, surigao
Del sur titser!
Magaling! Ang britania at alameda farm
saan makikita? Sa san agustin
surigao del sur po.
Ang cagwait beach mga bata?
Sa cagwait surigao
Del sur po!
Magaling! Sino naman sa inyo ang
Makapag papaliwanag sa kagandahan
Ng cagwait beach? Maganda po dahil
ang mga buhangin
ay parang pulbos at
at napaka linaw ng
ng tubig titser!
Magaling!

2. Pagpapahalaga
Nakapunta naba kayo sa mga lugar na aking
nabanggit? Opo titser!

Ano ba ang inyong masasabi?

Ang masasabi ko
Po ay ako’y nagagalak
Dahil may mga ganito
Palang tanawin na
Malapit lang sa atin.
Ano pa ang naramdaman ninyo sa panahong
Pumasyal kayo sa mga lugar na ito?
Masaya ba kayo o malungkot? Masaya po titser?

Bakit masaya kayo? Kasi nakaka relax po


Ang mga iba’t ibang
pasyalan.
Paano naman kaya natin ito maipag
mamalaki ang mga magagandang
tanawin mga bata? Sa pamamagitan ng pag
pasyal titser.

Magaling! Ano pa? Sasabihin ko sa aking mga


Kapwa po kung gaano ka
Ganda ang mga lugar sa
Surigao del sur titser!
Magaling!
3. Paglalapat
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat mga bata. Ang unang grupo po ay sisigaw nang
“HepHep” kung ang larawan na aking ipapakita ay makikita sa lalawigan ng Surigao
Del sur. “Hooray” naman kung hindi.

Sa pangalawang grupo naman ay sisigaw ng “Deal” Kung ang larawan ay makikita

sa Surigao del sur at kung hindi naman ay sisigaw ng “No Deal”.

Sa pangatlong grupo ang inyong gagawin ay sasayaw kayo ng “Tala” kung ang
Larawan ay makikita sa Surigao del sur at kung hindi huwag kayong gagalaw.

Maliwanag ba mga bata? Ou titser!


Magaling!
(Isinasagawa ang Gawain)

(Unang Pangkat)

(Pangalawang Pangkat)
(Pangatlong Pangkat)

IV. Ebalwasyon

Panuto: Bilugan ang tamang sagot.

1. Saan makikita ang Enchanted river?


a. Butuan city c. Sanfrance
b. Hinatuan

2. Saan makikita ang Alameda Farm?


a. Barobo c. San agustin
b. Cebu city

3. Saan makikita ang Bogac Cold Spring?


a. Barobo c. Tagbina
b. Rosario

4. Saan makikita ang Tinuy-an Falls?


a. Bislig c. Lapinigan
b. Davao

5. Saan makikita ang Cagwait White Beach?


a. Barobo c. Cagwait
b. Carmen
V. Takdang Aralin
Pumili ng isa sa magagandang tanawin sa Surigao Del Sur at Iguhit sa
Boung papel.

You might also like