You are on page 1of 6

KASAL- Eli Rueda Guieb III

Yung mahalin kita habambuhay, hindi ko yata iyon puwedeng ipangako sa iyo. Pero '
yung iisipin kita habambuhay, iyon, baka iyon ay puwede ko pang ipangako sa iyo,
kahit papaano.
Iyon ang sinabi ko sa kaniya bago kami ikasal. At iyon din ang sinabi niya sa ak
in pagkatapos naming ikasal.
Hindi naman siguro mahirap intindihin 'yon. Dahil maraming bagay sa mundo ang hi
ndi pwedeng bigkisin sa mga kontrata ng relasyon. Iisa lang naman ang batas ng r
elasyon, pagmamahal. Kapag iyon ang nawala, wala na ring silbi ang katotohanan n
g mga kontrata. Ang tanging katotohanang naiiwan ay ang pait ng pinawalang-bisan
g kontrata.
At kahit na anong pagkakait ang gawin, kahit na anong pagkukunwari ang ipantapa
l, kung talagang wala na ang pagmamahal, anuman ang kahulugan nito, anuman ang a
nyo nito, anuman ang ekspresyon nito, ay totoong tapos na nga ang kontrata. At k
ung minsan nga ay tinatapos din ang relasyon kahit wala namang pag-ibig na tinat
apos.
Totoong nakakapanghinayang. Dahil sino ba naman ang may gustong magputol ng mga
ugnayan? Liban na lang marahil kung talagang sa simula pa lang ay maling-mali n
a ang binubuong relasyon, anuman ang pakahulugan natin sa mali. Pero ano pa ang
magagawa ng mga panghihinayang, ng mga buntong-hininga, kung kathang-isip na lan
g ang pagmamahal, kung ang inaakalang pagmamahal sa asawa, o sa kaninumang karel
asyon, ay dahan-dahang magpapaunawa sa iyo ng dahan-dahan ding pagpigtal sa mga
emosyong nagkukurdon sa isat isa.
Iyon ang sinabi ko sa kaniya nu ng pag-usapan namin ang aming posibleng paghihi
walay. Iyon din ang sinabi niya sa akin nu ng nagdesisyon kaming kami y maghiwal
ay na.
Hindi pa rin naman talaga mahirap intindihin iyon, iyong paghihiwalay. Sino ba
ang may sabing iisa lang ang dapat na puntahan ng relasyon? Sino ang may sabing
mali ang maghiwalay? Sino ang may sabing lahat ng tinatapos na relasyon ay dapat
na malungkot? Puwede rin naman sigurong maging masaya sa pagpilas ng mga dokume
nto ng ugnayan. Maaring naroroon ang pait, hindi mo maiaalis iyon. Pero hindi ib
ig sabihin no n ay dapat na malungkot ang lahat ng pagtatapos.

Kanina pa namin hinihintay ang pagtaas ng araw. Kami, kaming dalawa lang, ang na
ghihintay sa tuktok na yon.
Kagabi ay nagsawa kami sa panonood ng mga bituin, mga bituing kumikinang, umaan
dap-andap, pero alam mong patay, mga bituing kasisimula mo pa lamang kilalanin a
ng kagandahan ay matagal na palang patay.
Banayad ang malamig na simoy ng hangin ng madaling-araw na iyon, di tulad kagabi
na may bulong ng unos. Akala nga namin ay masisira ang aming tent sa lakas ng h
angin kagabi. Pero ngayong umaga ay payapang-payapa ang paligid. Ang mga ulap sa
ibaba ay parang ragasa ng ilog sa kanilang pagtulog, parang naka-freeze ang kan
ilang motion, parang pelikulang pinahinto ang galaw ng frame. Maging ang ulap pa
la ay napapagod din sa paglipad. Nagpapahinga rin pala ito sa ibaba ng bundok.
Nagsisimula nang mamula ang dulo ng mundo. Inakbayan niya ako, maingat. Tiningna
n ko siya at sandaling ngumiti, tipid na ngiti. Muli kong ibinaling ang aking mg
a mata sa dulo ng mundo. Inakbayan ko rin siya, tahimik na akbay. Parang tuyong
dahon ang kaluskos ng aming mga jacket at windbreaker.
Gusto kong bumalik sa tent para kunin ang kamera. Ito yung mga pagkakataong hin
di pinalalampas ng mga photographer. Tamang-tama ang color temperature. Nakaka-c
hallenge sa f-stop ng kamera ang speed ng liwanag.
Pero nagdesisyon akong huwag nang kunin ang kamera. May mga bagay na ayaw kong i
paubaya sa mata ng kamera. May mga bagay na ayaw mong ikulong sa kuwadro ng real
idad ng lente. May mga bagay na para lang sa mata ng tao. May mga bagay na gusto
mo lang ikulong sa realidad ng gunita.
Isa ito sa mga pagkakataong iyon.
Dahan-dahan ng umakyat ang araw. Naninilaw na ang dulo ng mundo habang namumula
naman ang aming kinaroroonan. Nagbabago-bago ang temperatura ng liwanag, kung pa
anong nagbabago-bago rin ang kislot ng emosyon ng aking kaluluwa. Alam kong gano
on din ang kaniyang nararamdaman. Ilang beses na naming nakita ang pagtaas at pa
glubog ng araw, ang muli nitong pagtaas at muli nitong paglubog. Subalit sa bawa
t pagtaas at sa bawat paglubog ng araw ay ibat-iba, at ibang-iba, ang mga katotoh
anang ibinubulong nito sa aming mga katauhan.
Di pa nagtagal ay bilog na bilog na ang araw. Nawawala na ang mga pula, nawawala
na din ang mga dilaw. Tumitingkad na ang mga berde. Gumagalaw na rin ang mga ul
ap,paitaas,pabalik sa kanilang langit.
Matagal pa kaming nanatiling nakaupo sa tuktok na iyon. Walang imikan sa isat isa
, nanonood sa paggising ng mundo, nakikinig sa mga kaluluwang paligid,sa mga kal
uluwa ng aming mga sariling buhay.
Sino ang mag-aakalang nang mga sandaling iyon ay pinupunit namin sa aming mga pu
so ang mga dokumento ng aming relasyon.

Kahapon ng hapon ay pinunit ng hangin ang pinalilipad naming saranggola. Sinadya
naming agahan ang pag-akyat sa Pulog nang sa gano n ay marami pa kaming puweden
g gawin, at pag-usapan. At sinadya rin naming umakyat ng Enero, at weekday. Kinu
ha namin sa Maynila ang last trip pa-Baguio. Nagkape kami sandali sa terminal ng
bus, nagpahinga ng isang oras sa isang bukas na restaurant sa Baguio na may na
may mangilan-ngilang nag-iinuman o nagpapalipas din lang ng oras, pagkatapos ay
naghanap ng dyip na aming masasakyan papunta sa isa sa mga jump off point papunt
ang Pulog.
Mas maganda itong mga off season climbs,mas nasasarili ang hangin ng paligid,ang
huni,bulong,halakhak,at pighati ng lahat ng uri ng buhay sa mahanging bundok na
ito. Higit sa lahat,para mapakinggan namin,kami lang, ang mga impit na sigaw ng
aming mga kaluluwa.
Mabilis na namayagpag ang saranggola nang bitawan ko ito. Nakita kong medyo nahi
rapang maniobrahin ni Joanne ang saranggola nang itulak ito ng hangin paitaas.
Simpleng-simple ang tabas ng saranggola,isang malapad na triyanggulong papel,kul
ay dilaw,berde,at pula. Hindi tulad ng mga guryong na pinalilipad ko noong ako y
bata pa,na ako rin ang gumawa,na lakas-loob kong ipinanlalaban sa iba pang sara
nggola,minsan natatalo,minsan ay nananalo.
Tumawa na lang kami nang pilasin ng hangin ang saranggola,tutal mura lang naman
ang bili namin dit. Pero siguro kung kami ang gumawa ng saranggola,hindi ganoon
kadaling pakawalan iyon.
Kung paanong hindi ganoon kadaling pakawalan ang isang buhay na alam mong sa iyo
nanggaling. Namatay ang aming panganay dalawang taon na ang nakararaan. Tatlong
taon na si Toni noon,binaha ng tubig ang kaniyang utak, at walang nagawa ang mg
a doktor. Walang nagawa ang Diyos kahit na anong dasal ang gawin ko,kahit na ano
ng pagsusumamo ang gawin ko sa lahat ng espiritu ng mundot kalawakan.
Isang tanong ang magpahanggang ngayon ay hindi namin alam ang sagot. Bakit kaila
ngang mamatay ni Toni? Hindi dapat namamatay ang mga bata. Hindi tamang mamatay
ang mga bata.
Gano n yata talaga iyon. May mga bagay na agad-agad na nawawala, may mga bagay n
a madaling mawala. Parang pagpapalipad ng saranggola. Kahit na anong maniobra an
g gawin mo sa pisi, kahit na anong pag-ayon at paglaban ang gawin mo sa hangin,m
alakas man ito,banayad o mahina, kahit na anong tibay ng iyong pisi, ng papel o
ng kahit na anong materyal ng saranggla,at ng nagpapalipad,mapupunit ang sarangg
ola, o mapipigtas ang pisi,o mapapagod ang nagpapalipad,o simpleng mawawalan ng
hininga ang hangin.
Malalim ang magkakambal na buntong-hiningang pinakawalan ko nang huli kong dalaw
in ang puntod ni Toni.

Malalim din ang magkakambal na buntong-hiningang pinakawalan namin ni Joanne nan
g maghiwalay ang aming mga labi. Maingat, tahimik, mabagal, ang sandaling paglal
aro ng aming mga dila. Mataas na ang araw, bagamat nasa gilid pa rin ito ng mundo
.
Bumalik kami sa may tent. Kinuha ko ang stove sa tabi ng tent na natatakpan pa r
in ng flysheet. Habang binobomba ko ang stove ay nilagyan ni Joanne ng tubig ang
cookset. Pagkasindi ng stove ay ipinatong dito ni Joanne ang cookset. Habang hi
nihintay na kumulo ang tubig ay pinunasan namin ng tissue paper ang aming mga ta
sa at kutsarita na mamasa-masa pa sa hamog.
Kanina habang hinihintay namin ang pagsikat ng araw ay tinanong naming muli ang
aming mga sarili kung sino ang dapat sisihin sa patutunguhan ng aming relasyon,
o sa kawalan ng patutunguhan nito. Pero wala kaming makitang kasalanan o pagkaka
mali, kung kasalanan nga o kamaliang matatawag ang aming pagpapakasal gayong ala
m naming posibleng may hinihintay pa kaming ibang pag-ibig, o may ibang naghihin
tay sa aming mga iniimbak na pag-ibig.
At lalo kaming nagulat nang matanto naming hindi namin kailangang maghanap ng ka
salanan para tapusin lang ang aming relasyon. Puwede namang wakasan ito nang wal
ag galit sa isat-isa, nang walang hintuturong nanduduro ng paninisi, nang walang
pagkataong mawawasak, nang walang pusong masasaktan, nang walang kaluluwang mapu
punit.
Noong isang taon ay muling bumalikbuhat sa Canada si Michael,dating boyfriend ni
Joanne bago kami magpakasal. Alam ni Joanne na mahal pa rin siya ni Michael. Al
am ko rin iyon. Pero tiyak si Joanne na hindi na babalik si Michael sa buhay niy
a dahil wala naman nang plano si Michael na umuwi ng Pilipinas. At wala rin namn
g plano si Joanne na sumunod sa Canada. Pero biglang nagbago ang mga pangyayari.
Muli ngang bumalik si MIchael, at sa Pilipinas na uli maninirahan. Akala ni Joan
ne ay hindi na niya mamahalin pa si Michael. Pitong taon na rin naman silang cut
off sa isat isa.
Pero hindi pala sa haba ng panahon sinusukat ang paghihiwalay. Hindi pala sa kaw
alan tinitimbang ang bigat ng pagkataong kinikipkip sa puso.
Buhat ng bumalik si Michael ay lagi silang nag-uusap. Alam ko iyon. At alam ko r
in ang laman ng kanilang pag-uusap, lahat ng kanilang pag-uusap. Mula nang matiy
ak ni Michael na gusto pa rin niyang maging karelasyon si Joanne kahit kami y ka
sal na, mula nang matiyak nilang dalawa na magsasama na sila, mula nang matiyak
kong hindi seguridad ang kasal para mapanatili ang relasyon, mula nang tanggapin
ko sa sarili ko na dapat ko nang pakawalan si Joanne, mula nang matanggap kong
dapat ko na ring kumawala sa buhay niya, mula nang maging tiyak ang maraming bag
ay kahit alam naming ang katiyakang iyon ay puwedeng hindi talaga tiyak, mula no
on ay sinabi ko na sa aking sariling tapos na ang aming relasyon kahit hindi tot
oong doon nagtatapos ang pag-ibig namin ni Joanne sa isat isa.
Noong umpisa ay totoong mabigat iyon. Isang malaking kahangalan ang pawalan ang
isang mahal sa buhay, lalot may basbas ng legalidad ang aming pagsasama. Subalit
higit na malaking kahangalan ang ikulong ang kapwa sa legalidad ng pagsasama.
Iniangat ko ang takip ng maliit na kaldero. Hindi pa rin kumukulo ang tubig. Nai
handa na ni Joanne ang kaning kaniyang isasangag.
Sino ang maniniwalang maghihiwalay na nga tayo? sabi ko kay Joanne habangibinabali
k ko ang takip ng kaldero.
Ngumiti si Joanne, lumapit sa tabi ko at kinusot-kusot ang buhok ko. Hindi naman
kailangang may pag-awayan para maghiwalay, sabi niya.
Hindi ako ngumiti. Tiningnan ko lang siya. Walang masamang ibig sabihin ang ting
ing iyon. Mugto ang kaniyang mga mata.
Kagabi ay umiyak siya. Nagsimula sa impit na paghikbi,hanggang sa siya y mapaluh
a,at ang pag-iyak ay naging paghagulhol. Sorry siya ng sorry habang humahagulhol
. Ang usapan kasi namin bago kami umakyat ng Pulog ay walang iyakan.
Kuwentuhan lang,konting halikan, konting dantay ng katawan at pag-aaral sa emosy
on ng bawat isa; sa madaling salita, pamamaalam sa isat isa, iyon ang dahilan ng
climb na ito.
Hindi ka dapat mag-sorry. Walang dapat mag-sorry, sabi ko sa kaniya habang mahigpi
t ko siyang yakap-yakap. At walang iyakan, usapan natin yan.
Kamuntik na ngang hindi matuloy ang pag-akyat na ito. Hindi namin alam kung mata
tawa kami noong namimili kami ng mga pagkaing dadalhin namin para sa climb na it
o. Para kaming naglalaro. At para ring corny na ang huling araw ng pagsasama nam
in ay sa ganitong paraan namin gagawin, kung paanong sa ganitong sitwasyon din n
amin sinimulan ni Joanne ang aming relasyon.
Kapwa kami noon aplikante ni Joanne sa isang mountaineering group. Boyfriend na
niya noon si Michael. Ako naman ay may live-in partner noon, si Lizette.
Pareho namingmahal ni Lizete ang isat isa, at pareho kaming hindi naniniwala sa k
asal.
Pero ewan ko kung bakit isang araw ay nagising akong ang pakiramdam ko ay pagod
na ako sa mga transient na relasyon. Gusto ko na ng permanence. Niyaya ko ng kas
al si Lizette. Nang una kong sabihin iyon sa kaniya ay tinitigan lang niya ako n
ang matagal, parang hindi makapaniwalang ako nga ang nagsabi niyon sa kaniya.
Ilang beses naming pinag-usapan ni Lizette ang bagay na iyon. Iisa lagi ang kani
yang sagot, isang tiyak na iling.

Kumukulo na ang tubig. Inalis ko ang kaldero sa stove. Ipinatong ni Joanne ang m
aliit na kawali, isinunod ang bawang,nilagay ang kaning lamig.
Habang nagsasangag ay naghanda ako ng kape para sa aming dalawa. Iniabot ko ang
tasa ni Joanne sa kaniya, humigop siya ng kaunti. Nilagyan ko ng creamer ang aki
ng kape,humigop ng kaunti,nagsindi ng yosi.
Nahiwa na rin ni Joanne ang pagtatas na aming itotorta para sa agahan.
May isang makulay na ibong dumapo sa isa sa mga batong kumukubli sa stove laban
sa ihip ng banayad na hangin.
Naalala ko ang isang lawing namataan namin ni Joanne nung minsang nag-long dista
nce biking kami mula Maynila hanggang Bustos, Bulacan. Nasa Norzagaray kami noon
,nasa tuktok namin ang araw nang matanaw ko ang lawing iyon na payapang lumilipa
d sa gilid ng bangin.
Nasa gilid ng bangin ang kalsada. Mayabang subalit tahimik na tahimik ang matayo
g na lipad ng lawin. Sandali kaming huminto ni Joanne sa pagba-bike. Iginilid na
min sa may bangin ang aming mga mountain bike. Pingmasdan namin sa may bangin an
g ibon sa paikot-ikot nitong paglipad sa burol. Tumingin ako sa ibaba. Nakalulul
a, nakatatakot mabuhay sa matayog na gilid ng mundo.
Sa ibaba ay naroon ang isang makitid na ilog. May ilang babaeng naglalaba,mga da
lagat matanda. Mayamaya y lumayo sa kinaroroonan namin ang lawin, tinaasan pa ang
paglipad, dumako sa loob ng bundok na nauubusan na ng puno..
Hinanap namin ang daan pababa sa may ilog. Inakay namin ang aming mga bike sa ba
to-batong footpath hanggang marating namin ang mas mabatong patag patungo sa ilo
g. Tinanggal ko ang aking helmet at shades,hinubad ko ang aking medyas,sapatos,
at tishirt. Tumalon ako sa ilog at lumangoy patungo sa kabilang pampang kung saa
n naroon ang mga batat mga babaeng naglalaba. Maligamgam ang tubig.
Sinenyasan ko si Joanne na sumunod sa akin. Umiling lang siya. Hihintayin na lan
g kita dito, sigaw niya. Nang marating ko ang pampang ay tumingin lang sa akin a
ng mga bata. Nagtawanan ang mga kababaihan. Umupo ako. Kinilig ako ng kaunti n
ang dampian ng tuyot na hangin ang aking katawan. Mapapasma ako sa ginagawa kong
ito,pero hindi bale,sabi ko,minsan ko lang namang gawin ang ganito.
Pagkatapos ay bumalik ako kaagad sa pampang na kinaroroonan ni Joanne. Umiinom s
i Joanne ng tubig sa cannister, sa lilim ng isang punong mangga. Nagyaya siyang
ipagpatuloy na ang aming pagba-bike. Muli kong isinuot ang pawisan kong damit. N
aramdaman ko ang pawis at tubig na sumusuot sa aking katawan.
Sa gawing Bustos ay nadaanan namin ni Joanne ang isang dampa, at sa bintana ay n
akatanghod ang dalawang matanda,malamang ay mag-asawa,na tahimik sa kanilang pag
kakaupo, nakatingin lang sa labas. Sinundan ng kanilang mga tingin ang mabilis n
a pagdaan namin ni Joanne.
At bago pa namin marating ang bayan ng Bustos ay marami kaming nadaanang mga lum
ang bahay, paisa-isa,payapa,tahimik na nakatayo sa gilid ng kalsada, subalit til
a ipinagyayabang ang kanilang katatagan, ang kanilang kasaysayan.
Nalungkot ako,napagod ako sa pakikipagtitigan sa mga lumang bahay.
Napaka-introspective ng pagba-bike. Parang mountain climbing. Nakiipag-usap ka s
a iyong sarili. Nakikipag-usap ka sa paligid na iyong nadaraanan. Kadalasan, hab
ang nagba-bike o naglalakad sa mga dalisdis ng bundok, ay naiisp kong napakarami
ng sandali ang basta-basta ko na lamang pinalilipas.
Napakaraming mga paslit na pagkakataong hinahayaan ko na lamang dumaan sa harap
ng aking gunita. Dumarating na lang basta ang mga saloobin, mabilis na magdaraan
sa aking harapan na parang aninong tinatangay ng kumpas ng liwanag, at sa ilan
g saglit ay wala na, hindi mo na maalala kung ano ang bagay na iyon,daig pa ang
panaginip na kahit papaano ay may iniiwang tanda.
Sana ay ganito kapayapa ang lahat ng pagkakataon. Nakakapagod mabuhay sa pagitan
ng mga saknong. Nakapanlulumong ikulong sa loob ng mga panaklong, na para bang
kilala na ng iba ang iyong pagkatao batay sa mga kategorya kung saan ka nila ibi
nubulsa. Nakabubusal ang mga pagkakahong iyon.
At sa bawat pag-iwas sa itinatakda ng iba na depinisyon ng sarili ay ang kanilan
g walang-katapusang paghalughog ng iba pang mga kategorya upang ikaw ay kanilang
maibuslo roon. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila maintindihan na sari
li lang ang makakapagpaliwanag ng sarili,na ang sarili,higit sa lahat, ay hindi
rin naman kailangang ipaliwanag ang sarili. Bakit hindi hayaang malayang dumaloy
ang malay?
Siguro, yung paghahanap ng kategorya, paghahanap din siguro iyon ng permanence.
Kung gayon, parang may mali sa permanence. Mas okey pa rin yata ang transience.
Tulad ng transience ng lawing dahan-dahang nawala. Tulad ng transience ng sanda
ling iyon ng paglangoy sa ilog. O ng pamumundok, o ng pagpapalipad ng saranggola
, ng araw na namumula sa dulo ng mundo. O ng pagba-bike, ng tanghod sa bintana n
g matandang mag-asawa. O ng pakikipag-live in kay Lizette. Ng pag-alis at pagbal
ik ni Michael sa buhay ni Joanne, ng kasal namin ni Joanne, at ng paghihiwalay n
amin ni Joanne. O ng mga halik sa tuktok ng mundo, ng mga solitaryong buntong-hi
ninga. Hindi na maibabalik ang mga iyon, hanggang doon lang iyon. At iyon lang i
yon. At iyon yon. Nasa kanilang transcience ang kanilang permanence.
Bigla ko tuloy naisip na ang paghahanap ng permanence ay parang paghahanap sa in
unan.
Minsan ay sinubukan kong mag-bike mag-isa, sa ruta pa ring madalas naming daanan
ni Joanne. Pero no n ay pinasok ko ang maliliit na rough road na hindi namin pi
napansin. Mababato ang mga daang iyon. Tumatalsik ang mga batong tinitisod ng gu
long ng bike, tumatalon sa mga damo sa gilid ng kalsada, ang iba ay gumugulong s
a putik ng palayan, ang tunog ng bagsak sa putik ay parang sinasaksak na laman n
g tao.
Nang muli kong titigan ang kalsada sa ilalim ng gulong ng aking bike ay nagmistu
lang kawan ng mga tuldok ang daan. Ibinaling ko ang aking ulo sa harap, nasisila
w ako sa liwanag kahit naka-shades ako, tumutulo rin ang pawis mula sa aking noo
. Puro tuldok pa rin ang aking nakikita, libo-libong tuldok sa sa isang mahabat n
ag-iisang kalsada sa gitna ng berdeng parang na iyon.
Tuldok, naghahanap ako ng tuldok sa buhay. Marami akong mga tinapos na relasyon
na hindi naman talaga nagtapos sa tuldok. At gusto ko nang tuldukan ang mga baha
ging iyon ng buhay ko. Maraming tuldok na puwedeng daanan. Pero hindi pala ganon
kadaling mamulot ng mga tuldok.

Nahugot ko na ang pinakahuling peg ng tent. Naitiklop na namin ni Joanne ang ten
t, flysheet, at groundsheet. Nakapag-pack na kami at nililinis na lang namin ang
campsite na ginamit namin.
Bago kami tuluyang bumaba ay sandali kaming tumayo sa may gilid ng tuktok. Inili
bot namin ang aming paningin sa lahat ng kayang abutin ng aming mga mata, ang la
ngit, ang ulap, ang mga bundok sa dulo ng mundo, ang mga damo sa maliliit at alo
n-along bundok sa ibaba. Isa pang buntong-hininga, magkakambal na buntong-hining
ang pinakawalan din naman namin.
Huling sulyap iyon sa kabuuan ng lahat ng aming pinagsamahan ni Joanne, lahat ng
aming minahal sa isat isa, ng lahat ng aming itatapon, o kukupkupin, o kikimkimi
n.
Napakaliit ng pakiramdam ko nang mga sandaling iyon. Napakalawak ng mundo, napak
atayog ng mga realidad, parang napakalayo ng mga katotohanan. Nagpakalayo-layo a
ng katahimikan at narito kaming sinasamantala ang natitira pang kapayapaang maaa
ri naming saglit na isabuhay sa mga huling sandali ng aming pagsasama bilang mag
-asawa.
Pumasok sa aking isip ang imahe ng mga mummy na nakita namin ni Joanne habang pa
akyat kami ng Pulog. Natahimik ako nang isa-isa kong makita ang mga bakas na iyo
n ng kamatayan. Hindi nga lang pala buhay ang nag-iiwan ng mga gunita, higit na
maraming iniiwang alaala ang kamatayan.
Nasabi ko tuloy sa aking sarili na gusto kong mamatay nang maaga, di tulad ng ma
tandang mag-asawang nakatanghod s bintana, di tulad ng mga lumang bahay sa gilid
ng kalsada. Ano pa ba ang gagawin ko sa buhay kung wala na ang mga ka-batch ko
sa mundo? Paano ba ako makikihalubilo sa isang henerasyong hindi ko naman kinabi
bilangan, sa isang mundong hinihintay na lang akong mawala, sa isang panahong na
kikisama na lang sa akin?
Pero paano kong ihahanda ang aking sarili sa kamatayan? Gusto ko, kung kakayanin
ko, at sana y kayanin ko nga, ay ibalik ang aking kamalayan sa kalagayan nito n
oong ako y nasa sinapupunan pa ng aking ina. Ganoon naman sguro dapat isabuhay
ang buhay. Mag-a-unload ako ng mag-a-unload ng mga bagahe ko sa buhay, mga bagah
eng kusa kong pinulot, mga bagaheng ipinasan sa akin ng iba sa aking paglalayag,
hanggang makabalik ako sa pinagmulan ng aking kamalayan.
Siguro kapag nagawa ko iyon, handang-handa na akong mamatay. Kahit hindi ko pa s
iguro naising mamatay, kusang-loob na yayakapin ako ng kamatayan, bukas-palad ak
ong sasalubungin nito, parang isang kaibigang matagal nang di nakikita.
Noong mga sandaling iyon, yung kaming dalawa lang ni Joanne sa tuktok ng Pulog,
yung aming-amin ang aming mundo, yung mga yugtong iyon ng pamamaalam sa isat i
sa, noong mga sandaling iyon, ang pakiramdam ko ay kinikilabutan ang mundo sa am
ing kapaslitan.
Bumaba na kami ni Joanne.
Habang kami y bumababa ni Joanne ay naalala ko ang isang bagay na pumasok sa isi
p ko noong ako y bumababa sa tuktok ng Halcon. Sa bawat pag-akyat at pagbaba ng
bundok ay lagit laging may kaluluwang iniiwan, may kaakuhang nagbabago, may bagon
g identitad na binubuo.
Si Joanne, tiyak siya sa sarili kung saan siya pupunta pagkababa namin sa Pulog.
Ako, saan kaya ako pupunta? Naalala ko ang sinabi sa akin ni Lizette nu ng mins
ang kami y mag-usap. Isang taon na kaming hiwalay noon, pero wala pa rin siyang
karelasyon o kasama sa apartment na inuupahan. Sabi niya, hindi raw ganoon kadal
ing maghanap o bumuo ng relasyon,permanente man o transient.
Ano ang naghihintay sa akin sa ibaba? Bahala na, kung ano ang ibibigay sa akin n
g pagkakataon, o kung anong pagkakataon ang puwede kong likhain para may mapunta
han ako.
Pero bago kami bumaba, corny mang sabihin, nangako ako kay Joanne, parang noong
kami y ikasal. Sabi ko sa kanya, yung iisipin kita habambuhay, iyon,tiyak ako,
puwede kong ipangako iyon sa iyo. At yung mamahalin kita habambuhay, puwede ko
na rin sigurong ipangako iyon sa iyo. Kahit hindi na tayo magkasama.
Ngumiti si Joanne. Pero hindi niya sinagot ang sinabi kong iyon.

You might also like