You are on page 1of 7

GORDON COLLEGE

Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City


Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO
IKATLONG KWARTER

Paaralan New Cabalan National High School Baitang 7


Gurong Nagsasanay Jan Carl Ortilano Asignatura Filipino
Gurong Tagapagsanay Fernando F. Bada Petsa Pebrero 15-16 2023
Oras 7:30-8:30AM 1:00-3:15PM

I. Pamantayang Pang-Antas
a. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon.
Pangnilalaman
b. Pamantayang Nakasusulat ng tugmang de gulong sa pamamagitan ng mga sumusunod na
Pagganap pamantayan: a) para sa nilalaman, dapat may malinaw na mensahe at may
orihinalidad, b) sa pagiging masining naman dapat malikhain ang presentasyon, may
hikayat sa madla, at ang angkop ang mga salitang ginamit.
c. Kasanayang F7PN-IIIa-c-13
Pampagkatuto Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono,
diin, antala)
F7PS-IIIa-c-13 Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa
ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.
II. Paksang-aralin
Panitikan / Wika Ponemang Suprasegmental
Kagamitan Laptop, Projector, Powerpoint Presentation, Printed Materials
Sanggunian Panitikang Rehiyonal Kagamitan ng Mag-aaral
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang
Gawain
1. Pagbati at Magandang umaga sa inyong lahat! Bago
Panalangin natin tatalakayin ang ating paksa sa araw na
ito ay mananalangin muna tayo. ______, (Pagdarasal)
maaari mo bang pangunahan ito?

2. Pagtala ng Liban sa Sino ang kalihim ng klase?


Klase Ang mga lumiban po sa araw na ito
Maaari mo bang itala kung sino ang mga ay sina __________ at
lumiban ngayon? ______________.

3. Pagsasaayos ng Pakipulot ang mga kalat at itapon ito sa (Pinulot ng mga mag-aaral ang mga
Silid-aralan basurahan. Pakiayos na rin ang inyong mga kalat at itinapon sa basurahan. Inayos
upuan bago kayo umupo. Maraming din ang mga upuan.)
salamat.
IV. Paglalahad
Pagbabalik – aral sa Bago tayo tumungo sa ating
Nagdaang Aralin
susunod na aralin. Mangyaring magbalik-
aral muna tayo, ano ang ating tinalakay
kahapon? Ito ay tungkol saan?
Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

“Sir, ito po ay tungkol sa Tulang


Panudyo at Tugmang de gulong.”

Mahusay! Ibigay nga sa akin o sabihin sa


akin kung ano ang dalawang ito.
“Sir, ang Tulang Panudyo po ay
tulang mga pabiro o pang-asar o sa
madaling salita mga laro-laro lamang
po samantalang ang Tugmang de
Gulong ay mga tula o mga salitang
makikita sa loob ng mga
pampasaherong sasakyan, halimbawa
po nito ay ang “basta driver, sweet
lover”.”

Tama! Buti naman at kahit paano ay


naaalala at tumatak sa inyo an gating
tinalakay kahapon. Ngayon mayroon
lamang tayong maikling gawain.
A. Pagganyak “oKEY, NOTEd!”
Estratehiya: Panuto: Ang mga mag-aaral ay mahahati
sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay
nararapat na mabigkas ang parirala na
kanilang makukuha sa kahon. Ang bawat
pantig ay kinakailangang mabigkas nang (Ang mga mag-aaral ay nagpunta na
pataas ayon sa bilang nito. sa kani-kaniyang pangkat at
nagsimula nang mamili ng kani-
Ang grupong magtatagumpay ay kaniyang representatib.)
makatatanggap ng isang gantimpala.

Halimbawa:

ANG aking guro


ang Aking guro
ang aKING guro
ang aking GUro
ang aking guRO

Unang pangkat:
Mataas na puno

Ikalawang pangkat:
Mabangong bulaklak

Ikatlong Pangkat:
Magandang dalaga
Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

B. Pagtalakay sa mga “2 PICS, 1 WORD.”


Aralin Panuto: Huhulaan ng mga mag-aaral kung
Estratehiya: anong uri ng Ponemang Suprasegmental
ang mabubuo sa pagsasama ng dalawang
litrato. Matapos mahulaan ng mga mag-
aaral ang mga litrato ay ipaliliwanag na ng
guro ang mga uri ng ponemang
suprasegmental.

Ang mga mag-aaral na makasasagot ay


makatatanggap ng karagdagang puntos.

MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Handa na ba kayong malaman at mapag-


aralan kung ano nga ba ang Ponemang
Suprasegmental maging ang mga uri nito?

Ang ponemang suprasegmental ay “Opo, Sir”


ginagamit upang malinaw na maipahayag
ng mga tao ang kanilang damdamin,
saloobin o mga kaisipan.

Bago natin talakayin ang mga uri nito,


kinakailangan niyo munang mahulaan ang (Matamang nakikinig sa
nasa larawan. pagpapaliwang ng guro sa harapan)

Handa na ba kayo?

Para sa unang litrato, sinong nais sumagot?


“Handa na po!”
1.

(Ang mga mag-aaral ay makikihula sa


mga litratong pinapakita ng guro sa
harapan.)

Mahusay!
“Sir, intonasyon po.”
1. Intonasyon o Tono

Ang intonasyon o tono ay tumutukoy sa


pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng
pantig ng isang salita, parirala o
pangungusap. Ang pagsasalita ay tulad din
Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

ng musika na may tono o intonasyon – may


bahaging mababa, katamtaman, mataas o (Babasahin ng natawag na mag-aaral
mataas na mataas. ang kahulugan ng intonasyon.)

a.) 3 b.) 3
2 pon 2 ha
ka 1 ka 1
ha pon

Sa kahapon (a) ang nagsasalita ay


nagdududa o nagtatanong, samantalang sa
kahapon (b) ito ay nagsasalaysay. Ito ay
dahil sa tono.

Iba pang mga halimbawa:

 Ang ganda ng dalaga? (Ang mga mag-aaral ay matamang


(Nagtatanong/nagdududa) nakikinig.)
 Ang ganda ng dalaga. (Naglalarawan)
 Ang ganda ng dalaga! (Nagpapahayag
ng kasiyahan)

“Ano naman ang ikalawang uri?”

2.

“Mahusay!”

2. Diin o Haba
“Sir, diin po.”
Ito ay tumutukoy sa bigat ng pagbigkas ng
pantig na maaaring makapag-iba sa
kahulugan ng mga salita maging ang ito
man ay magkapareho ng baybay.

Halimbawa:

galing = mahusay
ga.ling = nagmula sa
(Matamang nakikinig)
tubo = sugarcane
tu.bo = pipe

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

3.

“Magaling!”

3. Hinto o Antala

Ang hinto o antala naman ay ang saglit na “Sir, hinto po”


pagtigil sa pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng
ipinahahayag.

Sa pagsusulat ginagamit ang kuwit, tuldok,


semi kolon, at sesura sa pagsulat upang
maipakita ito. (Binabasa ang kahulugan ng hinto o
antala.)
Halimbawa:

 Hindi maganda. (Sinasabing hindi


maganda ang isang bagay)
 Hindi, maganda.(Pinasubalian ang
isang bagay at sinasabing maganda ito.)

“Malinaw ba sa inyo ang ating naging


aralin ngayong araw?”

“Opo, Sir.”
C. Pagyamanin / Sa paggamit ng mga uri ng Ponemang
Pagpapalalim Suprasegmental nagkakaroon ng kalinawan
Estratehiya: at kaayusan ang bawat kaisipan na nais
natin maipahayag.

Bilang katatapos lamang natin itong pag-


aralan, sa palagay ninyo ano ang maaaring (Magtataas ng kamay ang mga mag-
mangyari kung walang Ponemang aaral upang sumagot.)
Suprasegmental? Magkakaroon ba ng
kalituhan ang pagpapahayag natin ng ating
mga kaisipan at damdamin?
Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

D. Pagtataya “Tara! Hambingan Tayo!”


Estratehiya Panuto: Paghambingin ang mga salitang
heterograpo na pareho ng baybay ngunit
magkaiba ng bigkas. Tukuyin kung ano ang (Matapos ipaliwanag ng guro ang
pantig na pataas at pababa. gagawin ay nagsimula nang magsagot
ang mga mag-aaral sa kanilang mga
Halimbawa: kwaderno.)
 bukas – tinutukoy ang kasunod na
araw. (tomorrow)

bu – mataas
kas – mababa

 bukas – tinutukoy ang isang bagay na


hindi nakasara. (open)

bu – mababa
kas – mataas

1.Baon – pera na dinadala ng mga mag-


aaral sa paaralan. (pocket money)

Baon – binabaon sa lupa (buried)

2. Sawa – tawag sa uri ng ahas (python)

Sawa – salitang ugat ng nagsasawa (had


enough)

3. Hamon – tumutukoy sa laban (challenge)

Hamon – tawag sa pagkain (ham)

4. Baka – pangalan ng hayop (cow)

Baka – hindi sigurado (baka)

5. Saya – pinaikling masaya (joy)

Saya – tawag sa pang-ibabang kasuutan ng


mga kababaihan (skirt)

V. Takdang-aralin / Kasunduan / Gawaing Bahay

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

Ipinasa ni: Nasuri ni:

JAN CARL ORTILANO FERNANDO F. BADA


Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

Iminungkahing Pagtibayin ni: Pinagtibay ni:

FE U. CONCIO SANDY T. CABARLE. Ed.D.


Ulong Guro III Filipino Punong Guro IV

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve

You might also like