You are on page 1of 1

BALITANG PINOY

TEKNOLOHIYA SA EDUKASYON
Ang teknolohiya ay mahalagang bahagi sa loob ng
klase dahil sa pamamagitan nito ay mas maayos na
naipapakita ang mga aralin. Nagdaan ang maraming
ilang siglo maraming teknolohiya ang naimbento,
isa na nga rito ang Computer o Kompyuter na
imbento ni Charles Babbage taong 1833-1871. Sa
panahon ngayon, teknolohiya ang isa sa maaasahan
ng mag-aaral na pagkukuhaan ng impormasyon, sa
pamamagitan ng mga gadyets katulad ng cellphone,
laptop, computer, tablet at marami pang iba. Ang
teknolohiya ay makatutulong sa karamihan upang
mapabilis ang iba’t ibang gawain ng mga tao sa
kanilang araw-araw na pamumuhay lalo na sa mga
may trabaho at mga mag-aaral. Lumipas ang
maraming taon, naimbento na rin ang Internet, na
imbento ng mga computer scientists na sina Vinton
Cerf at Bob Kahn noong Ika-29 ng Oktubre taong
1969. Nang dahil sa internet mas lalong pinabilis
ang gawain ng mga tao lalo na sa paggamit ng mga
teknolohiya, mas madali mo ng mahanap o i-search
ang gusto mong malaman na impormasyon o aralin.

sa paglipas ng maraming taon, naging hindi


magandang instrumento na rin ang teknolohiya
sa mga tao lalo na sa mga bata. Kaya hanggat
maaari kung tayo ay nakatatanda sa ating
pamilya o sa isang komunidad, maging gabay
tayo sa ating mga kababatang kapatid o pamilya
na limitahan ang paggamit ng teknolohiya o ipa-
alam natin sa kanila ang tunay na gamit ng
teknolohiya, maging modelo tayo sa kanila upang
mas maging mahusay sila sa kanilang henerasyon
Dahil ang paggamit nang sobra sa isang bagay ay
nakakasama rin sa atin.

You might also like