You are on page 1of 9

Wesleyan University – Philippines

Maria Aurora, Extension Campus


College of Education

BANGHAY-ARALIN SA MOTHER TONGUE I


IKAAPAT NA MARKAHAN, IKAAPAT NA LINGGO

I. LAYUNIN
1. Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit na letra upang
maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang paksa o isyu sa pangungusap.
MT1GAIVh-i-4.1
2.
3.
II. PAKSANG ARALIN
A. 1.
2. Pamantayang Pangnilalaman
 .
3. Pamantayan sa Pagganap
 .
B. SANGGUNIAN:
 MELCS p. 199
C. KAGAMITAN:
 Larawan
 PowerPoint
D. INTEGRASYON:
 Music
E. PAGPAPAHALAGA:

III. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO


A. Panimulang Gawain

1. Paalala para sa Health Bago tayo magpatuloy, magkakaroon muna tayo ng ilang
Protocols paalaala para maiwasan natin ang sakit na COVID-19.

 Isuot ng maayos ang ating facemask

 Palagiing magdala na alcohol o sanitizer

 Panatilihin ang isang metrong distansya.


Ilayo ang sarili sa iba.

Upang pasimulan ang araw na ito, magsitayo tayo at simulan


natin ang ating araw sa pamamagitan ng panalangin.
2. Pagdarasal Magandang umaga mga bata!
 Magandang umaga din po!

3. Pagbati Tayong lahat ay manatiling nakatayo at tayo ay kakanta.

“Kumusta, Kumusta, Kumusta”


4. Pag-awit
Kumusta, kumusta, kumusta
Kumusta kayong lahat
Ako'y tuwang tuwa
Masaya't, nagagalak
Tra-la-la-la-la
la-la-la

Kamusta, kamusta, kamusta


Kamusta kayong lahat
Ako'y tuwang tuwa
Masaya't, nagagalak
Tra-la-la-la-la
la-la-la

Alamin naman natin kung ano ang ating panahon ngayon,


awitin natin ang “Panahon” ni Teacher Cleo.
5. Pagsasabi ng panahon Ano ang panahon natin ngayon mga bata?
 Maaraw po an gating panahon

Alamin naman natin kung anong araw ngayon, awitin natin ang
“Pito, Pito” ni Teacher Cleo.

6. Pagsasabi ng araw Anong araw naman natin ngayon mga bata?


 Ang araw po ngayon ay Lunes

Ngayon ay alamin naman natin kung ilan ang pumasok at


lumiban na mga lalaki.

7. Pagtatala ng mga batang Nasaan ang mga lalaki?


pumasok o lumiban sa klase Nasaan ang mga lalaki?

Heto kami
Heto kami

Kumusta kayo ngayon


Kumusta kayo ngayon

Mabuti naman
Mabuti naman

Mahusay. Pakibilang nga ang mga lalaki.

Nasaan ang mga babae?


Nasaan ang mga babae?

Heto kami
Heto kami

Kumusta kayo ngayon


Kumusta kayo ngayon
Mabuti naman
Mabuti naman

Ilan naman kaya ang mga babae?


Pakibilang nga.

Magaling!

B. DRILL Panuto: Tukuyin ang salitang kilos sa pangungusap at kung


saan naganap ang kilos.

1. Naglaba si Aling Lita sa tabing ilog.

2. Masayang nagbakasyon ang pamilya ni Adah sa


Dilasag, Aurora.

3. Ang mga mag-aaral ng unang baiting ay sama-samang


nagtanim ng puno sa paligid ng Diguisit.

Balik – Aral Nais kong mlaman kung natatandaan niyo pa ang ating pinag-
aralan sa ating nakaraan na aralin. Kaya mayroon akong
inihandang gawain para sa inyo.

Panuto: Ayusin ang mga salita na nasa loob ng kahon upang


makabuo ng simpleng pangungusap.

ay nanay Si masipag 1. ____________________

sako Mabigat ang 2. ____________________

ang ilog Malinis 3. ____________________

Magaling mga bata. Ako ay natutuwa dahil nasagot niyo ang


aking mga katanungan.

Paghahabi sa layunin ng
Aralin

Paglinang na Gawain  parke – lugar para sa


1. Pag-alis ng sagabal libangan ng tao.

 tanaw – naaabot ng
tingin.

 mag-anak – binubuo
ng nanay, tatay at anak.
2. Pagganyak Naranasan mo na bang mamasyal kasama ang iyong mag-
anak? Ano ang iyong naramdaman?
 (Iba-iba ang sagot ng bata)

Saan at anong araw kayo namamasyal?


 (Iba-iba ang sagot ng bata)

Magaling mga bata!


3. Pangganyak na tanong Bago naman tayo magpatuloy mayroon akong ilang
katanungan na inyong sasagutin pagkatapos mapakinggan ang
isang kwento.

1. Ano ang pamagat ng ating kwento?


2. Sinu-sino ang tauhan sa kwento?
3. Saan namasyal ang mag-anak?
4. Anong buwan ulit mamamasyal ang mag-anak?

4. Pamantayan sa pakikinig ng Sa inyong pakikinig, narito ang ilang pamantayan para sa inyo.
kwento/diyalogo

 Maupo ng maayos at huwag makikipag-usap sa


katabi.

 Tumingin sa nagkukwento at makinig na


mabuti.

 Tandaan ang mga mahahalagang pangyayari.

Alam kong handa na ang lahat kaya simulan na natin!


5. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin Ang Masayang Pamilya
(pakikinig ng
kwento/diyalogo) Maagang gumising si Karlo. Dahil araw ng Sabado
mamamasyal silang mag-anak sa parke. Sila ay nagpunta sa
Quezon Park. Pagdating ay natanaw ni Karlo ang palaruan.

“Itay, Inay, pwede po ba akong pumunta sa palaruan?” tanong


ni Karlo.

“Isama mo ang ate Katrina mo”, sagot ni tatay Simon.


“Yehey! Maraming salamat po!” ang sagot ng magkapatid. At
masaya silang naglaro.

Matapos maglaro ay niyaya ni Karlo ang kaniyang ate na


bumili ng tubig.
Nang maubos na ang tubig sa bote, itinapon ito ni Karlo sa
damuhan. Nakita ito ni Katrina at sinabing “Huwag mong
itapon sa damuhan ang bote, itapon mo iyan sa basurahan”.

“Oo nga pala ate, salamat sa paalala”, ang mabilis na tugon ni


Karlo habang pinupulot ang bote.

Matapos silang maglaro ay niyaya na sila ng kanilang nanay at


tatay na kumain sa Gerry Shan’s Restaurant. Marami ditong
pagpipilian na ulam katulad ng sinigang, tinola, adobong
manok at menudo.

Habang kumakain masayang nagkukwentuhan ang mag-anak.

“Itay, Inay, kailan po uli tayo mamamasyal?”, tanong ni Karlo.

“Sa buwan ng Hulyo ulit tayo mamamasyal. Dahil iyon ay


bakasyon ninyo”, sagot ni nanay Lita.

Pagkatapos kumain ay masayang umuwi ang mag-anak.

1. Pagsagot sa pagganyak na Matapos mong mabasa ang usapan ng mga batang mag-aaral,
tanong at pagtatalakay sa anu-ano ang mga napansin mo sa paraan ng pagpasok nila sa
kwento paaralan? Anu-anong sasakyan ang kanilang ginamit?

Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pamagat ng ating kwento?


 Ang pamagat po ng kwento ay “Ang Masyang Pamilya”

2. Sinu-sino ang tauhan sa kwento?


 Ang mga tauhan sa kwento ay sina tatay Simon, nanay
Lita, Karlo at Katrina.

3. Saan namasyal ang mag-anak?


 Sila po ay namasyal sa Quezon Park.

4. Anong buwan ulit mamamasyal ang mag-anak?


 Sila po ay mamamasyal ulit sa buwan ng Hulyo.

1. Pagtatalakay ng bagong Basahin at suriin ang pangungusap.


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Maagang gumising si Karlo.

Ano ang inyong napapansin sa simula at dulo ng pangungusap?


 Mayroon pong malaking letra at tuldok.

Mahalagang tandaan na sa pagsulat ng pangungusap, ang


simula nito ay dapat isinusulat sa malaking letra.

Ang salitang Maaga ang simula ng pangungusap kaya ito ay


nagsisimula sa malaking letra.
Bukod sa simula ng pangungusap, ang mga tanging ngalan ng:

tao
Isama mo ang ate Katrina mo.

lugar
Sila ay nagpunta sa Quezon Park.

araw
Dahil araw ng Sabado mamamasyal silang mag-anak sa parke.

buwan
Sa buwan ng Hulyo ulit tayo mamamasyal.

Ito ay ginagamitan din ng malaking letra.

Narito pa ang ilang mga halimbawa:

Ngalan ng tao – Si Gng. Baltazar ang aming guro.


Ngalan ng lugar – Siya ay nakatira sa Baler.
Ngalan ng Buwan – Araw na ng pagtatapos sa Hunyo.
Ngalan ng araw – Magsisimba kami sa Linggo.

Ang mga salitang Gng. Baltazar, Baler, Hunyo, at Linggo ay


mga tanging ngalan kaya nagsisimula ang mga ito sa malaking
letra, ito man ay nasa unahan, nasa gitna o nasa hulihan ng
pangungusap.

Nilalagyan din ng wastong bantas sa hulihan ang pangungusap


tulad ng:

Tuldok (.) – kung ito ay nagsasalaysay o nag-uutos.


Halimbawa: Maagang gumising si Karlo.

Tandang pananong (?) – kung ito ay nagtatanong.


Halimbawa: Itay, Inay, kailan po uli tayo
mamamasyal?

Tandang pamdamdam (!) – kung ito ay nagsasaad ng


matinding damdamin.
Halimbawa: Yehey! Maraming salamat po!

Kuwit (,) – kung naghihiwalay ng mga detalye.


Halimbawa: Marami ditong pagpipilian na ulam
katulad ng sinigang, tinola, adobong manok at
menudo.

Kinakailangan din na wasto ang baybay ng mga salita sa bawat


pangungusap upang mas maging malinaw ang mensaheng nais
ipahatid nito.

Halimbawa:
1. Ako ay anim na taong gulang na.
2. Buksan mo ang pinto.
3. Saan ka nakatira?
Ang mga halimbawa na ito ay halimbawa ng pangungusap na
may wastong baybay, may wastong gamit ng malaki at maliit
na letra, at sinisimulan ang pangungusap sa malaking letra at
gumagamit din tayo ng wastong bantas.

At upang higit nating mapalalim ang iyong kaalaman sa ating


aralin, mayroon akong inihandang mga gawain para sa inyo.

Paglinang sa kabihasnan Bago tayo magsimula sa pangkatang gawain, mayroon muna


(Tungo sa Formative akong ilang paalala.
Assessment)

(Pangkatang Gawain)  Pumunta sa inyong pangkat ng tahimik.


 Panatilihin ang social distancing.
1. Pamantayan sa  Sumali sa nakaatang na gawain.
Pangkatang Gawain  Kapag tapos na ang gawain pumapalakpak
at bumalik sa upuan ng tahimik.
 Tandaan na kapag nagkakaisa kayo sa
gawain ay madali itong matapos.

RUBRIKS 5 – Nagawa ng mahusay ang gawain


4 – Nagawa ng maayos ngunit kulang ang detalye
3 – Nagawa ang gawain ngunit hindi malinaw ang
pagpresenta
2 – Hindi natapos ang gawain
1 – Walang nagawa
Pangkatang Gawain Panuto: Isulat ang wastong baybay ng mga salita o
Unang Pangkat: pangungusap. Isaalang-alang ang gamit ng malaki at maliit na
letra at lagyan ng wastong bantas.

1. naku napakalaki ng ahas


2. kailan ka uuwi
3. si cardo ay isang pulis
4. nakatira sila sa maria aurora
5. sa sabado kami bibyahe

Pangalawang Pangkat: Panuto: Lagyan ng tsek kung wasto ang gamit ng malaki at
maliit na letra. Ekis naman kung hindi wasto.

_______ 1. Dipaculao, Aurora


_______ 2. sarah geronimo
_______ 3. Sa lunes na ang pasukan.
_______ 4. ako ay bata.
_______ 5. Si gng. geneta ang aming punong-guro.

Pangatlong Pangkat: Panuto: Basahin ang mga pangungusap, punan ng tamang


salita na may wastong baybay ang bawat patlang.

1. Ipinagdiriwang ang araw ng mga puso sa buwan ng


____________? (pebriro, Pebrero, pebrero)
2. Dahil sa paglaganap ng ___________ malaking
suliranin ng bansa kaligtasan ng bawat Pilipino.
(Kobid19, Covid19, Cubid19)
3. Tuwing buwan ng __________ ipinagdiriwang ang
araw ng Pasko. (Disyembre, Disyimbre, Desyembre)
Presentasyon ng mga ginawa at Ipakita at ipaliwanag ng bawat grupo ang kanilang ginawa.
pagbibigay ng iskor
Pagbibigay ng guro ng kanilang score.

Ako ay nagagalak dahil lahat kayo ay nakatapos sa inyong


gawain at nagawa niyo ito ng tama at mahusay, may
pagkakaisa at nagtutulungan at dahil diyan makakatanggap
kayong lahat ng STAR.

Paglalahat sa aralin
Mahalagang tandaan na sa pagsulat ng pangungusap, ang
simula nito ay dapat isinusulat sa ________ letra.

Bukod sa simula ng pangungusap, ang mga tanging ngalan ng


____, ____, ____ at _____ ay ginagamitan din ng malaking
letra.

Nilalagyan din ng wastong bantas sa hulihan ang pangungusap


tulad ng _____ kung ito ay nagsasalaysay, ______ kung ito ay
nagtatanong, ______ kung ito ay nagsasaad ng matinding
damdamin at _____ kung naghihiwalay ng mga detalye.

Mahusay mga bata. Tunay ngang kayo ay nakinig sa ating


aralin.

Pinapatnubayang Pagsasanay
Panuto: Itaas ang kung wasto ang paggamit ng malaki at
maliit na titik, bantas at baybay. At
naman kung hindi.

1. Maaga akong gumising para maglinis ng bahay.


2. Sina Ana, Luis, Mylene at Clara ay mga mag-aaral sa
unang baitang.
3. saan ka pupunta pagkatapos mong magsimba!
4. Naku? Napakalaki naman ng ahas na nasa puno ng
bayabas?
5. Kami ay magsisimba sa Lingo.

Malayang Pagsasanay Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad ng mga


sitwasyon, lagyan ng wastong bantas ang bawat (_). Piliin ang
wastong bantas sa kahon.

.,?!
Lumalakas ang ihip ng hangin kasabay ang malakas na buhos
ng ulan (_) Dumadagundong ang kulog (_) matalim ang kidlat
at lubhang napakadilim ng paligid(_)

Nakahanda na ba ang flashlight (_) tanong ni Tatay. Opo (_)


lagi pong nakahanda ito agad kong sagot. Mabuti pa ay
magdasal tayo at humingi ng awa sa Diyos (_) sabi ni Nanay
(_)

Pagtataya Panuto: Bilugan ang mga letra na dapat ay nakasulat sa


malaking titik. Isulat na ang pangungusap gamit ang malaki at
maliit na titik.

1. masaya kong sinalubong ang pagdating ni lola juana.


_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

2. sa araw ng martes nakatakdang bumisita sa aming


paaralan si gng. wilma wenceslao.
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

3. nagulat ako sa natanggap kong regalo mula kay anita.


_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

4. kami ay mamamasyal sa dicasalarin cove.


_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

5. ang mga mag-aaral na sina miko, ben at jeff ay masipag


magbasa ng aklat.
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

Takdang Aralin: Panuto: Sumulat ng limang (5) pangungusap na nagpapakita


ng wastong paggamit ng maliit at malaking letra. Isaalang-
alang ang ngalan ng tao, lugar, araw at buwan.

Halimbawa: Mahal ko ang aking Lolo Narding at Lola Belen.

Inihanda ni: Iniwasto ni:


SHARMAINE KRISTEL JOY C. RAMOS EMELINA A.
BATAZAR
Practice Teacher Cooperating Teacher

Itinala ni:

GLICERIA C. GENETA
Principal III

You might also like