You are on page 1of 3

ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA AKADEMIKONG

LARANGAN NG MGA STUDYANTE


SA PANGKAT 11 NA NASA ICT STRAND (COMPUTER SERVICES)
NG PWC S.Y. 2017-2018

Isang Pananaliksik na Iniharap


Kay Gng. Ofelia Ordaneza
Sa Asignaturang Filipino
Sa Philippines women’s College of Davao

Mga Mananaliksik:
Kassandra Mariz Libron
Philip Sauro
Arthuro Cabahug
Kabanata 1

a) Introduksyon

Ang teknolohiya, ay may higit sa isang kahulugan. Isa na rito ang pagsulong at paglapat
ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga
suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at
inhinyeriya.Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na
ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man,
isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento katulad ng gulong.Sa
isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang
kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga
kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating
kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang
ating kaalaman dito.
Aminin man natin o hindi, malaki talaga ang epekto ng paglakas ng kapangyarihan ng
teknolohiya sa ating mundo, bansa, at sa lokal nating lugar na tinitirhan. Minsan darating sa
ating buhay na tayo ay mapapaisip kung ano na nga kaya ang atiing buhay kung walang
teknolohiya? Isa na nga ang teknolohiya sa mga bagay na may malaking epekto sa buhay ng
tao. Pinauunlad nito ang ating ekonomiya sa pangkalahatan at ang ating sarili lalong lalo na sa
pakikitungo sa ibang tao at ang paggamit ng mga teknolohiyang ito. Isa sa mga mayoryang
pinagtutuunan ng pansin ng ating gobyerno ay ang kalidad ng edukasyon na makikita natin na
may malaking impluwensya din sa paglago ng teknolohiya. Ano nga ba ang teknolohiya sa
larangan ng edukasyon?

Ayon kay (Princess Vhalerie, 2014) Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas
maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga
naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na mga taon. Ito ay nagsilbing
mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya na
nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis
at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang kompyuter
naman ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo.
Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong
asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang
simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga
pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na
maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon,
ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga
kompyuter na maaaring maka-access ng internet.
Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay gumagamit na
ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang tinatawag na computer
laboratory kung saan natitipon ang lahat ng mga kompyuter. Nang dahil dito, mas naging
maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng
mga guro ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.
Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng
kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng
wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring
makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang
paraan.
Ang mga epekto nito ay Ang mabuting naidudulot ng teknolohiya ay ang madaling makatapos
ng gawain subalit ang masamang dulot nito ay hindi kayo tinutulungan nito para magsikap ng
sarili mo ang ginagamit mo di na umaasa na lang sa iba.Ang teknolohiya ay hindi lang
nakakatulong nakakadulot din ito ng mga polusyong nakakaapekto sa ating kalikasan.Kung
hindi ito gagamitin ng tama ay mas malaki ang posibilidad na mas malaki ang masamang
epekto nito kaysa sa mabuti.Dagdag lang kaya ang mga ibang tao ay nagiging tamad na dahil
sa makabagong teknolohiya umaasa nalng sila tulad sa computer warning lang po di lahat ng
information na nakukuha nyu sa coputer ay tama dahil wala pang batas na maaring mag limita
ng pag bibigay ng imformation sa copumter sabi nga nila isang highway lng ang internet pero
lahat ng bagay na gusto mong mkita ay makikita mo.

You might also like