You are on page 1of 9

St.

Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited Contact No. (043) 723-3616

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino VI


ni Bb. Kaye Arrel R. Lacsina

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng 50 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasaan ang layunin para sa akdang pampanitikan
2. Nababalangkas ang binasang sanaysay.
3. Nabibigyang-halaga ang magagandang pook sa Pilipinas. paano mo ito masusukat?
4. Nakasusulat ng isang sulating pormal.

II. Paksang Aralin


A. Kwento: Sa Paglalakbay...
B. Kasanayan: Pagbabalangkas ng Sanaysay
C. Sanggunian:
Aklat: Wow Filipino Integratibong Aklat sa Wika at Pagbasa
F6PB-IVb-10 Nasasabi ang paksa ng binasang sanaysay
D. Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagtatala ng mga lumiban

4. Pamukaw Sigla

Bago tayo magsimula sa ating klase, tayo muna ay


aawit.
Kamusta
Kamusta, kamusta, kamusta
Kamusta kayong lahat
Ako'y tuwang tuwa Masaya't, nagagalak
Tra-la-la-la-la-la-la-la-la-la Change this song. This is
for Grade1
Tra-la-la-la-la-la-la-la-la-la
Tra-la-la-la-la-la-la-la-la-la
Tra-la-la-la-la-la-la-la-la
B. Panlinang na Gawain
1. Bago Bumasa
1. Pangganyak
Ngayong araw ay mayroon akong inimibitahang bisita
upang tayo ay samahan sa activity na ating gagawin
bago tayo mag umpisa sa ating aralin.

Sino ang inyong nakikita sa larawan?


Si Doraemon po pati ang kaniyang mga
kaibigan.
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited Contact No. (043) 723-3616

Mahusay!

Maaaring kayo ay nagtataka kung bakit nga ba


nandito si Doraemon kasama ang kaniyang mga
kaibigan, yun ay dahil mayroon tayong hihiramin sa
isa sa mga kagamitan ni Doraemon. At yun ay ang
time machine.

Pamilyar o nakakita na ba kayo ng time machine?


Opo.
Ano ang ginagawa ng isang time machine?

Mahusay! Dinadala po tayo sa nakaraan o sa hinaharap.

Para sa ating activity sa araw na ito, ay sasama tayo


kay Doraemon at sasakay tayo sa kaniyang time
machine upang tayo ay makabalik sa nakaraan.

Time Travel:
https://www.youtube.com/watch?
v=10NyC9wrs1Ihttps://www.youtube.com/watch?
v=10NyC9wrs1I

Ngayon na tayo ay nasa nakaraan na. Kung


mabibigyan ukayo ng pagkakataon na mabalikan yung
isang lugar na gusting-gusto niyong mabalikan o
mapuntahan ulit. Saang lugar ang iyong napiling
balikan at bakit?

Mahusay! Anu-ano ang mga activity na inyong Naligo po sa dagat at sumakay po sa banana
ginawa noong kayo ay nagpunta sa Laiya? boat.

Ikaw _______, anong lugar ang iyong napiling Manila Zoo po, dahil gusto ko po ulit makita
balikan at bakit? ang iba’t ibang uri ng hayop.
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited Contact No. (043) 723-3616

Magaling! Ilan lamang ang inyong mga nabanggit sa


magagandang lugar o tanawin na mayroon ang
Pilipinas.

Ngayon naman ay oras na para tayo ay bumalik sa


kasalukuyan. Sasakay na ulit tayo sa Time Machine ni
Doraemon.

Time Travel: https://www.youtube.com/watch?


v=10NyC9wrs1Ihttps://www.youtube.com/watch?
v=10NyC9wrs1I

Oras na para magpaalam si Doraemon at ang kaniyang


mga kaibigan.

Paalam Doraemon!

2. Paglalahad Paalam Doraemon!


Matapos kayong makapagbigay ng ilang mga lugar na
gusto ninyong mabalikan, dito natin masasabi na

tunay ngang “ Its more fun in the Philippines!” At


ngayon mayroon tayong babasahing isang sanaysay na
nagbibigay ng mahahalagang payo o tagubilin bago
tayo magtungo sa isang lugar.
1. Pag-aalis ng balakid
Panuto: Pumili ng sagot mula sa kahon batay sa kung
ano ang kahulugan ng mga salitang naka salungguhit.
 Talata 1: “Masasabing ang mga ito ay sampu-

A. Karaniwan
B. Ang mga taong gumagawa ng aksyon ang
palaging nagtatagumpay.
C. Kamangha-mangha
D. Mas nagtatagumpay ang may mga taong
marunong magpakumbaba.
E. Gawing inspirasyon ang lahat ng napagdaanan.
F. Bigyang pansin ang lahat ng bagay sa mundo,
hindi lamang ang kung ano ang natatanaw ng
iyong dalawang mata.

isang pera sa telebisyon, Internet at iba pang


social media, hindi ba?”
 Talata 1: “...hindi pahuhuli ang ating bansa
kung pag-uusapan ang mga makapigil-
hiningang tanawin sa kabuuang archipelago.”
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited Contact No. (043) 723-3616

 Talata 10: “Daig ng maingat ang masipag.” 1. A.


 Talata 10: “Lalong talo ng maingat ang
matapang at mayabang!.” 2. C.
 Talata 12: “Nakatutuwang isipin kapag ang
isang tao’y hindi lamang nawili kundi 3. B.
yumaman para sa kaniyang karanasan.”
 Talata 13: “Makabubting palawakin ang 4. D.

ating tinitingnan... hindi lamang ang sarilin


kapaligiran. 5. E.

2. Pamukaw na tanong 6. F.

Bago tayo dumako sa ating babasahin ay mayroon


akong iiwanang katanungan sa inyo at pagkatapos Tingnan ang kalakip na Pangkatang

nating magbasa ay sasagutin ninyo ito nang may Gawain. ( Atttachment 1)

pang-unawa. Ang tanong na ito ay, “Ano ang


ipinahihiwatig ng may-akda tungkol sa Pilipinas?”
Have better Pamukaw tanong
Buksan ang inyong aklat sa pahina 118.
Pangungunahan ko ang pagbabasa at para kayo ay
makasunod gawing gabay ang inyong mga aklat

2. Habang bumabasa Tingnan ang kalakip na kuwento sa likod. (


. Pagbasa ng guro ng sanaysay. Atttachment 2)

3. Pagkatapos bumasa

A. Pagsagot sa pamukaw na tanong


Mga bata ano nga muli ang tanong na ating dapat na Ano ang ipinahihiwatig ng may-akda tungkol
sagutin? Maaari mo bang basahin? sa Pilipinas?

Sino ang nag nanais na sumagot sa ating tanong? Ako po. Napakaraming magagandang tanawin
na maaaring mapuntahan sa Pilipinas
gayundin ang mga bagay na dapat isaalang
alang bago magpunta ng isang lugar.

B. Karagdagang tanong Tungkol sa mga paalala bago magtungo sa


Tungkol saan ang binasa nating kwento? isang lugar.

1, tiyakin kung ano ang pangalan ng lugar na


Anu-ano ang mga bagay na dapat natin isaalang alang pupuntahan
bago tayo magpunta sa isang lugar? 2. mas maganda kung mayroon kang kasama.
3. maging maingat sa lahat ng pagkakataon.
4. maging magalang sa mga tradisyon
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited Contact No. (043) 723-3616

Include HOTS questions


Ask also about paglalakbay and Maging maingat po sa lahat ng oras dahil ang
connect it to the next part. buhay po ay mahalaga.
revise

4. Pagpapahalaga
Mula sa inyong mga kasagutan tungkol sa iba’t ibang
paalala, ano ang isang paalala na sa tingin mo ay
dapat na hindi makalimutan o yung pinaka mahalaga
bago tayo maglakbay o magtungo sa isang lugar?
5. Paglalahad ng Kasanayan Is this how paglalahad be done?
Muli, ang ating binasa ay isang sanaysay na kung saan
kapag sinabing sanaysay ito ay ang tawag sa isang This should be explained before reading a
sulatin na naglalayong magpahayag, magpaliwanag, at sanaysay.
magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman. Ang isang
sanaysay ay naiiba sa ibang uri ng sulatin dahil
nakatuon ito sa iisang paksa at diwa lamang.

Ilahad ang sanaysay na gagawan ng balangkas.

6. Talakayan
Talakayin kung ano ang balangkas,
Paraan ng pagbabalangkas
Mayroong tatlong bahagi sa paggawa ng isang
sanaysay.
Simula (Introduksyon) - Ito ang unang sinusulat sa
isang sanaysay. Ito ay dapat nakakakuha ng atensyon
ng bumabasa para basahin niya ang natitirang bahagi
ng sanaysay.
Gitna (Katawan) - Dito nakalagay ang lahat ng iyong
mga ideya at pahayag.
Wakas (Konklusyon) - Dito nakalagay ang iyong
pangwakas na salita.

Ngayon ay gagawa tayo isang sanaysay tungkol sa


ating binasa. Mayroon akong ipapakita sa inyong
isang gabay kung papaano nga ba ang pagbabalangkas
ng isang sanaysay.

(Pamagat)
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited Contact No. (043) 723-3616

I. Kalagayan ng turismo sa Pilipinas


A. (Ano ang napapansin sa mga
brochure at patalastas tungkol sa
magagandang pook sa Pilipinas?)
B. (Ano ang resulta ng tinukoy na sagot
sa letrang A?)
II. Mga paalala sa mga turistang
mamamasyal sa magagandang pook sa
bansa
A. Mga tanong na dapat masagot at
pagplanuhan
1. ---
2. ---
3. ---
B. Mga paalala sa maglalakbay nang sarili
1. ---
2. ---
3. ---
C. Mga paalaala sa maglalakbay na may kausap na
travel agency
1. ---
2. ---
III. Mga tagubilin sa sinumang turistang
maglalakbay sa bansa nang isahan o
maramihan
A. ---
B. ---
C. ---
D. ---

Ano nga muli ang pamagat ng akda?


Sa Paglalakbay po
I. Para sa ating simula o introduksyon, balikan muli
ang binasa nating sanaysay,

A. base sa may-akda ano ang kalagayan ng


turismo sa Pilipinas? Karaniwan nang makikita ang iba’t ibang
lugar sa Pilipinas sa mga brochure, internet at
social media dahil sa angking kagandahan
nito.
B. Ano naman ang resulta ng sagot sa letrang A?
Dumarami ang mga turistang nagnanais na
pumunta sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited Contact No. (043) 723-3616

Kung kaya’t dapat silang bigyan ng paalala.


II. Para sa ating gitna o katawan, dito nakapaloob ang
mga paalala sa mga turistang mamamasyal sa
magagandang pook sa bansa.

A. Mga tanong na dapat masagot at pagplanuhan


1. Saan kayo pupunta?
2. Paano kayo pupunta roon?
3. Ano ang gusto ninyong makita roon
upang matukoy ang pook na pupuntahan?
B. Mga paalala sa maglalakbay nang sarili?
3. Mainam kung may makakasamang tao na
pamilyar sa lugar.
4. Gamiting gabay sa iyong paglalakbay ang
mga brochure na makukuha sa hotel na
iyong tutuluyan.
5. “Ingat lang po... bahala kayo sa inyong
sarili dahil hindi maiiwasan ang mga
taong maaaring magsamantala.”
C. Mga paalala sa maglalakbay na may kausap na
travel agency
6. Sila na ang tutukoy ng pinaka-
magagandang pook-pasyalan at maglaan
ng maayos na transportasyong inyong
sasakyan.
7. Maaari pang may makakasama kayong
isang mahusay na tour-guide na sadyang
sinanay sa ganoong pagkakataon.
III. Mga tagubilin sa sinumang turistang maglalakbay
sa bansa nang isahan o maramihan.
1. Maging maingat sa lahat ng pagkakataon
at iwasang humiwalay sa pangkat.
2. Maging magalang sa tradisyon o mga
katutubong paniniwala sa pook na
pinuntahan.
3. Gawing isang nagtuturong karanasan ang
anumang paglalakbay.
4. “Makabubuting palawakin ang ating
tinitingnan... hindi lamang ang sariling
kapaligiran.”

Matapos nating gawin ang pagbabalangkas ng


sanaysay ay narito ang kalalabasan.
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited Contact No. (043) 723-3616

Sa Paglalakbay...

Karaniwan nang makikita ang iba’t ibang lugar


sa Pilipinas sa mga brochure, internet at social media
dahil sa angking kagandahan nito. Dumarami ang mga
turistang nagnanais na pumunta sa iba’t ibang lugar sa
Pilipinas. Kung kaya’t dapat silang bigyan ng paalala.

Narito ang ilan sa mga paalala na dapat tandaan.


Unang una, tiyakin ang kasagutan sa sumusunod na
tanong. Saan kayo pupunta, paano kayo pupunta roon,
ano ang gusto ninyong makita roon upang matukoy
ang pook na pupuntahan? Pangalawa, mas mainam
kung ikaw ay may kasama sa iyong paglalakbay pero
kung ikaw ay maglalakbay nang magisa, gamiting
gabay ang mga brochure na makukuha sa hotel na
iyong tutuluyan at kailangang magingat dahil hindi
maiiwasan ang mga taong maaaring magsamantala.
Pangatlo, kung kayo naman ay may kasamang travel
agency, Sila na ang tutukoy ng pinaka-magagandang
pook-pasyalan at maglaan ng maayos na
transportasyong inyong sasakyan. Maaari pang may
makakasama kayong isang mahusay na tour-guide na
sadyang sinanay sa ganoong pagkakataon.

Para sa lahat ng mga manlalakbay, maging


maingat sa lahat ng pagkakataon at iwasang
humiwalay sa pangkat. Maging magalang sa tradisyon
o mga katutubong paniniwala sa pook na pinuntahan.
Gawing isang nagtuturong karanasan ang anumang
paglalakbay at makabubuting palawakin ang ating
tinitingnan... hindi lamang ang sariling kapaligiran.

Maaari mo bang basahin, ------?

Pagsasanay sa pagbabalangkas (another example)


7. Paglalahat
Ano nga muli ang tatlong bahagi ng sanaysay? Simula, gitna at wakas

Ano ang nakapaloob sa simula o introduksyon?


Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay. Ito
ay dapat nakakakuha ng atensyon ng
bumabasa para basahin niya ang natitirang
bahagi ng sanaysay.
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited Contact No. (043) 723-3616

Ano naman ang nakalagay sa gitna o sa katawan?


Dito nakalagay ang lahat ng iyong mga ideya
at pahayag.
At ang sa wakas?

Dito nakalagay ang iyong pangwakas na


salita.

8. Paglalapat No pangkatang Gawain… time


Ang ating klase ay hahatiin ko sa limang pangkat. constraint….
Narito ang inyong gagawin.

Isasagawa ng bawat pangkat ang sumusunod na


panuto.

Para sa unang grupo, Isiping mga tour guide kayo at


magbibigay ng mga tagubilin sa mga turistang
iginigiya ninyo sa isang magandang pook sa Pilipinas.

Para sa pangalawang grupo, mag gawa ng isang


islogan na ang nilalaman ay tungkol sa pag-iingat na
dapat gawing tuwing kayo ay maglalakbay.

Para sa ikatlong grupo, gawan ng iskrip ang


isasagawang paglalakbay. (maaaring pang telebisyon,
pang-radio o iba pang iskrip.)

At para sa pang huling grupo, gumawa ng yell tungkol


sa mga tagubilin na dapat alalahanin tuwing
naglalakbay.
9. Pagtataya Can you check this within your time
Sumulat ng isang sanysay sa isang magandang lugar period?
sa Pilipinas na napuntahan mo. Paksain kung paano ka
pumunta sa pook na iyon at kung ano-ano ang iyong
Nakita. Magbigay ka rin ng mga tagubilin o panuto na
kakailanganin ng sinumang pupunta roon upang
maging kawili-wili at ligtas sa anumang problema ang
pananatili sa pook na iyon.

You might also like