You are on page 1of 2

KABANATA II

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL


Maraming tao ang naapektuhan ng sobra sobrang paggamit ng gadyets, Ang mga mag
aaral ay hindi na nakaka pokus sa pag aaral ng dahil dito na para bang hindi sila mabubuhay ng
walang hawak na gadyet. Sa pahinang ito ang mananaliksik ay mag papahayag ng mga kaugnay
na literatura at kaugnay na pag aaral nito.
KAUGNAY NA LITERATURA
Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga

aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong

mga nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang unang praktikal na teleskopyo noong

ika-17 na siglo. Ito ay nagsilbing mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng astronomiya.

Sunod dito ay ang makinalya na nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng

pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng

ilang dekada, ang kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-

21 na siglo.( Bai-Rhema S. Marmay)

Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong

asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang

pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter

na maaaring maka-access ng internet.

Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay gumagamit na

ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang tinatawag na computer laboratory

kung saan natitipon ang lahat ng mga kompyuter. Nang dahil dito, mas naging maginhawa at

madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng mga guro ang

kanilang leksyon nang dahil sa internet.


Sa pag obserba at pag- aaral ni Jubanee sa kanyang blog. Ang tao ay hinuhubog ng

kanyang mga mithiin. Ang kanyang puso at kaluluwa ay hinugis ng bawa’t pagnanasa bilang

isang makamundong nilalang. Mapaghanap, mapusok, malikhain. Ang tao ay hindi tumitigil sa

pagkamit ng bawa’t bagay na alam niyang kanya dapat mapasakamay.

Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang

pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa

paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa

kaysa sa agham at inhinyeriya.

Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na

ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man,

isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong.

You might also like