You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Mindoro State College of Agriculture and Technology


Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

MasusingBanghay-Aralinsa ESP 7
Biyernes, Disyembre 14, 2018
1:00-2:00 at 3:00-4:00n.h.

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. naipaliliwanag at nasusuri ang isang kilos batay sa isang panloob na salik na
nakakaimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga;
b. nahihinuha na ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pang-araw-araw na buhay ay gabay
sa paggawa ng mapanagutang pasiya at kilos;
c. naisasagawa ang mga tiyak na hakbang na ilalapat sa pang-araw-araw na gawain at
pagpapasiya na makakatulong sa paghubog ng bawat panloob na salik na nakaiimpluwensiya
sa paghubog ng mga pagpapahalaga.

II. Paksang-Aralin

a) Paksa: Panloob na Salik na Nakakaimpluwensya sa Paghubog ng Pagpapahalaga


b) KagamitangPampagtuturo: pantulong-biswal, pisara, aklat
c) Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 7, pahina 51-73

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pang-araw-araw na Gawain
a) Panalangin
Magsitayo ang lahat. _________
(pupunta sa unahan ang mag-aaral na tinawag)
pangunahan mo ang panalangin sa hapong ito.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
Santo…….. Amen.

b) Pagbati

Magandang hapon sa inyong lahat! Magandang hapon din po!

c) Pagsasaayos ng Klase

Bago kayo magsiupo ay pulutin muna ang


kalat sa ilalim ng upuan at mangyari
lamang na pakiayos ng inyong mga upuan. (lilimutin ang mga kalat at isasaayos ang mga
upuan)
Maaari na kayong umupo ng tahimik. (uupo ng tahimik)
d) Pag-alam sa Liban
Mayroon bang liban sa araw na ito? Wala po!
Mabuti!

e) Pagwawasto ng Takdang-Aralin
Noong huli nating pagkikita ay hindi
ko kayo binigyan ng takdang aralin

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

kaya tayo ay magpapatuloy.

f) Pagbabalik-Aral
Noong nakaraan ay tinalakay natin ang
panlabas na salik na nakakaimpluwensya
sa paghubog ng mga pagpapahalaga. Base
sa inyong natutunan noong nakaraan aralin
ano ang iyong maibabahagi Fiona? (Magtataasan ng kamay)
Karunungan po!
Ano pa ? Pagtitimpi po!
Oo tama, ano pa bukod sa karunungan at
pagtitimpi? Katatagan po!
Magaling! Batid kong natuto kayo sa
nakaraang aralin.

B. Pagganyak/Motibasyon
Bago tayo magpatuloy sa ating aralin ay
magkakaroon muna tayo ng isang gawain.
Tayo ay manonood ng isang video clip.
Matapos nito ay ibibigay ninyo ang iyong
karanasan at napansin sa inyong napanood.
Inaaasahan ko ang inyong katahimikan sa
panonood, maliwanag ba?
Opo sir!
(Matapos ang panonood)

Laurence, ano ang iyong naramdaman


habang pinanonood mo ang video
presentation? Sir, nakadama po ako ng pagkatuwa sapagkat may
isa tayong kababayan na pinarangalan at hinangaan
dahil sa kanyang ginawa.
Mahusay! Opo!

Ikaw naman Maribel, ano ang iyong


natutunan sa ating pinanood na video? Sir ang natutunan ko po ay kapag nakapulot tayo
ng isang bagay na di sa atin ay nararapat lamang na
ito ay ibalik sa may-ari.

Tama ang iyong tinuran!

Ano pa Laurence?
Sir kung sakali po na di natin matagpuan ang tunay
na may-ari ay lumapit po tayo sa kinauukulan
upang maiulat ito at matulungan tayo na maisauli
ang ating napulot.
Kung ikaw naman John ang makakapulot
ng wallet na naglalaman ng pera ano
naman ang iyong gagawin? Sir hahanapin ko po ang may-ari ng wallet at
ibabalik ko sa kanya ang wallet niya.
Magaling!

C. Paglalahad
Mahuhusay ang inyong mga naging

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

kasagutan!
Ano naman ang inyong napansin sa ating
Sir napansin ko po na may ugaling maganda iyong
napanood, Jan?
nakapulot ng wallet nating kababayan
Magaling

Ano naman kaya ang tingin mong


katangian ng ating kababayang nuong
ibinalik niya ang kanyang napulot na Napansin ko po na mayroong mabuting puso an
pitaka? Samantha? gating kababayan kung bakit niya ibinalik ang
pitaka o wallet.
Mahusay!
Dahil ang tao ay may likas na kabutihan sa
kanyang puso.

Tama ang iyong tinuran, at iyan nga ay


may malaking kinalaman sa ating paksa sa
araw na ito na Panloob na Salik na
Nakakaimpluwensiya sa Paghubog ng mga
Pagpapahalaga.

Bago tayo magpatuloy sa pagtalaka ay


narito muna ang mga nais nating matamo
sa pagtatapos ng aralin. Mary Ann
pakibasa ng ating layunin.
Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
a. naipaliliwanag ang mga panloob na
salik na nakakaimpluwensya sa
paghubog ng mga pagpapahalaga;
b. nasusuri ang isang kilos batay sa isang
panloob na salik na
nakakaimpluwensya sa paghubog ng
mga pagpapahalaga;
c. nahihinuha ang paglalapat ng mga
panloob na salik sa pang-araw-araw na
buhay ay gabay sa paggawa ng
mapanagutang pasiya at kilos;
d. nasisasagawa ang mga tiyak na
hakbang na ilalapat sa pang-araw-araw
na gawain at pagpapasiya na
makakatulong sa paghubog ng bawat
panloob na salik na nakaiimpluwensiya
sa paghubog ng mga pagpapahalaga.
Maraming salamat, iyan ang mga layunin
na nais kong makamit ninyo sa pagtatapos
ng ating aralin.

D. Pagtalakay
Magkakaroon tayo ng isang gawain at ito
ay tatawagin nating “Iulat Mo sa Madlang
People”.
1. Papangkatin ang mag-aaral sa anim na
grupo.
2. Pipili ng kinatawan ang bawat pangkat

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

na siyang bubunot sa gawain.


3. Ang tema ng presentasyon ay
naangkop sa tema ng kapaskuhan.
4. Mayroon kayong sampung minuto (10)
para sa paghahanda at tatlong minuto
(3) para sa presentasyon.
Maliwanag baa ng aking tinuran?
Opo! Maliwanag po.
Subalit bago kayo magtungo sa inyong
mga pangkat ay atin munag alamin ang
mga pamantayan sa pagmamarka ng
inyong gawain.

Mary Ann maaari mo bang basahin an


gating pamantayan
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
(DULA, SPOKEN POETRY)
Kaangkupan sa paksa 10 puntos

MGA GAWAIN Nilalaman 10 puntos


Presentasyon 10 puntos
1. Bubuo ng isang dula-dulaan na
Disiplina at Kooperasyon 5 puntos
kinakikitaan ng “Konsensiya”.
2. Bubuo ng isang awit na Hikayat sa Madla 15 puntos
nagpapakita ng “Mapanagutang
Pagpapahalaga sa Takdang
Paggamit ng Kalayaan.”
3. Bubuo ng isang tula na may Oras 5 puntos
malayang taludturan na di baba sa Kabuuan 50 puntos
apat (4) na saknong at di naman
lalampas sa anim (6) na saknong (AWIT)
na nagpapakita sa “Pagiging Kaangkupan sa paksa 10 puntos
Sensitibo sa Gawang Masa”.
4. Bubuo ng isang pagbabalita na Nilalaman 10 puntos
nagpapakita ng “Pagsasabuhay ng Presentasyon 10 puntos
mga Birtud”
5. Bubuo ng isang sanaysay na Disiplina at Kooperasyon 5 puntos
tumatalakay sa “Disiplinang Tono / Himig 10 puntos
Pansarili”
6. Bubuo ng isang spoken poetry na Hikayat sa Madla 5 puntos
“Moral na Integridad” Kabuuan 50 puntos

(PAGBABALITA)
Kaangkupan sa paksa 10 puntos
Nilalaman 10 puntos
Presentasyon 10 puntos
Disiplina at Kooperasyon 5 puntos
Hikayat sa Madla 10 puntos
Pagpapahalaga sa Takdang
Oras 5 puntos

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

50 puntos

(SANAYSAY)
Kaangkupan sa paksa 15 puntos
Nilalaman 15 puntos
Presentasyon 5 puntos
Disiplina at Kooperasyon 10 puntos
Pagpapahalaga sa Takdang
Oras 5 puntos
Kabuuan 50 puntos
Ngayon nga ay maaari na kayong
magtungo sa inyong mga pangkat nang
tahimik. (Pupunta ang mga mag-aaral sa kanilang mga
pangkat.)

Dumako na tayo sa inyong pagpapakita.


Ang unang pangkat na magpapakita ng
kanilang ginawa ay ang pangkat I,
susundan ng II, III, IV, V, VI.
Maliwanag ba ang aking tinuran?
Opo!

(Magpapakita ang mga-aaral ng kanilang mga


ginawa na pangungunahan ng unang pangkat.)
Napakahuhusay ng inyong mga ginawa at
dahil diyan ay bigyan natin ng 10 bagsak
ang inyong mga sarili!

E. Paglalahat
Ano nga muli ang anim na salik na panloob
na nakakaimpluwensya sa paghubog ng
pagpapahalaga?
(Magtataasan ng kamay)
Ang anim na salik na nakakaimpluwensya sa
paghubog ng pagpapahalaga ay ang
1. Konsensiya
2. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan
3. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama
4. Pagsasabuhay ng mga Birtud
5. Disiplinang Pansarili
6. Moral na Integridad

Mahusay! Patunay lamang iyan na kayo ay


nakikinig nang maayos sa ating talakayan.

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

F. Pagtataya

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot.


Isulat sa patlang ang napiling sagot.

_______1. Ito ang batas moral na itinanim


ng Diyos sa isip at puso ng tao.
_______2. Yugto ng buhay kung saan
marahil masaya ka dahil may mga bagay
na malaya mo nang nagagawa ngayon..
_______3. Ang isang kilos na masama ay
hindi maaaring ipagwalang – bahala.
_______4. Anumang kilos na isinasagawa
ng paulit – ulit ay maaari ng maging bahagi SAGOT
ng pang – araw – araw na buhay.
_______5.turuan ang isang batang 1. Konsensiya
mamuhay sa katotohanan at sanayin ang 2. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan
kanyang kakayahang gamitin ang tamang 3. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama
katwiran. 4. Pagsasabuhay ng mga Birtud
_______6. May kasabihan na mas 5. Disiplinang Pansarili
madaling hubugin ang isang puno habang 6. Moral na Integridad
ito ay bata pa lamang.

Konsensiya
Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan
Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama
Pagsasabuhay ng mga Birtud
Disiplinang Pansarili
Moral na Integridad

II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti


ang sumusunod na pahayAg. Isulat ang
Tama kung ito ay nagpapahayag ng
wastong kaisipan. Isulat ang Mali kung ito
ay nagpapahayag ng maling kaisipan. Isulat
ito sa patlang.

1. ___________ Maipagmamalaki ang


paggawa ng mabuti.
2. ___________ Nakadepende sa uso ang
paggawa ng mabuti; kung hindi na uso
huwag na itong gawain para hindi
pagtawanan ng iba.
3. ___________ Tama na magsauli ng
bagay na hindi sa iyo para bigyan ka
ng parangal.
4. __________ Nagdudulot ng kahihiyan SAGOT

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

ang paggawa ng masama. 1. TAMA


5. ___________ Hindi masama ang 2. MALI
magpakopya sapagkat kung ikaw 3. MALI
naman ang nangangailangang 4. TAMA
mangopya, pakokopyahing ka. 5. MALI
6. __________ May kakayahan ang taong 6. TAMA
gumawa ng mabuti. 7. TAMA
7. __________ Nagdudulot ng kasiyahan 8. TAMA
ang paggawa ng mabuti. 9. TAMA
8. __________ ang hindi pagpapakopya 10. TAMA
ay hindi nangangahulugang pagiging
madamot.
9. __________ Tunay na kabutihan ang
paggawa ng mabuti kahit walang
nakakapansin sa paggawa mo nito.
10. __________ May kakayahan ang
taong gumawa ng masama.

G. Pagpapahalaga
Matapos nating mapag-aralan ang mga
salik. Ano ang epekto nito sa iyong sarili?
Sino ang maaaring magbahagi?

Ano ang maaari nyong gawin upang


magkaroon ng mabuting pasya at kilos sa
gitna ng nagtutunggaliang mga salik?

Mahusay! Batid ko na talagang naunawaan


ninyo ang kahalagahan na malaman ang (Magbabahagi ng sariling karanasan)
panlabas na salik na nakakaimpluwensya
sa paghubog ng pagpapahalaga.

VI. Kasunduan Dapat po ay maging mapanuri at matalino sa


Magsulat ng isang sanaysay patungkol sa pagpili. Kailangan pong pag-isipang mabuti at
iyong pangarap sa buhay na may 100 salita. manindigan po sa pasya at kilos.
Isulat ito sa isang buong papel.

Kung gayon, Maraming salamat at paalam


na sa inyong lahat!

Salamat po at paalam na rin po!

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate Victoria, Oriental Mindoro

Inihanda ni:

EDGAR V. CASTILLO
Gurong Nagsasanay
Tinala ni:

G. CHRISTIAN PANALIGAN
Gurong Tagapamatnubay

Bb. JOAN F. POLITICO


STS, Filipino

MinSCATupholds Responsibility Involvement Commitment Excellence

You might also like