You are on page 1of 3

KABANATA II

ANG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina,


kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Kadalasang
iniuugnay ang katagang “teknolohiya” sa mga imbensyon at gadget na kailan lamang
natuklasan na proseso at prinsipyong maka agham. Nakikita ang teknolohiya bilang ang
kasalukuyang kalagayn ng ating kaalaman kung paano pagsasamahin ang mga
kakayahanupang magbunga ng ninanasang produkto. Ito rin ay nakatutulong sa tao sa
pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na kaalaman.

Lokal na Literatura

Ayon kay Bai-Rhema S. Marmay, isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas
maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang teknolohiya
ang naimbento simula pa noon. Ito ay nagsisilbing mahalagang instrumento sa mga mag-
aaral. Sumunod naman ay ang makabagong nakinarya na nagbigay daan para sa hustong ro
pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga
basahin o aralin. Sumunod naman na naimbento ay ang kompyuter na naging pangunahing
kagamitan para sa pagtuturo o paggawa ng mga gawain kagaya na lang ng mga presentasyon.
Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende kung anong gawain
o asignatura ang kanilang pinag-aaralan. Sinundan naman ng kompyuter ay ang prodyektor
na kung saan ay ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante na may kakayahan naman na
palakihin ang mga imahe o presentasyon upang maayos na maipakita ang bawat pinag-
aaralan. Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang
aspeto ng kaalaman at ng edukasyon subalit kailangan nating tandaa na nararapat nating
gamitin ito ng tama at wasto. Huwag nating hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ng
teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay
nagamit sa hindi tamang paraan.

Ayon kay G. Nicholas Carr na nagsimula sa kanyang tanong na “ Is Google making us


stupid?” na nabuo mula sa kanyang kuryusidad o pagiging mausisa sa mundo ng teknolohiya.
Sa aklat ni G. Carr na pinamagatang “The Shallows:What the internet is doing to our brain?”
na ipinaliwanag niya ang kanyang opinyon kung paano tayo nababago ng teknolohiya,
particular ang malawakang paggamit ng Internet. Ayon sa kanya, ang kaisipan ng mga tao ay
matagal ng nahulma sa pamamagitan ng mga sangkap ng utak mula sa alpabeto, mapa, mga
naimbag na akda, orasan hanggang sa kompyuter. Mga ebidensyang makasaysayan na
nailahad – nagbabago ang ating mga persepsiyon at pagkaunawa sa mga ito bilang tugon sa
mga karanasan. Ang teknolohiya ang ginagamit natin sa pagsasaliksik, pag-iimbak,
pagbabahagi ng impormasyon ay maaaring ibahin ang ating landas samantalang ang internet
naman ay nanghihikayat sa mabilis at magulong impormasyon na ating nakalap mula sa iba’t
ibang sources.

Ayon naman kay Miel Torres ng Tanauan Institute Inc na may kursong Business
Administration sa kasalukuyang panahon, sino pa ba ang hindi nakakaalam ng isa pa sa mga
sikat na imbensyon na ang kompyuter. Bagay na nagpapadali ng buhay ng mga mag-aaral na
katulad ko. Ayon nga sa mga nakakatanda, kung dati raw ay aabutin ka ng siyam siyam sa
library ng paaralan upang hanapin ang mga kahulugan ng mga leksyon, ngayon ay hahanapin
mo na lang sa internet, magta-type ka lang tapos lalabas na ang kasagutan sa hinahanap mong
kahulugan. Isang pindot mo lang ay nasa harap mo na agad ang hinahanap mo. Maliban pa sa
sobrang bilis na paghahanap ng leksyon, nariyan pa ang printer upang solusyonan ang
problema sa matagal na pagsusulat ng mga takdang aralin.

Ayon sa mga sinabi ni Bair-Rhema Marmay, nakakatulong ang teknolohiya lalo na sa


mga estudyante at dahil sa sunod sunod na paglalabas ng bagong teknolohiya mas lumalawak
ang kaalaman ng mga estudyante para mas mapadali ang kanilang mga gawain gamit ang
teknolohiya. Sa isang maikling tanong ni G. Nicholas Carr na “is google making us stupid”
na sinasabi niya na mas kailangan nating tumayo sa sarili nating mga paa na wag basta basta
aasa sa teknolohiya. Ang teknolohiya mismo ang natuturo sa ating para maging mapanuri
tayo pero kasabay nito ay unti-unting paglaho ng ating kakayahan sa konsentrasyon at
pagninilay-nilay. Sa araw-araw nating paggamit at pakikisalamuha sa modernong panahon at
mundo ng teknolohiya, ito ay may katumbas na mga pagbabago sa ating ugali. Si Miel Torres
naman ay hinahalintulad nya ang mga mag-aaral ngayon sa nakaraang henerasyon. Sa
teknolohiya nga naman natin makukuha ang sanhi ng katamaran, pagbabago ng uagli at
pagkawala ng pagsisikap sa sarili. Sinasabi niya rin ang malaking kapakinabangan dahil mas
mabilis ang proseso at nagagawa ng mga mag-aaral ang kanilang takdang aralin ng maayos at
kumpleto at detalyado.
Banyaga na Literatura

tasyon.

You might also like