You are on page 1of 2

PANUKALANG PROYEKTO PARA SA KARAGDAGANG POSTE NG ILAW SA

BARANGAY CALATAGAN TIBANG

Mula kay Romeo T. Panti


073 Virgin Street
Barangay Calatagan Tibang,
Virac, Catanduanes
Ika-15 ng Agosto 2019

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Ito ay isang project proposal para sa karagdagang labing lima (15) poste ng ilaw para sa
aming barangay, _____________________ Street sa Calatagan Tibang, Virac, Catanduanes. Ang
nasabing labing lima (15) poste ng ilaw ay itatayo sa mga kalsada sa nasabing barangay lalo na sa
mga madidilim na lugar na kadalasan ay pinangyayarihan ng aksidente at sa mga lugar na hindi pa
gaano naabutan ng kuryente upang sa ganoon ay maging ligtas ang bawat mamamayan sa
barangay.

HABA NG PANAHONG GUGUGULIN


Ang pagsasagawa ng project proposal na ito ay aabutin ng humigit kumulang isang (1) taon at
apat (4) na buwan.

LAYUNIN
Ipinapanukala ang pagbili at pagpapatayo ng mga poste ng ilaw na magagamit ng barangay
upang mabawasan ang bilang ng aksidente at magkaroon sa mga motorista, ang kaligtasan ng mga
gumagamit ng kalsada ay may kasiguraduhan, at maraming mga turista ang makakagamit ng
kalsada sa Barangay Constancia.

Plano na Dapat Gawin


A. Pag-apruba ng Badyet
B. Pag Sarbey ng Lugar
C. Paggawa ng Plano kasama ang mga Inhinyero
D. Pag- Bidding
E. Paghahanap ng mga Kinakailangang Tao para sa Proyekto
F. Pagtatayo ng mga Poste ng Ilaw
G. Paggamit at Pagsusuri kung Maayos ang mga Ito

BADYET AT MGA KAILANGANG MATERYALES


Kabuuang Kinakailangang Badyet: P 1, 000, 000. 00
Kinakailangang Materyales at Halaga:
Quantity Item Description Amount Total Amount

Street light Anchor Bolts and


40 P 516.00 P 20,640.00
Template

Street Lamp Post with base plate


40 (10ft) P 6,900.00 P 276,000.00
(Single Curve arm design)
LED Street Light Bulb
40 P 3,897.00 P 155,880.00
(100w)

400m Electrical wires P 48.00/meter P 12,200.00

20 sacks Cement P220 / sack P4,400.00

Kabuuan: P 464,720.00

Ang natitirang pera na P 535, 280.00 ay gagamitin para sa sahod ng mga manggagawa at
ng iba pang mga tauhan para sa pagtatayo ng mga poste ng ilaw.

PAKINABANG
Kapaki-pakinabang ang pagpapatayo ng mga poste ng ilaw upang magsilbing
pinagmumulan ng liwanag sa gabi, mabawasan ang mga aksidente lalo na ang mga aksidente sa
sasakyan sa lugar tuwing gabi kaugnay ng kawalan ng poste ng ilaw sa kalsada , at upang
masigurado ang kaligtasan ng mga gumagamit ng kalsada kagaya ng mga motorista, mga pasahero,
mga turista at lalung –lalo na, ang mga tao sa komunidad para maiwasan ang mga maaaring
mangyaring masama tuwing gabi.

You might also like