You are on page 1of 11

Ang

Modernong
Teknolohiya
By:

Christian Joy Torres Andrei Fregil

Alexander Bangoy Andraida Wahab

Mark Joseph Limet Bryan Cabigting

Renzo Tonogbanua Kim Manzano

Jessa Alimusa Camille Acevedo

Febuary 27, 2017

Petsa

1
Unang Bahagi

Introduksyon
Ang panimulang punto ng Infornation Revolution ay ang kompyuter. Nilikha ni Charles
Babbage at binuo sa pamamagitan ng maraming mga mahuhusay na mga tao na kasama sina
Blaise Pascal, Otto Steiger, Konrad Zuse, at Howard Aiken, angcomputer ay ang produkto ng
maraming mga tao na talino, na sa paglipas ng siglo ay nasuri, kinalkula at nagtrabaho sa bilang
isang perpektong kasangkapan na maaaring pahabain ang mga kaisipan tulad ng Industrial
Revolution na pinalawak na ang pisikalat mekanikal na aspeto.

Sa ating henirasyon ngayon (21st century) masasabing ang kompyuter base sa makabagong
teknolohiya ay ang pinaka ginagamit ng mga tao. Pangunahin itong kagamitan na ginagamit ng
mga nasa industriya, paaralan, kompanya, at mga establisimentong pang negosyo malaki ang
kontribusyon nito sa mga nabanggit.Ginagamit ang kompyuter sa pagpapabilis at pagpapadali ng
mga paraan o proseso nggawain o trabaho.Sa dalawang dekada ng paggamit ng kompyuter
naging bahagi na ito ng pamumuhay ng tao. Sa maliit na negosyo man o sa pinakamalaki,
maging ang mga impormasyon ng isang partikular na tao ay maaari nang nakarekord sa
pamamagitan ng kompyuter . Bank accounts, hospital records at maging tax records ay lahat
natransaksyong ginagamitan ng kompyuter.

Ang Research na ito ay nagbibigay impormasyon hingil sa Modernong Teknolohiya sa mundo at


naglalayon matugunan ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang Teknolohiya?


2. Anu-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng Modenong Teknolohiya sa mga tao?
3. Ano ang nagging ambag ng teknolohiya sa mga tao?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalag ng pag aaral na ito. Maaari itong maging basic na
kaalaman para sa mga kabataan na mahilig sa technology at gadgets dahil ang mga impormasyon ditto ay
pwedeng mai-apply sa ibat ibang situasyon.

2
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral (Scope)
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng damdamin, pananaw at kaalaman ng
mga taong hingil sa pag gamit ng modernong teknolohiya. Ang taong nasasaklaw ng research na
ito ay simula 1960 hanggang sa pangkasalukuyan.

Bokabularyo
Information Revolution . Ang paglaganap ng mga impormasyong at kasama ang pagbabago
sa kanyang imbakan at diseminasyon dahil sa pag gamit ng mga kompyuter.

Industrial Revolution . Ang Industrial Revolution ay ang paglipat ng pagpoproseso sa mga


makina noong 1760 hanggang sa taong 1840

Kompyuter . isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaaring iprograma upang


magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal.

Charles Babbage . Isang pilosopo, mathematician, imbentor na nakatuklas ng digitial


programmable computer.

3
Ikalawang Bahagi
Rasyonal
Ano ang teknolohiya?
Ang teknolohiya o aghimuan ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga
kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang
tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay
nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.

Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit


ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan
din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento katulad ng gulong.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang


ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga
kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating
kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating
kaalaman dito. (Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino, 1969)

Ambag ng Teknolohiya sa mga tao


Ayon kay Jessa H. Villa (2012). Mas napapadali na ang buhay naten sa panahon ngayon
kesa sa panahon dati na mag lalaan ka ng maraming oras para sa isang gawain.

Ang mga pamilyang dating walang ugnayan sa kanilang mahal sa buhay ay tumatanaw na
ngayon ng pag-asa dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang bagay na hatid ng teknolohiya tulad na
lamang ng telepono, laptop, computer at iba pang naging instrumento sa pagkakatupad ng
munting samo ng mga pamilyang nawalay sa isa’t-isa.

Dati rati’y nagtitiis tayo sa munting radyo makasagap lamang ng inaabangang balita at
mga drama na siyang libangan, ngayon ay nariyan ang telebisyon upang mas higit nating
manamnam ang balita at ilang mga palabas.
Ang mga estudyante noon ay hirap upang matapos ang mga proyektong kailangan pang
isangguni sa libro, ngayon aba! Sosyal na, karamihan ng proyekto aycomputerize na at hango pa
sa internet. Di na rin kaiba ang mga gadgets kagaya ng laptopdi lang sa mga guro kundi sa ilang
mga mag-aaral na rin.

Salamat sa teknolohiya, ngayon ay batid natin na marami nang mga kabataan ang mas
uhaw sa kaalaman at minsan ay nais maging imbentor. Di-maliparang uwak ang lawak ng

4
kanilang isipan sa kagustuhang makatuklas ng mas high-tech na kagamitan na syang aalalay sa
kanila sa mga gawaing mahirap tapusin o di kaya ay mapagkunan ng paglilibangan.
Gamit ang teknolohiya, mas naipapahayag natin ang ating mga sarili sa iba kagaya na
lamang kung tayo ay nagsusulat o nagba-blog sa internet. Nakakalikom din tayo ng mga
panibagong mga kaibigan mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig at nakikipag-ugnayan sa tulong
ng mga social networking sites gaya ng Facebook at Twitter.

Bagamat kadalasa’y may mga negatibong pananaw ukol sa teknolohiya, di pa rin paawat
sa paggamit nito ang maraming mga kabataan. Kahit may mga nagsasabing masama ang dulot
nito sa mga kabataan lalo na ang computer dahil sa nakakaadik daw at kung minsan ay
kakapulutan ng hindi magandang aral, hindi maipagkakailang mayroon itong ambag sa paghubog
ng ating pagkakakilanlan.

Anu’t ano pa man ang hatid sa atin ng makabagong teknolohiya, ang pangunahing halaga
nito ay ang pagpapahusay ng ating mga sarili at pag-gamit nito para din sa ikauunlad ng iba.
Kung walang teknolohiya, anong agos ng buhay mayroon kaya tayo ngayon?

5
Ikatlong Bahagi

Pagsusuri
Sa proseso ng aming pagsusuri, kami ay nagtanong sa mga tao na walang pinipiling edad at
kasarian. Tinanong namen ang kanilang opinyon tungkol sa Modernong Teknolohiya. Narito ang
aming Conseptual Framework.

6
Ang layunin nito ay makasaliksik ng impormasyon mula sa opinyon ng ibang tao .dito
nakapaloob ang positibo at negatibong resulta ng modernong teknolohiya sa buhay ng tao .
Upang makabpagbigay din ng mga detalye ng iyong research mula sa isip ng iba , ipinupunto ng
framework na ito ang buod ng mga opinyon ng tao . nandito din lahat ng impormasyon tungkol
sa iyong reaserch dahil nagmula ito sa ibat ibang iedya , opinyon at pagiisip ng ibat ibang tao

Metodolohiya
Sa kabantang ito ay iprinisinta ang proseso , mga instrumentong pananaliksik at mga pokus
ng pag aaral .

Ang pag aaral na ito ay isasagawa sa pamamgitan ng pagseserbey , ang mga mananaliksik ay
maghahanda ng mga katanungan na naglalayong makahanap ng mga datos . at nag hanap ng mga
impormasyon ,nagsaliksik ng mga mahahalagang impormasyon na nilalaman ng aming reaserch .
kumuha din ng mga mahahalagang impormasyon ang mga mananaliksik sa internet, opinyon ng
ibang tao at kontribusyon na ideya ng mga kagrupo

7
8
Graphical Presentation
Ipapakita ditto ang mga graph sa ginawa naming pagsusuri.

Graph ng bilang ng aming respondent.

Kasarian

Babae
Lalaki 23
27

Kami ay nagtanong sa singkwenta na tao (50) na mayroong dalampu’t pitong lalaki (17)
at dalampu’t tatlong babae (23).

9
Graph batay sa edad ng mga respondent
30
27

25

20

15
12
11
10

0
Edad ng mga Respondent

11 to 14 15 to 17 18 and up

Ang graph na ito ay binatay sa mga edad ng aming mga respondent, may labing isang
kataong sumagot sa edad na labing walong taong gulang pataas, nakakuha naman ng
pianakamataas na bilang ang mga taong sumagot sa edad na labing lima hanggang labing pitong
taong gulang at nakakuha naman ng labingdalawang katao ang sumagot sa edad na labing isa
hanggang sa labing apat na taong gulang.

10
Rekomendasyon
Marahil malaki nga ren talaga ang naging ambag ng mga inbentor sa ating modernong
teknolohiya at sa pang araw araw nating buhay gayun pa man mayroon parin itong mga
masamang dulot pero hindi naman layunin ng mga imbentor ang mapasama tayo inimbento nila
to para magin kumportable at mapadali ang pang araw araw na gawain naten. Katulad na nga
lang ng email, IM at iba pa para mapadali ang pakikipag komunikasyon sa ibang tao, mga
malalaking robot na kayang gumawa ng maramihang produkto at mga educational website para
sa alternatibong pagkukuhaan ng impormasyon at marami pang nadudulot nitong mabuti satin.

Ikaw ba kung papapiliin ka anong mas gusto mo? Ang mamuhay katulad noong
sinaunang panahon o mamuhay sa modern at makabagong panahon? Para ito sa mga taong
gustong pag aralan ang mundo ng modernong teknolihiya.

Kaya kung ako sayo walang masama para tumanggap at yakapin ang bagong pamumuhay
ngayon kung dati nayakap nyo ang mahirap na pakikipagkomunikasyon at iba pa ngayon naman
yakapin at tanggapin naten ang mga inimbento ng mga imbentor upang mapadali ang mga gusto
nating gawin at upang guminhawa ang pamumuhay natin gamit ang modernong teknolohiya.

Bibliography
Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino. (1969). Retrieved from Wikipedia:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Teknolohiya

11

You might also like