You are on page 1of 2

ANG KARANASANG DI KO MALILIMUTAN

Lahat tayo ay may karanasang halos ‘di malilimutan---karanasan sa pag-ibig, sa


pakikipagkaibigan, pamilya, mahahalagang pangyayari at iba pa. Maaaring ito ay
nakakasaya, nakakalungot, nakaka-inis, nakakagulat at marami pang iba. Sa rami ng
mga bagay na aking naranasan, halos lahat ‘to ay ‘di ko na maalala. Ngunit may isa
talaga na tumatak sa buhay ko.

Ang paglakbay namin sa lalawigan ng Mindoro. Unang araw ng Agosto ay naka-


handa na ako ng aking mga magagamit para kinabukasan. Saktong alas-dos ng hapon
sa ikalawang araw ay umalis na kami sa aming bahay, nagdala nga rin pala ako ng
aking pwedeng kainin sa loob ng sasakyan sapagkat medyo malayo-layo ang Batangas
Port mula sa aming bahay. Dahil sa pag-aabala naming na kami ay maiiwan ng barko
ay ‘di na kami tumigil sa byahe upang kumain. Gabi na ng apala nung kami’y nakarating
sa Batagas Port, 9:30 na kami nakarating at habang naghihintay kami ng barko dahil
10:00 pa ang byahe ng gabi, kumain muna kami ng tira kong mga pagkain na dala.
Pagsapit ng 10:00 ay pinayagan na kaming pumasok sa barko kasama ang sasakyan
namin. Dalawang oras nga pala ang byahe ng mula Batangas Port hanggang Abra de
Ilog Port (Occidental Mindoro). Habang kami ay nasa byahe, tanging ginawa ko lamang
ay tumambay sa itaas ng barko habang nagpapahangin at pinagmamasadan ang mga
maliliwanag na ilaw na nakapa-libot sa amin sa madilim na karagatan. Ito nga pala ang
aking unang beses sa pagsakay ng barko kaya kahit pagod ako sa byahe ay tumambay
lang ako sa itaas sa buong dalawat mahigit na oras. Pag dating namin sa Abra de Ilog
Port ay kailangan pa naming bumyahe ng isa pang oras Patungo sa mismong bahay na
aming pupuntahan. Dahil sa haba ng byahe, pag dating naming sa bahay ng lolo ko ay
agad kaming nagpahinga dahil sa pagod at ala-una na iyon ng madaling araw.
Inagahan pala naming gumising sapagkat sa dagat kami mag-aalmusal kasi malapit
lamang ito sa kanilang bahay. Unang beses ko ito na maligo sa dagat na kami-kami
lang, walang katao-tao, malinis ang tubig, walang basura. Umuwi rin kami bago
mananghalian dahil may espesyal daw silang lutuin na kanilang ipapa-kain samin.
Tanghalian na at kanilang inilapag ang isang mangkok na may lamang inadobong
karne, adobong baboy-ramo, sikat na lutuin sa Mindoro. Unang beses kong makatikim
ng baboy-ramo at hindi naman nagkakalayo ang lasa nito sa normal na baboy. Pagsapit
ng hapon ay inilibot nila kami sa kanilang lugar. Sobrang aliwalas dito, sobrang lamig ng
hangin ditto kahit walang gaanong puno. Kinabukasan ay wala na kaming masyadong
ginawa kundi inilaan nalang naming ang oras naming sa kamag-anak namin doon.
Alas-dos ng hapon ay nagsimula na kaming bumyahe pauuwi. Ganoon pa rin ang aking
ginawa nung nasa barko na kami. Tumambay pa rin ako sa itaas ng barko kahit tirik ang
araw ngunit parang wala lang ito sa lakas at lamig ng hangin. Na kwento rin ng pinsan
ko na naka punta na sa Mindoro dati ay may mga dolphin din na nakikipagsabayan
minsan sa barko, ngunit wala akong nakita ni isa, siguro ay takot na sila sapagkat
marami nang pumapalaot sa dagat. Pagdating namin dito sa bahay ay agad din kaming
nagpahinga.

Isa ito sa hindi ko makakalimutan na karanasan sa aking buhay dahil dito ko


naranasan ang mga ibang bagay sa unang beses at lalo na at kasama ko ang aking
pamilya.

You might also like