You are on page 1of 7

GORDON COLLEGE

Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City


Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO
IKATLONG KWARTER

Paaralan New Cabalan National High School Baitang 7


Gurong Nagsasanay Jan Carl Ortilano Asignatura Filipino
Gurong Tagapagsanay Fernando F. Bada Petsa Pebrero 14-15 2023
Oras 7:30-8:30AM 1:00-3:15PM
I. Pamantayang Pang-Antas
a. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon.
Pangnilalaman
b. Pamantayang Nakasusulat ng tugmang de gulong sa pamamagitan ng mga sumusunod na
Pagganap pamantayan: a) para sa nilalaman, dapat may malinaw na mensahe at may
orihinalidad, b) sa pagiging masining naman dapat malikhain ang presentasyon, may
hikayat sa madla, at ang angkop ang mga salitang ginamit.
c. Kasanayang F7PU-IIIa-c-13 Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de
Pampagkatuto gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan.
F7PS-IIIa-c-13 Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa
ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.
II. Paksang-aralin
Panitikan / Wika Tulang Panudyo at Tugmang de Gulong
Kagamitan Laptop, Projector, Powerpoint Presentation, Speaker, Printed Materials
Sanggunian Panitikang Rehiyonal Kagamitan ng Mag-aaral
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang
Gawain
1. Pagbati at Magandang umaga sa inyong lahat! Bago
Panalangin natin tatalakayin ang ating paksa sa araw
na ito ay mananalangin muna tayo. ______, (Pagdarasal)
maaari mo bang pangunahan ito?

2. Pagtala ng Liban sa Sino ang kalihim ng klase?


Klase Ang mga lumiban po sa araw na ito
Maaari mo bang itala kung sino ang mga ay sina __________ at
lumiban ngayon? ______________.

3. Pagsasaayos ng Pakipulot ang mga kalat at itapon ito sa (Pinulot ng mga mag-aaral ang mga
Silid-aralan basurahan. Pakiayos na rin ang inyong mga kalat at itinapon sa basurahan. Inayos
upuan bago kayo umupo. Maraming din ang mga upuan.)
salamat.
IV. Paglalahad
Pagbabalik – aral sa Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin. (Magtataas ng kamay ang mga mag-
Nagdaang Aralin Mangyaring magbalik aral muna tayo, ano aaral.)
ang ating naging talakayan kahapon? May
nakakaalala ba? Sir ito po ay patungkol sa Gitnang
Sige nga. Ano ang mayroon sa Gitnang Luzon.
Luzon?
Mayroon po silang ibat-ibang kultura
at tradisyon at naipapakita po ito sa
pamamagitan nga mga pagdiriwang,
pagkain, mga gusali at iba pa.
Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

Mahusay, ano nga ulit ang kabisera ng Baler sir.


Aurora? Balanga po.
Kabisera ng Bataan? Malolos sir.
Ng Bulacan? Iba po sir.
Sa Zambales?

Mahusay. Ngayon bago tayo dumako sa


ating susunod na aralin mayroon muna
tayong maikling gawain.
A. Pagganyak “Sound Trip, Road Trip”
Estratehiya: Panuto: Ipakikita at iparirinig ang awiting
“Jeepney Love Story” ni Yeng Constantino
na makukuha sa Youtube. Matapos
mapanood ang awitin, sasagutin ng mga
mag-aaral ang gabay na tanong.

Nasubaybayan niyo ba ang awitin?

Sige nga, kung inyo talagang


nasubaybayan, sagutin niyo ang mga
tanong na ito:

Mga Gabay na Tanong:


1. Sino sa inyo ang sumasakay sa
dyip? 1. Sir, ako po.
Sir, ako rin po.
2. Sa panig ng mga sumasakay,
madali ba ang pagsakay sa dyip? *Marami ang magtataas ng kamay*
Bakit?
2. Hindi po madali, Sir. Napaka-
hassle po lalo na po sa umaga
3. Sa inyong palagay gaano kahalaga kapag marami pong kasabay
ang dyip sa pang-araw-araw na sa pagpasok.
pamumuhay ng mga Pilipino?
3. Para po sa akin, napakahalaga
po ng dyip sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng mga
Pilipino sapagkat ito ang
pinakakaraniwang mode ng
transportasyon na ginagamit
natin.

1. Pagtalakay sa mga “Basa ko, Unawain mo.”


Aralin Panuto: Tatalakayin ng guro nang
Estratehiya: malinaw at mahusay ang Tulang Panudyo
at Tugmang De Gulong.

Sa pagkakataong ito, atin nang tuluyang

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

lakbayin ang panibagong aralin para sa


linggong ito. Ang ating aralin ay tinatawag
na “Tulang Panudyo” at “Tugmang De
Gulong”. Mula sa mga salitang tugma at
de-gulong, may ideya na ba kayo sa ating
aralin? Sige nga, magtaas ng kamay ang
nais sumagot.

_____, ano kaya ang ating aralin?


*Magtataas ng kamay ang mga mag-
aaral

Sir, sa tingin ko po ay parang mga


tula o tugmaan po na makikita po sa
dyip at iba pang uri po ng
Mahusay! Bigyan nga natin siya ng transportasyon.
palakpak.
Isa. Dalawa. Tatlo. Mahusay!

Pag-aralan natin! Maaari mo bang basahin


ang nasa PowerPoint slide, _______?

Okay po, Sir.

Tulang Panudyo
Kilala rin sa tawag na “tugmang
walang diwa”. Kung susuriin, ang
mga ito’y pawang laro lamang na
nagpapahayag ng katutubong
kaugalian, tradisyon, gawain, at
kagandahang-asal ng ating mga
Salamat, _____. Ipagpatuloy mo nga, ____ ninuno.
ang pagbasa.
Nailalarawan din sa mga ito ang
pang-araw-araw na pamumuhay ng
mga sinaunang Pilipino, gayundin ang
kanilang paniniwala at kaisipan.
Nagtataglay rin ang mga ito ng aral at
magagandang mensahe. Binuo ito ng
ating mga ninuno ayon sa layunin at
nilalaman at hindi ganoong
binigyang-pansin ang estruktura ng
pagkakabuo nito.

Opo, nakikinig po.


Maraming salamat. ____. Nakikinig pa po
ba?
Kung gayon, talakayin pa natin.
Samakatuwid ang Tulang Panudyo pala ay
tinatawag ding “tugmang walang diwa”. At Laro lamang po.
kung susuriin, ito’y pawang, ano nga
Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

lamang mga ito?

Tama. Ngunit sa kabila na kahit ito’y laro


lamang, nagpapahayag pa rin ito ng
katutubong kaugalian, tradisyon, gawain, at
kagandahang-asal ng ating mga ninuno.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng


Tulang Panudyo.

Bata Batuta
Isang Pera, isang muta.

Tutubi, tutubi
‘wag kang pahuhuli
Sa batang mapanghi

Mayroon bang nakakaalam sa inyo ng iba


pang halimbawa? Sir ako po.
Ako’y tutula
Mahabang mahaba
Ako’y uupo
Tapos na po.
Tama! Nauunawaan ba ang Tulang Opo. Nauunawaan po.
Panudyo?

May tanong ba sa ating tinatalakay? Wala po. Malinaw po ang lahat.

Kung gayon, dumako naman tayo sa


Tugmang De Gulong.

Ang Tugmang De Gulong ay maikling


tulang nakasulat sa mga pampublikong
sasakyan tulad ng dyip. Kawili-wili at
katawa-tawa ang nilalaman nito sapagkat
naglalarawan ito sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga drayber at ng mga
pasahero.

Ano ang mga halimbawa nito? Unang-


riyan ay ang “Barya lang po sa umaga.”

Sino pa ang nakaaalam ng iba pang


halimbawa?
Sir, ako po. “Kalimutan na ang lahat,
huwag lang ang iyong bayad.”
Magaling! Tama ‘yan. Marami pa tayong
halimbawa. Sino pa ang mayroong alam?
Ako po, Sir. “Basta drayber, sweet
lover.”
Mahusay! Tama rin ‘yan. Marami pa ‘yan.
Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

Mamaya, sa ating pagtataya, ay marami pa


tayong matututuhan.

Sa pagpapatuloy ng ating pagtalakay, alam


niyo ba na masasalamin sa tugmang de
gulong ang uri ng mga pasaherong
sumasakay lalo na sa mga dyip. Payak ang
mga salitang ginagamit dito. Ipinakikita rin
ng tulang ito ang pagpapahalaga ng drayber
sa kaniyang trabaho na sa kabila ng hirap
na kaniyang dinaranas ay positibo pa rin
ang kaniyang pananaw sa buhay.
Namayani ang mga tugmang de gulong
noong Dekada ’70 partikular sa Kalakhang
Maynila.

Samakatuwid, bagaman kawili-wili at


katawa-tawa ang tugmang de gulong, may
malalim din palang kahulugan ang mga ito.
May mensaheng nais iparating sa madla.
Nasusubaybayan po ba?

Opo, Sir. Marami po kaming


natututuhan sa araw na ito.
2. Pagyamanin / “Tara Byahe Tayo!”
Pagpapalalim Panuto: May nakahandang kataga at
Estratehiya: pangungusap sa pisara. Tatalakayin muna
ng guro ang aralin at magdidikit ng isang
kataga sa inihandang modelo ng dyip.
Pagkatapos, ang mga mag-aaral na ang
magdidikit sa lahat ng angkop na mga
kataga o tula at tugmang de gulong. Kapag
tama ang sagot, sasabihin ng guro ang
“Kasama ka sa Byahe, tara!” at kung
nagkamali naman ay kailangang tulungan
siya ng kaniyang kamag-aral upang
makasama rin siya sa byahe.

“Ang di magbayad mula sa


kaniyang pinanggalinggan ay
hindi makararating sa
paroroonan.”

“Honesty is the best policy”

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

3. Pagtataya “Likha, Tula-Tugma!”


Estratehiya Panuto: Ang bawat mag-aaral ay lilikha ng
kanilang sariling Tulang Panudyo at
Tugmang de Gulong.

PAMANTAYAN:

Malinaw na 10
Mensahe
Orihinalidad 10
Kabuoan 20

4. Takdang-aralin / Kasunduan / Gawaing Bahay


Alamin at basahin ang Kahulugan ng Ponemang Suprasegmental at mga uri nito.

Ipinasa ni: Nasuri ni:

JAN CARL ORTILANO FERNANDO F. BADA


Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

Iminungkahing Pagtibayin ni: Pinagtibay nina:

FE U. CONCIO SANDY T. CABARLE. Ed.D.


Ulong Guro III Filipino Punong Guro III

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve

You might also like