You are on page 1of 18

Saint Joseph Institute of Technology

Montilla Boulevard, Butuan City


Agusan del Norte 8600
College of Education

Detalyadong Banghay Aralin sa


Araling Panlipunan 5

Presented to the Faculty of


Basic Education Department and
College of Education.

Prepared by:

Jay B. Moloboco
Student – Teacher

Submitted to:

Ms. Alliah Marie R. Bucong


Cooperating Teacher

DR. ELIZABETH L. BAGUIO


Dean, Supervising Teacher

10:10-11:00 Am
March 13, 2024
DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO VI
FOR K TO 12 CURRICULUM
School: Saint Joseph Institute of Technology Annex Campus Grade Level: 5
Teacher: Jay B. Moloboco Learning Area: Aralpan
Date: March 13, 2024 Time: 10:10- 11:00 Am
OBJECTIVES
A. Content Nasusuri ang okupasyon ng Ingles sa Maynila.
Standards

B. Performance Naipapakita ang pangyayari sa okupasyon ng Ingles sa maynila sa


Standards pamamagitan ng quiz ball
C. Learning
Competencies/ Pagkatapos ng 50 minuto ang mag-aaral ay inaasahang:
Objectives
a. natutukoy ang pagbabago sa okupasyon ng mga Ingles sa maynila
b. nabibigyang halaga ang pagkatuto sa okupasyon ng mga Ingles sa
maynila; at
c. naipapakita ang pangyayari sa okupasyon ng mga Ingles sa Maynila
sa pamamagitan ng quiz ball .

D. LC Code
E. Values Napapahalagahan ang pagkatuto sa okupasyon ng Ingles sa Maynila.
I. CONTENT Okupasyon ng Ingles sa Maynila
II. Learning
Resources
A. Sanggunian Araling Panlipunan 5 -QUIPPER
Internet https://slideplayer.com/slide/17218489/

B. Other Learning
Resources
C. Kagamitan • Laptop
• Microsoft PowerPoint
• Cartolina

III. PROCEDURES Gawaing-Guro Gawaing-Mag-aaral


A. Panimulang
gawain

Pananalangin
Bago tayo mag simula,
inaanyahan ko ang lahat para
manalangin.

Panginoon naming Diyos,


patnubayan mo po kami sa araw na
ito. Tulungamn mo po kami sa mga
pasya na aming ginagawa.
Pagpalain mo ang aming buro na
saamin ay matioyagang nagtuturo.
Pagpalain mo rin ang magulang
namin sa patuloy na sa amin. Lahat
ng ito ay aming sinasamo sa ngalan
ngb amking Panginoong Hesus.

Amen.

Magandang umaga mga bata!


Pagbati Magandang umaga din po sir.

Kamusta naman ang araw niyo?


Mabuti po, sir.

Magaling! Ako’y nagagalak


sapagkat kaayo ay mabuti

Handa na ba kayo para sa ating


aralin ngayong araw?

Opo, handang handa na.


Magaling. Yan ang gusto ko!

May lumiban ba sa araw na ito?


Atendans
Wala po sir.
Mabuti naman kung ganon.

Sa klase natin, meron akong


pamantayan na dapat ninyong
Pamantayan sundin.Pakibasa nga.

1. Makinig ng maayos.
2. Itaas ang kanang kamay pag
may katanungan.
3. Umupo ng maayos.
4. lumahok sa mga gawain.
Nakuha ba mga bata?
Opo sir.

Mabuti naman kung ganon.

Bago natin simulan ang ating


bagong talakayan, may
Balik-Aral makakapagsabi ba saakin kung
ano ang ating pinag-aralan
noong nakaraan?

Titser, ang atin pong pinag-aralan


nong nakaraan ay tungkol sa pag-
aalsa ng kapatiran ng san jose

Tama. Ano ang iyong natutunan


sa ating nakaraan na tinalakay?
Sir, ang natutunan ko po ay
maraming mga Filipino ang
lumaban sa pag-aabuso ng mga
espanol .
Tama. Ano naman ang naging
ambag ni san jose sa panahon
ng espanyol?.
Sir, siya po ang nag-udyok sa mga
pilipino na lumaban sa mga
espanyol.

Magaling. Ano pa?


Sir, siya rin ang nagtatag kapatiran
ng san jose na kung saan ang
pangunahing layunin nito ay
kalabanin ang mga espanol.

Mahuhusay mga bata.

Pagbasa sa bago tayo magsimula sa


Layunin panibagong aralin, narito ang
mga layunin sa araw na ito.
Maaari niyo bang basahin ang
mga layunin ng sabay-sabay.
Pagkatapos ng 50 minuto ang
mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang pagbabago


sa okupasyon ng mga Ingles
sa maynila
b. Nabibigyang halaga ang
pagkatuto sa okupasyon ng
mga Ingles sa maynila; at
c. Naipapakita ang pangyayari
sa okupasyon ng mga Ingles
sa Maynila sa pamamagitan
ng quiz ball.

Mahusay! Ito ang mga layunin na


inaasahan kong matamo ninyo
pagkatapos ng ating aralin
ngayong umaga.

D. Aktibidad
Bago tayo dumako sa ating
aralin, tayo muna ay maglalaro
Papangkatin ko kayo ng
dalawang pangkat ang lalaruin
natin ay picture puzzle. Ang
gagawin niyo lamang ay Buoin
ang larawan at pagkatapos
ilagay ito sa pisara. Ang unang
makabuo ng larawan ay siyang
tatanghaling panalo at
makakatanggap ng premyo mula
sa akin. bibigyan ko lamang kayo
ng tatlong minuto para taposin
ang gawain.
Opo sir.
Nakuha ba mga bata?

Mabuti. Tayo’y magsimula!


Ang unang pangkat ang nanalo.
Bigyan ng tatlong bagsak.

(Clap! Clap! Clap!)


Ngayon titingnan natin ang
larawan na nabuo sa unang
pangkat.
Sa tingin ninyo, ano ang larawan
na ito?

Sir, ito po ay flag


Tama. Anong bansa ito?.

Sir, United kingdom

Ano ang tawag sa mga taong


naninirahan sa United kingdom?

Sir, mga Britanya po

Magaling! Sa pangkat dalawa


naman.

Ano naman ang larawan na ito?

Sir, Luneta Park .

Mahusay! Saan naman natin


makikita ang Luneta Park?
Sir, sa Maynila po

Magaling! Sino naman ang


rebolto na inyong makikita sa
Luneta Park?
Si Dr. Jose Rizal Sir

Magaling! Naka punta naba kayo


sa Maynila?
Opo, sir napakaganda po doon

Magagaling mga bata. Ang lahat


ng sagot ninyo ay tama.

E. Pagaanalisa
Basi Sa inyong aktibidad, ano-
ano ang napapansin ninyo?
Mga lugar po sir.

Anong bansa ang ipinapakita sa


dalawang larawan?
United kingdom at Maynila sir

Mahuhusay mga bata.


Anong kontinenti nabibilang .
ang United Kingdom?

Sa Europe sir.

Magaling! Anong kontinenti


naman nabibilang ang Maynila?

Asian ,sir

Anong lingguahe ang ginagamit


ng mga taga United Kingdom?
Ingles ang kanilang ginagamit sir

Magaling! Ano naman ang ating


ginagamit na wika?

Filipino sir

F. Abstraksiyon
Basi sa aktibidad na ating
ginawa, mayroon ba kayong
ideya sa ating tatalakayin
ngayong araw?
Sir, tungkol sa pananakop ng
Britanya sa Maynila?

Tama. Ang tatalakayin natin


ngayon araw ay tungkol sa
okupasyon ng Britanya o Ingles
sa Maynila
Pagsinabi nating okupasyon,
ano kaya ito? Sige nga.
Sir, ang okupasyon ito ay pagtira
sa isang lugar.
Tama. Ang okupasyon ito ay ang
pagtira o pagsakop ng isang
lugar ng mga mananakop
Ngayon ay ating aalamin kung
bakit sinakop ng mga Britanya
ang Maynila.

Bago ang lahat may isa akong


katanungan sa inyo.

Bakit kaya sinakop ng mga


Britanya ang Maynila?

Sir, para mamuno at mapasakamay


nila ang Maynila

Mahusay! Sino pa?

Sir, para tayo ay maging bahagi ng


kanilang imperyo at maging sunod
sunoran.
Magaling! Maari niyo bang
basahin klas.

Ang pananakop ng mga Ingles sa


Maynila sa pagitan 1762 at 1764 ay
isang bahagi ng kasaysayan ng
Pilipinas kung saan sinakop nang
Kaharian ng Gran Britanya ang
kabisera ng kolonyang Kastila, ang
Maynila at ang kalapit nitong
pangunahing daungan sa Cavite.
Maraming salamat. Sinalakay ng
Britanya ang Maynila at
namalagi ito sa ilalim mg
pamumuno ng britanya ng
dalawang taon, hanggang 1764
Noong ika-24 ng Setyembre
1762, labindalawang plotang
Ingles ang sumalakay sa Look
ng Maynila sa pamumuno nina
Brigador-Heneral Wiliam Draper
at Rear-Admiral Samuel
Cornish..
Sino-sino ang ng Britanya sa
pagsalakay ng Maynila?
Brigador-Heneral Wiliam Draper at
Rear-Admiral Samuel Cornish sir.
Magaling! Noong Oktubre 5,
1762, isang gabi bago
bumagsak ang Maynila sa
kamay ng mga Ingles,
pinagsumikapang lumaban ng
mga Espanyol subalit sa tindi ng
digmaan at pagiging handa ng
mga Ingles, tuluyan nilang
nakubkob ang Kamaynilaan at
ang mga teritoryong militar ng
mga Espanyol.
Bakit nga ba natalo ang mga
Espanyol sa pakikipag digma sa
mga Britanya?

Dahil mas malakas ang pwersa ng


mga Britanya kaysa sa mga
Espanyol
Magaling! Dahil malakas ang
pwersa ng mga Britanya at ang
pagiging handa ng mga ito sa
pakikipag digmaan kaya natalo
ang mga Espanyol.

Noong tuluyang nasakop ng mga


Ingles ang Maynila, pinasok at
hinalughog lahat ng mga
establisimiyento, mga opisina ng
gobyerno, at maging mga
simbahan.

Ano ang ibig sabihin ng


pangungusap na ito klas?
Sir, nang nasa kamay na ng Ingles
ang Maynila ay kanila ito nilusob
ang mga establisimento, opisina ng
gobyerno at simbahan para
wasakin at makuha ang mga
mahahalagang bagay na gusto nila
Magaling! Nilusob ng mga
britanya ang mga establisimento
ng Maynila para kunin ang lahat
ng mahahalagang gamit, bagay
man o mga dokumento ay
kanilang kinukuha, maging ang
palasyo ng gobernador heneral
ay kanilang nilooban.

Maliban sa panloloob at
pagsamsam ng mahahalagang
bagay ay nagkaroon pa ng iba
pang krimen at kaguluhan sa
buong Maynila. Tulad ng
panggagahasa, pagpatay, at
pangugulo mula sa mga Ingles.

Sa iyong palagay ano kaya ang


ang dinanas ng mga filipino sa
kamay ng mga Britanya?

Sir, napaka pait ang dinanas ng


mga mamamayang filipino sa
kamay ng mga Britanya dahil wala
tayong lakas at karapatan para
lumaban.
Magaling! Dahil sa panahon
noon wala pa tayong
kapangyarihan at karapatan
para ipaglaban ang ating sarili at
tayo ay ginawang alipin at
sunod-sunoran sa mga
mananakop noon kaya
magagawa nila kung ano ang
nais nila

Upang matigil ang kaguluhan,


ang mga Ingles ay humingi ng
halagang apat na milyong dolyar
mula sa mga Espanyol na
sinang-ayunan ni Arsobispo
Rojo upang mapigilan ang
malaking pinsalang dulot ng mga
Ingles.
Sino nga ulit ang espanyol na
sumangayon sa kondisyon ng
mga Britanya?

Arsobispo Rojo, sir


Magaling! Sa palagay ninyo na
tigil ba ang kaguluhan ng mga
Britanya?
Siguro po sir,
Oo, natigil ang kaguluhan ng
mga Britanya sa maynila
datapwat ay natanggap ng mga
filipino ang mga Ingles dahil sa
maayos na pakikipagkalakalan
ng mga Ingles sa mga filipino
dahil pumirma sila ng kasunduan
tungkol sa kalakalan.

Pag sinabi nating kalakalan klas,


ano ang unang pumapasok sa
inyong isipan?

Sir, tungkol po ito sa pagpapalitan


ng mga produkto.
Magaling! Pagsinabi nating
kalakalan ito ay ang
pagpapalitan ng mga produkto o
serbisyo depende sa
pangagailangan ng bawat isa.

Noong Nobyembre 2, 1762, si


Dawsonne Drake ay itinalaga
bilang isang British Governor-
General ng Maynila. pagkatapos
nito, si Drake ay nagtatag ng
Chottry Court na may ganap na
kapangyarihang ipabilanggo ang
sinumang nais niyang
ipabilanggo.

Sino ang itinalaga bilang isang


British Governor ng Maynila?
Dawsonne Drake sir.
Magaling! Ano naman ang
kanyang itinatag na batas?
Chottry Court na kung saan na may
kapangyarihang ipabilanggo ang
sinumang gustong naiisin.
Magaling! Sa pagtatapos ng
okupasyon ng mga Britanya sa
Maynila noong Mayo, 31, 1764
pagkatapos ma pirmahan ang
ang kasunduan sa paris sa
pagitan ng Espanya at Britanya
Noong 1763. Kinilala ng mga
Ingles Simon de Anda Bilang
Gobernor-Heneral ng Pilipinas

Sino nga ulit ang kinilalang


Gobernador-Heneral ng
pilipinas?
Simon de Anda sir

Pagpapahalaga Ano ang tinalakay nating


/paglalahat ngayong umaga?
Sir, ang tinalakay natin ngayong
umaga ay tungkol sa okupasyon
ng Ingles sa Maynila
Anong bansa ang sumalakay sa
Maynila?

Mga Ingles o Britanya sir


Magaling! Sino-sino naman ang
kinalaban ng mga Britanya para
masakop nila ang Maynila?
Mga Espanyol sir

Magaling! Sino ang dalawang


Heneral sa Britanya?
Heneral William Draper at si
Heneral Rear-Admiral Samuel
Cornish
Magaling! Klas, ganoo kahalaga
na matutunan ang okupasyon ng
Ingles sa Maynila?
Mahalaga po para malaman natin
kung ano ang mga pangyayari na
naganap noon sa mga filipino sa
kamay ng mga mananakop.
Mahusay! Sino pa?
Mahalaga po ito matutunan upang
malaman natin kung ano ang mga
pangyayaring pinagdaanan ng mga
filipino sa kamay ng mga Ingles at
Espanyol
Tama. Ito ay mahalaga na
matutunan para malaman natin
kung ako ang mga karanasan o
pinagdaanan ng mga filipino sa
kamay ng mga mananakop
G. APLIKASYON
Ngayon, klas ay hahatiin ko kayo
sa tatlong grupo at tayo ay
magkakaroon ng quiz ball.
Bibigyan ko kayo ng Illustration
board at doon niyo ilagagay ang
inyong sagot. Isulat lamang ang
letra ng tamang sagot. Kung sino
ang mananalo may premyo na
matatanggap.

Naiintindihan ba ako mga bata?


Opo, sir..

Magaling! Handa na ba ang lahat


sa unang katangungan?

Opo sir.
1.Sino ang namuno sa mga
sundalong Ingles ng salakayin
nila ang Maynila?
a. Dawnsonne Drake
b. Arsobispo Rojo C
c. William Draper

2. Ano ang tawag ni Dawnsonne


Drake sa konsehong kanyang
itinatag?
a. Chottry Court
b. Chattry Court
c. Chatry Court A

3.Kailan sinalakay ng Britanya


ang pilipinas para maging bahagi
ng kanilang imperyo?

a. Oktobre, 5, 1762
b. Sepyembre 24, 1762
c. Mayo, 31, 1764 B
4.Sino ang Kinilala ng mga
Ingles bilang isang Gobernador
Heneral ng pilipinas?
a. Rear-Admiral Samuel
Cornish
b. Dawnsonne Drake C
c. Simon De Anda
5. Bakit natalo ng Britanya ang
Espanyol?
a. Dahil mahihina sila
b. Dahil malakas ang
pwersa ng Britanya
B
c.Dahil kaunti ang
Espanyol
6. Bakit na gustuhan ng mga
pilipino ang mga Britanya sa
huli?
a. Dahil marunong sila
makisama sa pangangalak
b. Dahil inapi sila nito
A
c. Dahil yun ang nararapat

7. Isa itong krimen na ginawa ng


mga Britanya sa pilipinas?

a. Pagnanakaw
b. Paghoholdap
c. Pagpatay C

8. Sino ang sumangayon sa


kondisyon ng Britanya para
matigil na ang kaguluhan?
a. Arsobispo Rojo
b. Simon De Anda
A
c. Dawnsonne Drake
9. Kailan nag tapos ang
paggugulo ng mga Britanya sa
Maynila?
a. March, 31, 1764
b. Mayo, 31, 1764
c. Mayo, 31, 1762
B

10. Ano ang ang Tinalakay Natin


ngayong Umaga?
a. Okupasyon ng Espanyol
sa Maynila
b. Okupasyon ng Ingles
sa Maynila B

c. Okupasyon ng Hapon sa
Maynila

Pagtataya
Ngayon, may ibibigay akong
pagsusulit. Kumuha ng buong
papel at sagotin ang tatlong
katanungan?

Nakuha ba ninyo mga bata?

1. Paano na tigil ang kaguluhan


dulot ng pananakop ng Ingles sa
Maynila?

2. Bakit kaya sinakop ng mga


Ingles ang Maynila na kung
tutuosin malayo ang Britanya sa
Maynila?

3. Bilang isang mag-aaral may


mabuti bang na idulot ang
pananakop ng Britanya sa
Pilipinas? Bakit?

Takdang - Aralin
Para sa inyong takdang aralin,
sagotan ang tanong na

Bakit kailangan pag-aralan ang


ating kasaysayang pilipino?

Dito na nagtatapos ang ating


talakayan ngayong umuga,
paalam na mga bata.

Paalam na po sir Jay.

IV. REMARKS

Prepared by:

Jay B. Moloboco
Student Teacher

Observed by:

Ms. Alliah Marie R. Bucong


Cooperating Teacher
DR. ELIZABETH L. BAGUIO
Dean, Supervising Teacher

You might also like